Tatlong araw na ang lumipas na hindi nakita ni Fleur si Louis, lagi kase siyang nagkukulong sa loob ng kwarto dahil wala ang kaniyang ninang, nagbyahe ito patungong Australia para sa kasal ng pamangkin nitong babae at matatagalan daw ito ng konte bago makauwi, baka abutin daw ito ng sampung araw kaya si LOUIS na lang daw ang bahala sa kaniya.
Ang anak pa talaga nitong may sapi ang binilinan niyang mag-asikaso sa kaniya habang wala ito samantalang kung wala ito sa opisina ay nasa library ito at nagpapahatid na lang ng pagkain sa mga katulong kaya ang siste mag-isa siyang kumakain sa hapag.
Wala naman siyang ibang choice, mabuti na lamang ay tinatawagan siya sa messenger ng kaniyang kaibigan na si Justin pero dahil sa flight nito pauwing Pilipinas mula sa business trip nito sa Hong Kong ay hindi muna sila nakapag-usap.
Nasa kalagitnaan siya ng paglalog in ng Facebook account niya sa kaniyang laptop para tignan kung may chat na ba sa kaniya si Justin at para malaman kung nakauwi na ba ito dahil nais niya itong dalawin sa bahay nito na 5 kilometro lang ang layo mula sa bahay ng kaniyang Ninang Anika nang may kumatok.
"Sino yan?" Tanong niya
"Ako ito" anang baritong boses ni Louis
Himala! Nagmamadali siyang bumangon at halos patakbong nagtungo sa pinto para pagbuksan ang binata. Baka may importante itong sasabihin dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na kumatok ito sa kaniyang pintuan.
Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay agad niyang nakita ang nakasimangot na mukha ng binata "Nasa sala si Justin, hinihintay ka" walang imosyon nitong sabi.
Parang nagliwanag ang mundo ni Fleur sa kaniyang narinig. Walang mapagsidlan ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman "Talaga! Nandyan siya?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa binata na walang ibang ginawa kundi panoorin siyang magtatalon at pakinggan ang boses niyang hindi maitago ang pagkasabik at tuwa na makita si Justin.
Ilang taon niya din itong hindi nakita at miss na miss niya na ito, buong akala niya ay kailangan pa niya itong dalawin sa kanilang tahanan para lang magkita at magkausap sila ng personal.
Tumango lang ang binatang kaharap niya. "Salamat" aniya na hindi maitago ang tuwang nadarama.
Tumakbo siya pababa ng hagdan patungo sa sala at doon ay nakita niya si Justin na nakaupo at may dalang isang box na chocolate.
"Justin!" Tili niya
Agad naman itong napatingin sa direksyon niya at tumayo.
He smiled at her showing his cute deep dimples as he open his arms to wait for her to hug him. As for her, she run towards him and hug him tightly. He chuckles at her sweet clingy gesture.
Nang maghiwalay sila ay hinalikan niya ito sa pisngi gaya ng lagi niyang ginagawa tuwing magkikita sila.
Ngumiti ito sa kaniya, kapagkwan ay napatingin ito sa kaniyang likuran na naging dahilan para maslumapad ang ngiti nito, yung ngiting hanggang tenga na nakakapunit ng mukha.
Out of curiosity, lumingon siya sa kaniyang lukuran para tignan kung ano ang tinitignan nito.
Napatanga siya nang makita ang nagdidilim na mukha ni Louis na nakatingin kay Justin, nakakuyom ang kamao nito na para bang anytime ay susugurin at bubugbugin nito ang kaniyang kaibigan hanggang sa mamatay.
Ayaw niyang magassume pero hindi niya maiwasang itanong sa kaniyang sarili kung nagsiselos ba ito?
NAPAKUNOT ang noo ni Louis nang maabutan niyang nagyayakapan sina Fleur at Justin sa sala. Hindi niya sinundan ang dalaga, bumaba siya para magtungo sa parking lot, kunin ang kaniyang sasakyan, at magdrive papunta kila Phine.
Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng inis at pagkairita nang makita niya ang mga itong nagyayakapan.
Maslalo pang lumala ang nararamdaman niya nang halikan ni Fleur sa pisngi ang binata at parang may kung anong namuo sa kaniyang sistema na naging dahilan para kumuyom ang kaniyang kamao na kating-kating suntukin ang binata.
Nang maghiwalay sa pagkakayakap ang mga ito ay tumingin sa kaniya ang lalake na may malapad na ngiti sa mga labi na para bang nagustuhan nito ang ginawa ng dalaga na maslalo namang nagpaliyab sa estrangherong pakiramdam na nasa sistema niya.
"Oh bro! Nandyan ka pala" anito.
Pinilit niyang ngumiti kahit na hindi niya lubos maisip kung bakit parang gusto niyang basagin ang pagmumukha nito.
"Aayain ko sanang lumabas si Fleur" tumingin ito sa dalaga na nakatingin sa kaniya ng may pagtataka pagkatapos ay tumalikod ito sa kaniya at tumingin sa lalakeng kasama nito "Pero kung gusto mo pwede ka din namang sumama" dagdag pa nito.
Sumama sa kanila? Bakit parang may naguudyok sa kaniyang sumagot ng oo? Sa hindi malamang dahilan parang nais niyang bantayan ang dalaga habang mag kasama ang mga ito.
Ano ba'ang pake niya sa mga ito? Kahit pa gumawa ng milagro ang dalawang ito ay ano naman sa kaniya. Yun ang sinisigaw ng isip niya, pero iba nang sinisigaw ng puso este sistema niya.
After all, Justin is his childhood friend and one of his business partners as well, hindi naman siguro masama kung sasama siya, inaya naman siya nito. Siguro magandang pagkakataon din iyon para pag-usapan nila ang tungkol sa negosyo.
Magsasalita na sana siya para sabihing sasama siya sa mga ito nang magsalita ang dalaga
"Ahm Justin" their eyes settled on Fleur. Tumingin ang dalaga sa kaniya na may pekeng ngiti sa mga labi "Hindi makakasama sa atin si Louis kase busy siya sa trabaho, diba?" Maslalo pa nitong pinalawak ang peke nitong ngiti na ikinairita niya.
Tumango na lamang siya bilang sagot at naglakad patungong parking lot at pinaharurot and sasakyan papunta kay Phine.
BINABASA MO ANG
Fireflies
RomanceIn life, you cannot have it all and for an almost-perfect-woman like Fleur, happiness is something that she cannot afford in her wealthy and luxurious life. Her intimidating father always reminds her that everything has a price, her happiness in exc...