Chapter 7

8 3 0
                                    

KINAUMAGAHAN maagang nagpunta si Fleur sa bahay nila Justin. Ayaw muna niyang magstay sa bahay ng Mama Anika niya at tumambay sa kaniyang kwarto dahil paulit-ulit siyang binabagabag ng konsensya niya sa ginawa niya kay Louis.

Kakatok pa lang sana siya nang bumukas ito at sumalubong sa kaniya si Justin na namumugto ang mga mata.

"Wrong timing yata ako" she said awkwardly pero yumakap ito sa kaniya at humagulgul.

"Hindi na ako virgin!" anito na masikinahagulgul ng pamen niyang kaibigan.

Nabigla siya sa sinabi nito at kulang na lang ay malaglag ang panga niya. "Ano?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito "anong hindi na virgin?"

Hinila siya nito sa sala at makatabing naupo sa mahabang sofa "Jinombag ka na naman ba ni General?" Tanong niya sa pagaakalang iyon ang dahilan kung bakit ito nagdadrama

"Hindi" he sobed

"Wag mong sabihing ginahasa ka?" She said sarcastically na masnagpahagulgul dito.

"Sinamantala nila ang kahinaan ko!" Anito na para talagang isang rape victim na nagsusumbong sa pulis.
"Lasing ako nun. I swear to God, hindi ko talaga alam ang ginawa ko nun, tantya ko nga may nilagay silang something sa inimun ko" seryosong anito habang walang tigil sa pag-iyak "Sis, hindi ko alam ang gagawin ko, diring-diri ako sa sarili ko" dadag pa ng kaniyang kaibigan na napayakap sa sarili nito

This time alam niyang hindi na ito biro dahil kung biro man ito ay kanina pa ito namatay sa kakatawa dahil napaniwala siya sa kalokohan nito. She knows Justin very well lalo na pag nagsasabi ito ng totoo at hindi.

"H-huh?" Nag-aalala siya para dito at hindi niya alam ang sasabihin para pakalmahin ito.

"Nagpunta ako kila Phine pagkahatid ko sayo kahapon" panimula nito. "Ininvite niya ako sa birthday party niya, all his friends are there at" napayakap ito sa kaniya "Pinagkaisahan nila akong lahat" humagulgul pa ito "Sinamantala nila ako, silang lahat"

Nagsimula na siyang masmag-alala dito. Oo na at pamen ang kaibigan niya at madami itong napupusuang kaparehas niya ng kasarian. Siguro nga para sa mata ng iba at sa pananaw ng kaniyang ama, ang pagiging isang bakla ay isang kasalanan, para sa kaniya ay hindi parin tama ang ginawa ng barkada ni Phine sa kaniya.

A gays or a naturally born women are undeserving to experience gang rape.

"Gusto mo ba magsumbong na tayo sa pulis" aniya habang hinahagod ang likod nito at nakayakap sa kaniya.

"Hindi na" sagot nito na walang tigil sa pag-iyak

"Sis, anong hindi na! Kailangan mong ipaglaban ang karapatan mo bilang tao! Are you gonna let them getaway with this?! Hindi pwede yun. Nilapastangan nila ang dignidad mo! Sis, gang rape ang nangyari sa iyo! Gang-"

Napatigil siya nang kumalas ito sa pagkakayakap at naguguluhang napatitig sa kaniya "Gang rape? Saan mo naman nakuha yun?" naguguluhang saad nito "Hindi gang rape ang nangyari sa akin" pagkaklaro nito habang nagpipigil na mapatawa

Ilang segundo ang lumipas bago nag sink in sa kaniya ang lahat "Gaga!" Aniya at hinampas ito ng unan sa mukha "Sabi mo kase pinagtulungan ka nilang lahat, na sinamantala nila yang kahinaan mo, kaya akala ko, gang rape ang nangyari sayong bwisit ka!" Hinampas niya ito sa balikat "Ano ba talaga ang nangyari hah! Ikwento mo nga ng maayos at walang arte kung makaiyak ka naman kase para kang pinagsamantalahan ng ten inches na titi"

"Ay! Gusto ko yan!" Tili nito. "Ten in-" binatukan niya ito kaya naman hindi nito na tuloy ang sasabihin

"Mag kwento ka na" utos niya dito.

"Oo na!" Anito at umayos ng pagkakaupo "So yun nga, nilasing nila ako, patagay sila ng patagay sa akin hanggang sa mawala ako sa katinuan, tapos may babae akong kasamang umuwi, nahiga kami sa kama, pumatong siya sa akin, tapos naramdaman kong may tumayo" napahagulgul naman ang baklita niyang kaibigan "tapos the next thing I know, nagising na lang akong nakahubad katabi ng kalahi ni Eva na yun" maslalo itong humagulgul.

Sa halip na mag-alala siya para dito, ay masnagibabaw sa kaniya ang pagiging chismosa "naka-hubad din ba siya?" Pang-iintriga niya

"Malamang!" Anito na hindi parin tumitigil sa pag-iyak.

"Akalain mo yun tatayo din pala si junjun mo kay nene" pang-aasar niya dito dahilan para hampasin siya nito ng unan

"Gaga! Natural, pusong babae nga ako pero lalake parin ako" anito na naging kalmado na ng konti.

"Hala! Paano pag nabuntis mo siya, willing ka bang isuko ang korona at magpakalalake" pang-aasar niya "Kung sabagay mala Adonis ka naman eh kung naging lalake ka lang, at hindi ko alam na girlalu ka, baka isa ako sa mga nagkakandarapa sayo ngayon"

"Edi magkaradapa ka, ipalapa pa kita sa Leon" anito na bahagya pang napatawa.

"Pero sis, paano kung nabuntis mo nga siya?" Hindi biro ang nangyari sa kaibigan niya, malay niya ba kung gumamit ang mga ito ng contraceptives o hindi at tsaka paano nga kung nakabuntis ito. Sana lang talaga ay gumamit ito ng proteksyon at kung hindi man ay sana hindi nito nabuntis ang babaeng nakatalik nito.

Yes, babies are blessing from God, pero para sa kaibigan niya, siguro hindi pa ito ang tamang oras para ito'y mabibiyaan.

Bumuntong hininga ito "Ano pa nga ba ang magagawa ko" seryoso nitong sabi "Hindi kami gumamit ng proteksyon" bumagsak ang mga balikat nito "Hindi ko din alam kung naputok ko ba sa loob o hindi, kase first time ko iyon, pero kung nabuntis ko siya, willing naman akong panagutan ang bata" tumingin ito ng deretso sa kaniya "Yung bata lang" pagkaklaro nito.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala sa sitwasyon ng kaniyang kaibigan. Pero kung ano man ang mangyari, mananatili siya sa tabi nito at susuportahan niya ito sa lahat ng magiging desisyon nito.




MAAGANG nakauwi si Louis mula trabaho. Nang makapagbihis siya ay agad siyang nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang kulay abong shiatsu na nakaupo sa ibabaw ng sofa. Nakatingin ito sa kaniya habang nakalabas ang dila at pinapagaspas ang buntot.

He wonders whose dog it is?

Sakto namang dumaan ang isa nilang katulong "Manang," tawag niya rito "Kanino aso yun?" Itinuro niya ito

"Señorito, kay Señorita Fleur po" sagot nito "Iniwan po sa kaniya ng kaibigan niyang si Sir Justin. Nakabakasyon po kasi siya sa Australia kaya ipinaalaga niya yung aso niya kay Señorita" dagdag pa nito. "Sige po Señorito aalis na po ako" pagpapaalam nito. Tumango naman siya bilang tugon.

Nang makaalis ang katulong ay gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa kaniyang labi "Pinaalaga pala ah" lumapit siya sa aso at kinarga ito. "Let's see what you can contribute to my plan hmmm"

FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon