Chapter 15

11 3 0
                                    

NAKAUPO si Fleur sa tabi ni France na nagmamaneho. Kasalukuyan silang bumabyahe papunta sa Perya.

"So, talagang tayong dalawa lang ang pupunta sa perya?" Tanong niya dito

"Given na hindi makakasama si Adrian kase may lakad siya this night, pero si Louis ewan ko ba kung bakit bigla na lang siyang nagkaron ng lakad, sa pagkakaalam ko bakante ang schedule niya ngayong araw. Sa katunayan nga siya pa ang nagsuggest na pumunta sa perya"

Ano namna kaya nag dahilan ng hindi nito pagsama kung ito mismo ang nag-aya sa mga pinsan nitong pumunta sa perya?

Hindi tuloy maiwasang isipin kung anong klaseng lakad ang meron ito para hindi makasama. Gaano na ba ito kaimportante?

Hindi kaya ay nakipagdate ito?

"Who says it's an office work"

Agad niyang pinalis sa kaniyang isipin ang sinabi nito bago sila iniwan para sa lakad kuno nito.

"Baka naman kase nainis siya sa pakulo niyo ni Adrian kanina" tama, baka yun ang dahilan kaya hindi ito sumama

"Baka nagsiselos kamo" sa tono ng pananalita nito ay para itong may isang bagay na nais klaruhin.

"Saan naman siya magsiselos?" Tila ba nabuhay ang kaniyang pagiging slow sa sinabi nito

"Sa atin" tipid nitong sagot

"Bakit naman?" Ano naman kaya ang rason nito para magselos. As for the record wala naman silang relasyon at paniguradong wala naman itong nararamdaman na kahit ano para sa kaniya.

"Alam mo ba na sa buong buhay ko lagi akong natatalo ni Louis, ngayon ko lang naramdaman na panalo ako kase kasama kita"

Maslalo siyang napaisip sa sinabi nito. Alam niyang simula pagkabata ay lagi ng magkakumpetensya sina Louis at France, mapa-acads man o sa atensyon ng pamilya pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit iniisip nitong nahigitan nito si Louis dahil kasama siya nito.

Muli niyang naalala ang sinabi ni Louis sa kaniya nung nakaraang gabi pero agad niya itong pinalis sa kaniyang isipan.

Pupunta siya sa Perya para magsaya at hindi para mag-isip ng mga ganong bagay at para paasahin ang sarili sa wala.

Pagod na siyang maging hopia. Sa loob ng sampung taong nagkahiwalay  sila, umaasa siyang dadating si Louis para ipaglaban siya mula sa kaniyang ama pero ni anino nito ay hindi niya nakita.

Ang pinaka-huling beses na nagkita sila ay nung nagpunta ito sa Canada kasama ang kaniyang Ninang Anika para ayusin ang lahat ng problemang dinulot nila

Namumugto at walang buhay ang mga mata ni Louis ng mga panahong iyon. Gusto niya itong kausapin ng personal pero ito mismo ang umiwas sa kaniya.

"We're here" imporma ni France sa kaniya na siyang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

Nang makababa siya mula sa sakyan ay nakita niyang buhay na buhay ang perya dahil sa mga tawanan, sigawan, at mga nagkikislapang ilaw na may iba't -ibang kulay.

Siguro nga ay simple lang ito at hindi kasing garbo ng Disneyland at Enchanted Kingdom but when it comes to fun and extraordinary experience ay hindi ito papahuli.

"Manong pabili nga ng dalawa niyan" napatingin siya kay France na bumubili ng cotton candy.

"Para sayo" inabot nito sa kaniya ang isang kumpol ng cotton candy na nakarollyo sa stick

"Thanks" aniya nang tanggapin ang inaabot nitong cotton candy.

NASA loob ng sasakyan si Louis habang pinapanood sina Fleur at France na bumibili ng cotton candy at nagtatawanan. Nang magsimula silang maglakad papasok sa loob ng perya ay palihim niyang sinundan ang mga ito.

FirefliesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon