Chapter 8

13 3 0
                                    

Hindi mag-kandaugaga sa paghahanap si Fleur sa nanawalang aso ni Justin na ipinaalaga nito sa kaniya. Kailangan daw kase muna nitong mapag-isa at magisip-isip kaya nagtungo ito sa London.

Tinanong niya ito kahapon kung sino ang babaeng nakakuha ng VIRGINITY niya, at talagang siya pang may katawang barako ang nawalan ng VIRGINITY, hiyang-hiya naman ang mga kalahi ni Eva. Ngunit, hindi nito sinabi sa kaniya kung sino, surprise na lang daw.

Ang baklang yun talaga at ang madrama at maarte nitong pag-uugali, no wonder magkaibigan sila.

Nahalughug niya na ang buong kabahayan maliban sa kwarto ni Louis at sa library dahil nakalock ang mga iyon.

Nagtungo siya sa hardin, nagbabakasakali siyang baka nadun ang asong hinahanap niya at naglalaro lang.

Nang makarating siya sa hardin ay naabutan niya ang isang katulong na may dala-dalang tray na may waffles at mainit na kape. "Manang," tawag niya dito "nakita mo ba yung asong inuwi ko dito kagabi kanina pa kase siya na-" naputol ang kaniyang sasabihin nang marinig niya ang boses ni Louis na papalapit sa kanila.

"Alin yung kulay abong shiatsu?" Tanong nito na nakatingin sa kaniya. Napatingin naman siya sa noo nito at nakahinga nang maluwag nang makitang wala na ang bukol nito na kagagawan ng kapraningan niya.

Binalingan nito ang katulong "Manang, pakilagay na lang yan sa mesa banda dun" utos nito at itinuro ang dalawang magkaharap na upuang bakal na napapagitnaan ng isang lamesang gawa rin sa bakal na nakapwesto sa ilalim ng may kalakihang puno ng mangga.

"Sayo pala iyon" anito na makakuha ng atensyon niya habang nakatingin ito sa malayo.

Napansin niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito. She can see hatred and irritation in his eyes and she can also feel how fake and sarcastic he is in approaching her.

"Hindi sa akin yun kay Justin iyon, pinaalaga niya lang sa akin, nakabakasyon kase siya ngayon" paliwanang niya habang pinipigilan ang sariling mairita dito.

He smirked and looked at her directly in the eyes "Oh I see! tagapag-alaga ka na din pala ng aso ngayon, akala ko ba ayaw mo sa mga aso" may pang-uuyam nitong sabi habang siya naman ay nagsisimula nang mairita dito "Iba talaga ang magagawa ng pag-"

She cut him off "Just tell me if you see the dog or not, that's all I want to hear from you" She said with irritation in her voice with expression that can tell him that she can't no longer bear to deal with his nasty attitude.

"Why don't you tell your boyfriend na nawawala ang aso niya? Ay! Oo nga pala bigay pala yun ng mother niya bago maateka sa puso at mamatay dahil sa sobrang stress sa ugali ng papa niya at sa pagiging talunan niya" anitong nang-aasar.

Maslalo siyang nairita dito "Hindi ko siya boyfriend!" She is now gritting her teeth in anger. "And don't you dare call him that way!" He can insult her and treat her rudely but not the closest people in her life especially Justin. Ito lang kase ang nag-iisa niyang kaibigan na nakakaintindi sa kaniya, hindi siya nito kailan man iniwan o plinastik kaya naman mahal na mahal niya ito. She will never let anyone to insult her best friend.

Oo nga at minsan nang nabigo si Justin na muntik nang ikinabagsak ng negosyo ng pamilya nila, ngunit kahit paano ay nakagawa ito ng paraan para ibangon yun at maspalaguin kaya naman isa na ito ngayon sa pinaka-matunog na pangalan sa business industry.

He shrugged his shoulders "May nakita akong aso kahapon pero.." pambitin nito at pakunwarng nag-iisip. "Hindi ko naman alam na kay Justin pala iyon" dagdag nito na para bang nagienjoy na panoorin siyang magpupuyos sa galit para dito.

The way his words came out from his mouth alam niyang may ginawa itong hindi kaaya-aya. He knows this guy very well lalo na pag may ginawa itong kapilyuhan "What did you do?" May pagbabanta sa kaniyang boses

"Pinatapon ko. I also paid someone to kill it" he said frankly as if he doesn't care about the poor dog that he simply threw out of the house and asked someone to kill it. He held a fake smile that made her hand form into fist.

"Bakit mo ginawa iyon?" This man has no mercy. Hindi niya alam kung anong dapat niyang mararamdaman para dito, dapat ba siyang magalit o maawa. Hindi na ito ang Louis na nakilala niya noon dahil ibang tao na ang kaharap niya ngayon.

"Kase gusto ko" anito na may ngiting tagumapay sa mga labi at tinalikuran siya.

His rude gesture made her angrier. She lost it, nawala na ang mga salitang pagintindi at pagpapasensya sa sistema niya. Demonyo lang ang papatay ng may buhay ng dahil lang sa gusto nito.

With her hand that formed into fist, hinawakan niya ang balikat nito at pinihit paharap sa kaniya. Nang makaharap ito sa kaniya ay walang sereseremonya niyang pinadapo ang kaniyang kamao sa panga ng bastos na binatang kaharap niya. Sa sobrang lakas ng suntok niya ay nawalan ito ng balanse at bumagsak paupo sa damuhan.

ANG totoo ay hindi naman pinatapon at pinapatay ni Louis ang aso ni Justin, ipinatago lang niya ito kay Phine para bwisitin ang dalaga. Hindi pa naman siya ganon kasama para gawin ang bagay na iyon ng dahil lang sa naiinis siya sa amo nito at sa dalaga.

Ang lahat ng ginawa at sinabi niya sa dalaga ay pakulo niya lang para inisin ito.

Nang makita niyang nagpupuyos ito sa galit ay nakaramdam siya ng fulfillment at pagkapanalo. Nang hawakan siya nito sa balikat at ipaharap dito ang buong akala niya ay hahagulgul lang ito at mag-iinarte gaya ng ginagawa nito noong mga bata pa sila kapag napipikon.

Kaya naman laking gulat niya nang bigla na lang siya nitong sinuntok nang pagkalakas-lakas up to the extent na nawalan siya ng balanse sa katawan at napaupo sa damuhan.

Gulat siyang napatitig sa dalagang nakatayo sa harapan niya, mabigat ang paghinga, at nakatingin ng masama sa kaniya habang sapo niya ang may pasang panga at bitak na labi dahil sa lakas ng pagkakasuntok nito.

Hindi siya makapagsalita o makagalaw dahil hindi siya makapaniwalang may violent side din pala ang palatawang dalaga na dati niyang matalik na kaibigan at kasintahan.

"Alam kong galit ka sa akin!" Idinuro siya nito "Kaya mo ako binabastos at tinatrato ng ganito, naiintindihan ko naman kung bakit dahil kasalanan ko din naman" napaiyak na ito sa galit "Pero sana naman, kung galit ka sa akin, sana sa akin lang, hindi yung mandadamay ka pa na iba!"

Masmasakit pa sa suntok nito ang naramdaman niya nang makita itong walang tigil na lumuluha dahil sa sobrang galit sa kaniya.

"At kung ayaw mo akong nakikita sa pamamahay" Pinalis ng dalaga ang sarili nitong luha "Fine! Aalis na lang ako" tinalikuran siya nito at naglakad palayo sa kaniya.


HINDI na kayang pagtyagahan ni Fleur ang ugali ni Louis gaya ng pakiusap ng kaniyang Ninang Anika sa kaniya kaya naman bago pa siya makagawa ng hindi kanais-nais ay aalis na lang siya.

Sa Condo niya na lang muna siya tutuloy habang inaayos niya pa ang papeles niya pauwing Canada.

Tsaka na niya iisipin kung paano ipapaliwanag sa ninang niya kung bakit siya umalis sa bahay nito. Tsaka niya na rin haharapin si Justin at sasabihin ang nangyari sa aso nito pati na rin ang pakikipag-ayos sa kaniyang ama.

Sa ngayon ang importante sa kaniya ay ang makalayo kay Louis.

"Ma'am, wag na po kayong umalis baka po magalit sa amin si Señora pag-uwi niya at hindi kayo madatnan dito" Walang tigil na pakiusap ng isa sa mga maid habang nilalagay niya ang mga nakatupi niyang damit sa loob ng kaniyang maleta.

"Manang, wag na po kayong mag-alala ako na po ang bahala sa Señora" aniya habang isinasira ang zipper ng kaniyang maleta.

"Pero ma'am hindi niyo naman po kailangan uma-" Naputol ang sasabihin nito nang magsalita si Louis mula sa frame ng nakabukas na pintuan ng kaniyang silid

"Manang, hayaan mo siyang umalis kung yan ang gusto niya" walang emosyon nitong sabi "Besides, wala namang nagpapalayas sa kaniya, it's her own free will" dagdag nito.

Bitbit ang iba niyang gamit at hila-hila ang kaniyang maleta ay walang imik niya itong nilampasan nang hindi manlang ito tinitignan as she walk out from her room.

FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon