Prologue

2K 41 0
                                    

Rebel's POV

"What do you need?!"galit kong sambit. Nagulat naman ito sa biglaang pagtaas ko ng boses.

"Re—bel- kasi.. hindi pwedeng magyosi dito.."nauutal utal pa niyang sambit sa akin. Tinignan ko naman ito. Para naman itong nakakita ng multo habang nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay.

"So?"tanong ko pa sa kanya.

"Can.. you—please drop i-it down"nangangautal utal pa na saad nito. Mabuti na lang ay naiintindihan ko.

"Paano kung ayaw ko?"nakangisi kong tanong sa kanya.

Halos matarana naman ito at kitang-kita ko na ang pag-uyam ng kanyang damdamin, namumuo na rin ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Re-bel! A-anong ginawa mo sa kaibigan ko?"nagtatapang-tapangan na saad ng isang babae sa akin. Nilingon ko naman ito at mukhang natakot kaya napaatras pero nilapitan pa rin ang kaibigan kahit na medyo nanginginig na. Napabuntong hininga na lang ako at binaba ang yosi na hawak ko. Tinapakan ko iyon para mamatay ang baga at umalis sa harapan nila.

Binunggo ko pa sila bago umalis. Hindi ko naman na mapigilang mairita dahil sa pangyayaring iyon. Mas lalo pa akong nainis na pumunta sa room kahit kanina pa nagsisimula ang klase.

"Miss Trinidad! Ano naman ang ginawa mo?!"malakas na sigaw ng adviser namin na kanina pa ata nagdidiscuss sa harapan. Napakunot naman ako ng noo dahil wala pa naman akong ginagawang kahit na ano.

"Late ka nanaman! Paniguradong nakipagbasag ulo ka nanaman sa labas. Hindi ka ba nagsasawa? Konting konti na lang ay mapupuruhan ka na!"malakas na sigaw nito na rinig na ata pati sa kabilang strand may iilan pa akong nakitang napapasilip na lang sa room namin. Hindi ko ito pinansin at nagtuloy tuloy na lang sa may upuan ko. Kita ko naman ang bulungan ng iilang klase ko.

Dire-diretso lang akong naupo at sumubsob sa aking upuan dahil wala naman akong balak makinig sa kung anong ituturo nito.

"Tigas talaga ng mukha ni Trinidad no?"rinig kong bulong ng isa kong kaklase na nasa harap ko lang.

"Huwag kang gaanong maingay, marinig ka niyan"sabi naman ng isa. Sanay na ako na palagi na lang ako ang laman ng usapan ng mga ito kahit sabihin na nating wala akong gawin sa kanila. Pinilit ko na lang matulog.

Nagising naman ako ng may tumamang pambura sa aking mukha. Rinig ko ang tawanan ng klase. Iritado naman ang tumingala. Natahimik sila doon, tinignan ko ang mukha ng adviser ko na galit na galit din sa akin.

"Kung wala ka namang magandang gagawin, Miss Trinidad, edi sana hindi ka na lang pumasok. What do you even want to do? Matutulog ng matutulog diyan sa upuan mo? Kung hindi ka interesado sa klase ko ay lumabas ka na lang!"galit na sigaw nito. Iyon ang ginawa ko. Lumabas ako sa room namin.

"Wala ka talagang modo! Huwag ka ng babalik sa klase ko!"napatigil pa ako sandali doon ngunit nagpatuloy na lang din sa paglalakad. May iilang estudyanteng napapatingin sa akin ngunit kapag dumadako naman ang mga mata ko sa kanila ay dagliang iiwas ang mga iyon. Mas lalo akong nairita at sinipa ang trash can na malapit sa akin.

"Miss Trinidad! Ano ba naman yan? Wala ka na talagang nagawang matino, panay problema na lang ang dinudulot mo sa school na ito!"malakas na sigaw naman ng science teacher na nakakita sa ginawa ko. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at ngumisi. Maybe that was my purpose for being here. Palaging sakit ng ulo sa lahat. Hindi ko mapigilang mapangisi sa sarili kaya mas lalo pang nagalit sa akin ang science teacher na pinagbabawalan ako.

Kumaway na lang ako dito dahil ayaw ko ng makipagtalo, ako naman ang palaging mali kaya nararapat na huwag na lang sumagot pa. Dumeretso ako sa garden para magpalipas ng init ng ulo. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga at mapatingin sa paligid. Kailan ba matatapos ang araw ko na wala akong nakakabangga.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon