NAPAGOD sa pamamasyal sa park si Fleur. Paano ba naman ay kulang na lang magmarathon sila ng pamen niyang kaibigan sa park kaya naman pabagsak siyang nahiga sa kama at agad na natulog.Sa kalagitnaan ng mahimbing niyang pagtulog ay may naramdaman siyang katawan na yumakap sa kaniya mula sa kaniyang likuran.
Madilim ang kaniyang silid dahil pinatay niya ang ikaw at ang lampshade naman ay nasa kabilang bahagi ng kama na kinahihigaan na ng kung sino mang nakayap sa kaniya. Sa takot na baka napasok sila ng magnanakaw o kaya naman ng rapist ay dahan-dahan niyang inabot ang figurine na gawa sa marmol. Sa bigat ng figurine na iyon ay maari itong magkabukol.
Pumihit siya paharap dito at walang sireseremomyang ipinukpok dito ang hawak niyang figurine. Napasigaw ito sa sakit dahilan para mawala ang pagkakayakap nito sa kaniya na nagbigay daan upang makatakbo siya papalapit sa switch ng ilaw.
"Manyakis kaaaaaa" Binuksan niya ang ilaw at akmang susugurin na naman niya ito at hahampasin ng walis tambo nang marealize niyang ang binatang naka-upo sa kaniyang kama sapo-sapo ang ulo nitong may bukol at namimilipit sa sakit ay walang iba kundi si...
"L-luois" agad niyang binitwan ang walis na hawak niya at dinaluan ito. "Hala! Sorry! Hindi ko naman alam na ikaw pala yan akala ko kung sino na" hahawakan niya sana ang ulo nitong pinukpok niya para makita ang bukol nito nang tabigin nito ang kamay niya at walang imik itong lumabas ng kaniyang silid.
MAAGANG pumasok si Louis sa opisana gaya ng lagi niyang ginawa para makaiwas kay Fleur.
Nung gabing iyon, alam niyang lasing siya pero alam niyang ang kwarto ni Fluer ang pinasok niya. Hindi niya din alam kung bakit parang may nag-uudyok sa kaniyang mahiga sa kama nito at yakapin ito habang natutulog, gaya ng ginagawa nila nung mga bata pa sila.
Ang totoo'y hindi naman ganoon ka sakit ang bukol niya na ngayon ay dinadampian niya ng telang may yelo sa loob. Pisikal na sakit lamang iyon na lilipas din pagkalipas ng isang araw pero ang tawagin siyang "manyakis" nito ay ang siyang pinakamasakit para sa kaniya, na paulit-ulit na nagrirewind sa kaniyang isipan.
Sa sobrang inis at pagkalito ibinalibag niya ang mga papel na nasa kaniyang mesa .
"Damn it" aniya at inihilamos ang kaniyang palad sa kaniyang mukha.
"Oh easy!" Anang boses ni Phine, hindi niya ito namalayang pumasok at ang loko ay komportble pang nakaupo sa mahabang sofa sa loob ng kaniyang opisina habang nakapatong ang mga paa sa maliit na lamesang nasa harapan nito.
"Get out!" Singhal niya dito at itinuro ang pinto. Sa halip na lumabas ay tinawanan lamang siya nito.
"Louis, my friend, masyado ka naman yatang mainit" anito nang makalapit ito sa kaniya.
"Ano bang kailangan mo?" Iritado niyang tanong dito.
"Wala naman" anito na naginat-inat pa. Tumitig ito sa mukha niya "Taska napano yang bukol sa ulo mo" pang-aasar nito "wag mong sabihing-"
Sa pagkairita sa prisensiya ni Phine at sa pagpuna nito sa bukol niyang kagagawan ng babaeng tumawag sa kaniya ng manyakis kagabi, binato niya ito ng cold compress na hawak niya.
Tinawanan lang siya nito at napapailing na napatikhim "Sabi ko naman sayo eh, the more you hate the more you love"
Pinukol niya ito ng masamang tingin "Saan mo naman narinig ang bagay na yan?" Naiirita niyang tanong
"Kay Justin" anito at nagkibit balikat.
Maslalong nandilim ang mukha niya nang marinig ang pangalan ng pinsan nito na kamakailan lang ay nakita niyang kayakap ng dalaga.
Pag ibang tao ang yumakap sa kaniya gustong-gusto niya pag ako...manyakis
"Isa pa yang bwisit mong pinsan" aniya na hindi maitago ang inis sa kniyang boses.
Lumapit sa kaniya si Phine at tinapik ang kaniyang balikat "Bro, I'm telling you, my cousin will be the last person in this world na pagsiselosan mo"
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito "Selos?" Tumingin siya dito "Hindi ako nagsiselos ang sa akin lang nakaka-"
"Whatever you say, bro" sansala nito sa sasabihin niya. Tinalikuran siya nito at naglakad palabas ng opisina niya.
Habang siya naman ay naiwang nakatulala sa papalayong bulto ng kaibigan na may pagkalito sa kaniyang isipan dahilan para maslalong uminit ang ulo niya.
Damn it! Why do I feel this shit for that woman.
Napasandal siya sa swivel chair.
I'll make her pay for this, it's all her fault.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...