Chapter 12

16 3 0
                                    

NAGHARI ang nakakabinging katahimikan sa hapag habang nag-aagahan silang tatlo. Kagaya ng nakaraang gabi nasa gitna ang Ninang Anika niya habang magkatapat naman sila ng binatang gaya niya ay namumugto rin ang mga mata.

Ngunit, kahit napaka-awkward ng sitwasyon nila ngayon ay hindi parin dito nagtatapos ang nasimulan nilang civil war at hindi parin humuhupa ang galit niya dito dahil kani-kanina lang habang nagpapatugtug siya sa sala ay bigla na lang nitong tinanggal ang pagkakaplug ng speaker kahit kitang-kita naman nitong nagpapatutug siya at enjoy na enjoy na nakikiduet sa kanta.

Kumanta ka kung hindi makabasag pinggan ang boses mo

Paulit-ulit na nagrirewind sa isip niya ang sinabi nito matapos iunplug ang speaker sa saksakan nito

Makabasag pinggan...

Makabasag pinggan...

Makabasag pinggan...

Out of frustration ay padaksok niyang tinusok ng tinidor ang hotdog niyang nasa pingan.

Samantala, ang binata naman ay halatang nawalan ng gana kaya naman tumayo na ito at nagpaalam "Ma, alis na ako"

"Huh? Mamaya na ubusin mo muna yang pagkain sa plato mo" pagtutol ng ginang sa anak nito.

"Ako din po" aniya nang mawalan na din siya ng gana.

"T-teka nga" awat ng ginang "May problema ba sa pagkain? Hindi ba masarap? Masyado bang mamantika" pang-uusisa nito

Tumingin siya sa ginang "Mama Nika" aniya na nakakuha ng atensyon nito "Wala naman po'ng problema sa pagkain" tumingin siya sa binata na nakakunot ang noo at nakatingin din sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay "Pero sa anak niyo sa tingin ko meron" She said sarcastically.

Naglakad siya palabas ng dining hall at nang magtapat sila ng binata dahil malapit lang ang pwesto nito sa pinto ay sinandya niya itong banggahin tsaka siya nagtungo sa kaniya ng silid

KINAHAPUNAN habang nakatambay siya sa kaniyang kwarto at nanonood ng Netflix sa laptop ay may kumatok sa pinto ng kaniyang silid.

"Pasok, hindi yan nakalock" aniya na hindi na nag-abalang pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok sa pinto niya dahil nasa climax na siya ng pinapanood niya

She is expecting that it was just one of the maids na maglalagay ng mga bagong labang damit sa closet niya.

Pero, nagtaka siya nang hindi bumukas ang pinto, because of the thought na nag-aalangan itong buksan ang pinto niya "bukas yan" ulit niya

"Ahm mag-empake ka na daw" kumunot ang noo niya nang marinig ang baritonong boses ni Louis. "Luluwas tayo nila mama mamayang 5 pm papuntang Tarlac" anito,

Napatanga lang siya at nakinig sa papalayong yabag ng paa ng binata.

Tarlac, iyon ang probinsiya ng Tita Anika na lagi nilang pinupuntahan noong mga bata pa sila kasama ang mommy at daddy niya. Doon din sila nagbabakasyon kasama ang pamilya ng binata.

Madami silang masasayang childhood memories ni Louis doon lalo na tuwing fiesta ng bayan ng Victoria, pasko, at bagong taon.



HINDI alam ni Louis kung matutuwa siya sa desisyon ng kaniyang ina na magbakasyon muna sila sa Tarlac.

Para sa kaniya ang pagbabalik sa probinsiyang iyon ay masuungkatin at maspapalalimin lamang ang sakit ng kahapon dahil ang pinakamasayang yugto sa buhay ng isang tao ay ang pinakamasakit gunitain lalo na pag ang mga ito ay isa na lamang ala-ala.

FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon