EXO 1 - LOLS

24.1K 347 31
                                    

EXO 1 - LOLS

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

LuXi's POV


"eeeeeeeeeekkk!!" *inat inat* 

Umaga na naman pala. Anubayan -__- Nakakaumay talaga gumising lalo na't alam mong may bubungad sayong isang dragon--I mean AMO pala na masarap batuhin ng sapatos na may takong.

Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ng isang pink na uniform na pangt-MAID. Ewan ko ba kung bakit ako napasubo dito! Aish! istupidong magnanakaw kasi yun! nanakaw nalang yung bag ko pa na may lamang pera ko para pambayad sa apartment! ayun alam na! umalis akong gumagapang..

dejoklang. 

"Lu Xi!" - Tawag sakin nung head ng mga maid sa bahay na to. Amp. Lagi nalang akong pinag-iinitan nito ah!

"Nandyan na po!" At akoy kumaripas ng takbo palabas ng kwarto kung saan ako natutulog.

Okay, papakilala ako sainyo kahit na ngayon lang ako lalabas. *O* Eggzoyted na ba kayo? ako hinde. Araw araw kong ginagawa to eh.

Ako si Lu Xi. You can call me Xii if you want, mas komportable ako dun kesa Lu Xi ang tawag sakin., naaalala ko kasi yung peyborit kong anime character na si Yucie na may malapad na noo...KATULAD KO. +__+ 

Isa akong high school student, batch na namin ang ga-graduate ngayon kaya kailangan ko ng PERA! pero sa kasamaang palad nilipad ng isang magnanakaw ang aking puritang bag kaya akoy naghihikahos na. Wala naman akong magulang dahil ang aking ama ay...sabihin na nating nowhere to be found simula isilang ako..ang ina ko naman ay...cannot be reach! O diba? ang saya saya ng buhay ko! Walang panama ang connection ng   globe, sun, tm, smart at Red alert--este Red mobile pala! Osya..ang dami kong sinabi di ko nalang sinabing namumuhay akong mag-isa. Ang engot ko talaga.

At kung bakit ako nandito? Ganito kasi yan e..

__Flashback__


Naglalakad ako sa kahabaan ng nilalakad ko (?) nang makakita ako ng shortcut! BWAHAHAHA!

Syempre yun ang ni-take ko para mas mapabilis ang uwi ko dahil ako'y gumagapang na sa pagod! *__* Kakagaling ko lang sa pinagta-trabahuhan kong bar dyan sa tabi-tabi. Oy disenteng babae ako! hindi ako nagsasayaw at nagbebenta ng kaluluwa! Kailangan ko lang ng pangkain at para sa tutuluyan ko! 

So ayun na nga, yun na ang nilakaran ko tungo sa masarap na higaan pero sa kasamaang palad, may nakasalubong akong magnanakaw at tinangay ang aking puritang bag. Ok na sana eh puro maruruming damit nalang naman ang laman nun e maisip isip kong dun ko nga pala inilagay yung wallet kong may tumatangingting na P350 para sa inuupahan ko tuwing gabi at P20 para sa pagkain ko ngayon! Abat loko yun! 

>O<

"HOY MANONG NA LILIPADLIPAD! FEELING MO MAKAKATAKAS KA SAKIN! HALIKA DITO!!!! BUMALIK KA!!! ASDFGHJKL!! " At dahil ako'y hamak na kutong lupa lang na may malapad na noo..di  ko sya naabutan. And guess what? +__+ Nakabunggo ko pa ang mga naggagandahang binibini ng taon...In short mga bakla na nagsisilabasan kapag lumalalim na ang gabi.

[EXO] What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon