This chapter is dedicated to FaithNisperos17
(Warning: SPG)
***
HINDI lang isang surpresa ang tawag sa ginawa ni Louis para sa dalaga kagabi. Ang totoo isa dapat yung Surprised Date ang kaso lang sinapian siya ng katorpehan, hindi niya alam kung paano niya ito aayain sa isang date at natatakot din siyang baka hindi ito pumayag lalo na at ayaw na ayaw nitong gumagastos siya.Kaya naman sinabi niya na lang na isa iyong surpresa para kahit paano hindi na niya kailangan pang tanungin ito kumbaga para sure ball at for the win na.
Pinag-iisipan niya pa nga kung magpapa-alam ba itong ligawan ito o liligawan niya na lang ito basta-basta para hindi na ito makahindi.
Anyway, wala naman talaga itong choice kung liligawan niya ito, kung sakali mang humindi ito ay pipilitin niya parin ito.
"Hoy! Ano na bang ginagawa mo dyan aabutan na ako ng pasko dito hindi ka pa natatapos dyan" pagrireklamo ng dalaga.
Sa treehouse sila tumuloy pagkatapos nilang mag date at dahil iisa lang ang C.R na meron sila dito napagdesisyunan niyang siya na lang ang maunang maligo dito dahil hindi pa ito nagigising at kung maligo ay parang wala ng bukas.
"Ano ba kasing ginagawa mo dyan? Nagda-jaks ka na yata dyan!" Halata ang pagkairita nito sa kaniya
Nakasuot na siya ng roba at tapos ng maligo ngunit, sadyang gusto niya lang itong inisin sa kadahilanang gusto niyang mapansin siya nito at para maslalo itong mainis pakunwari siyang humaling-hing at umungol na para bang nagda-jaks siya sa loob ng cr.
"Louis!" Out of frustration kinabog-kabog nito ang pinto "gusto ko na maligo, naiihi na din ako"
Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nagmamaktol na ito habang kinakabog ang pinto.
He chuckles as he opened the door.
"Ang baboy mo! Talagang sa cr ka pa nagjaks" Hinampas nito ang kaniyang braso.
Tinawanan niya lang ito "Ikaw kase di mo ko sinabayan" pagbibiro niya dito tsaka muling natawa dahil sa itsura nitong nagpipigil mapangisi.
"Che!" Nagpipigil itong matawa sa kaniya at pakunwaring nagsusungit tsaka pumasok sa loob ng cr at pabagsak na sinara ang pinto.
Nangingiti na lang siyang napailing sa ginawa nito dahil kahit ganon ang insal nito ay alam niyang binibiro lang siya nito at kahit anong tago nito ay alam niyang palihim na din itong natatawa.
Kahit kailan talaga napakadaling patawanin ni Fleur kaya naman mahal na mahal niya ito higit nino man.
KATATAPOS lang magsabon at magkuskus ng katawan si Fluer kaya naman hinahayaan niya na lang na hugasan ng maligamgam na tubig mula sa shower ang sabon sa kaniyang katawan.
Habang dumadampi ang tubig sa kaniyang katawan hindi niya maiwasang hindi isipin ang binata.
As usual pagkatapos ng magarbo nilang date este surpresa kagabi ay magkatabi na naman silang natulog at gaya ng nakaraang gabi, walang ginawang kahit ano sa kaniya ang binata, kinulong lamang siya nito sa mga matitipuno nitong bisig at sinugpo ng maiit nitong katawan ang malamig na gabi.
Hindi niya maiwasang hindi kiligin at mapangiti sa pagiging marespeto at maginoo nito sa kaniya. Sa panahon kase ngayon bilang na lang sa kaniyang daliri ang mga lalakeng MAGINOO sa kama.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...