Chapter 16

12 3 0
                                    

"Naareglo ko na yung dalawang lalake nabayaran ko na lahat ng expenses gamit ang bank account mo, pasalamat ka pumayag silang ipera na lang instead na iakyat sa korte ang kaso" paliwanag ni Adrian at may nilibas na brown envelop "lahat ng documents ng agreement natin sa kanila nandyan ireview mo na lang pag may oras ka".

Tumango lang siya bilang tugon. He is not in the mood to talk and he doesn't feel like he has to.

"Bakit ka ba kase napaaway?" Tanong ni France.

Paano ba niya sasabihin na kaya siya napaaway ay dahil binabastos ng mga ito si Fluer.

"I can't remember" sa mga oras na ito masmagandang magpanggap na wala siyang naalala kaysa mapagchismissan.

Alam niyang pag sinabi niya ang totoong nangyari, his cousins will dig deeper hanggang sa mapaamin siya ng mga ito sa isang bagay na siya mismo ay hindi niya maamin sa kaniyang sarili.

"Eh ano ba kaseng ginagawa mo sa perya?" Tanong ni Adrian na nakakunot ang noo

"Kaya nga bro, anong ginawa mo dun? I didn't expect to see you there kase sabi mo may lakad ka" dagdag pa ni France.

This is what I'm talking about.

Wala pa siyang sinasabi hindi na tumitigil ang mga ito sa kakatanong lalo na ang pinakachismoso sa kanilang magpipinsan na si France.

"I can't remember" as planned nagpanggap parin siyang walang maalala.

"Gaano ba kalakas ang dosage ng gamot na tinurok mo sa kaniya, Athena at hindi siya makaalala" frustrated na tanong ni France.

"Just shut up, France. Mas okay na yang ganyan para wala kang masagap na chismiss" tumingin ito sa kaniya. Alam ni Athena na nagpapagap lang siyang walang maalala dahil mayron siyang matinding sekreto na hindi dapat malaman ng kahit na sino.

"Pinapunta ko siya sa perya para sunduin ako" muli nitong binalingan ang dalawang binata.

"Ano namang ginagawa mo dun" tanong ni Adrian.

"Nakipagdate" sagot niya at muli siya nitong binalingan as she smirked.

"Why do I have this feeling na may tinatago kayo sa amin" pang-iintriga ni France.

"Yah, you're right. I'm hiding something from you and that's your guitar" she told him savagely

"What!" Nagulantang ito sa sinabi niya "where the fuck did you put it" tumayo ito at nagsimulang mag-halungkat.

Sa kanilang magpipinsan si Athena ang pinakamagaling magtago ng gamit and once she said she's hiding one of your belongs, she really meant it, so you better start looking.

"Shit!" Napakamot ito sa batok as he made his exit

"Ikaw," binalingan nito si Adrian na tumatawa "Don't you have plans to find your car keys?" taas kilay nitong tanong.

"Fuck!" Napamura ito na para bang binagsakan ng langit at lupa nang mag-sink in ang sinabi ng dalaga dito. Dali-dali itong tumakbo palabas ng silid para hanapin ang car keys nitong tinago ng dalaga.

Nang sila na lang dalawa ang nasa loob ng silid niya, naging seryoso ang aura ng paligid.

"I know what you did" panimula nito "but it would be better if you'll tell me by your own so that you could explain your side" pagpapaliwanag nito na nakatingin ng deretso sa kaniyang mga mata "and don't you dare lie to me" pagbabanta nito "I know you're just pretending that you don't remember it. Ako ang nagenject ng gamot na yun sayo so I know the effect"

"Kung alam mo na pala ang nangyari at alam mo din na nagpapanggap ako, bakit di mo pa sinabi sa kanila?" Good thing he always have a Plan B. If he can't do it on his pretentious way then he'll do it on his inquisitive way.

"To cover you, easy as that, pag sinabi ko sa kanila ang nangyari, you'll be in damn trouble pagchichissmisan ka nila"

Bahagya silang nagtitigan ng pinsan niyang may lahing psychic slash mambabasa ng isip and he is more than a hundred percent sure that she is secretly yet visibly trying read his mind.

"I know it's hard for you to talk about her" panimula nito. Kahit hindi nito pangalanan ang naturang dalaga ay alam niyang si Fleur ang tinutukoy nito. Besides, ito lang naman ang nag-iisang babaeng sineryoso niya.

"Since she left, you never speak about her but Louis," napabuntong hininga ito na para bang hirap sabihin kung ano ang nais nitong iparating sa kaniya "Sometimes it's better to get everything out in the open for the reason that it clears the air and makes it easier to move on"

He can feel the concern and sympathy from his cousin but he doesn't need them. What he needs is to figure things out, alone -privately.

Yung walang kahit sino mang nagdidikta o nanghuhula sa kung ano mang nararamdaman niya para sa dalaga.

Fortunately, it seems like Athena, being her uniquely weird self, understands what he's trying to convey.

"Fine" she sighs and stands up "I got it, you need privacy"

"Thanks?" He's not sure if that's the appropriate word to say yet he is truly  thankful for the common sense she have.

"Louis" muli siya nitong binalingan "Perhaps, you could at least listen to her. Try to hear her out and understand her reasons. Not all the eldest and only child are born lucky, some are just born with great responsibility. You've been there, Louis, and so does her" sa kahulihuliang pagkakataon ay kumaway ito sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid.

Nang siya na lang mag-isa, dun niya narealize na tama ang pinsan nito. Kailangan niya ding intindihin ang dalaga. Panahon na siguro para tumigil siya sa pagtakbo, kailangan na niyang himinto at harapin ang kasalukuyan kasama ng nakaraang nagdulot sa kaniya ng sugat na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilum.

Tama, kakausapin niya si Fluer, baka sakaling sa pag-uusap nilang iyon ay maliwanagan siya sa kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para dito.

FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon