Rebel's POV
"Ma'am Rebel, May bisita po kayo sa labas."pagtatawag sa akin ng isang katulong namin. Napakunot ako ng noo dahil kung ang mga kaibigan ko ang dadalaw sa akin ay paniguradong dito na ang diretso ng mga iyon.
"Baka kay Dresy."sabi ko at sinimulan na ulit ang nilalaro ko. Hindi pa kasi ako bumababa dahil kanina pa ako naglalaro ng game na sinuggest sa akin nina Baste.
"Sainyo daw po, Ma'am."saad niya naman sa akin.
"Baba ako, maya-maya."turan ko. Nagpatuloy ako sa ginagawa, naging matagal ako kaya bumalik ulit ang katulong na nagtatawag sa akin.
"Ma'am, pinapababa na po kayo.."sambit pa nito kaya napakunot na ang noo ko at tumango na.
"Susunod na ako, Manang."sabi ko na lang dahil hindi na ata titigil kakatawag ang mga ito kung hindi pa ako bababa.
Sumunod na rin ako sa paglabas nito dahil kita ko ang pag-aalinlangan niyang bumaba. Nakababa na ako ng hagdan ng makita ko si Timo na siyang nasa gilid at mukhang kanina pa ako hinihintay. Nagulat ako ng makita ko siya.
Kalmado na rin naman ako kumpara kahapon dahil napagtanto ko na masiyado rin naman pala akong naging sensitive ngunit may inis pa rin sa akin.
Tinalikuran ko siya dahil hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Paakyat na sana ako ng tumayo siya sa kinauupuan at naglakad papalapit sa akin.
“Isang hakbang papalapit, limang hakbang papalayo ang kapalit.”mahinang sambit niya kaya napatigil ako sa paglalakad.
“Pero kahit maglakad ka pa papalayo, maglalakad pa rin ako papalapit sayo hanggang sa mapagod ka at huminto.”sabi niya pa. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang metrong layo sa sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako lumingon sa kanya.
"Umuwi ka na lang."sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa loob ng kwarto.
Naging tahimik ang araw ko. Hindi rin naman ako ginulo ni Dresy dahil may inaasikaso daw ito. Iyon ang sabi ni Tita kaninang nagtanghalian kami.
Napakunot ako ng noo ng makarinig ng ingay mula sa baba ng bahay kasabay nito ang pagkatok mula sa pintuan ng kwarto ko.
Binuksan ko iyon at kitang kita ko ang nakangiting si Timothy.
"Hi."sabi nito kaya pinagkunutan ko siya ng noo.
"Hindi ka talaga titigil?"kunot noong tanong ko sa kanya. Kita ko naman na nasa gilid si Manang na mukhang kasama ni Timothy sa pag-akyat.
"Pinapatawag ka na ni Sir, Ma'am."sabi ng katulong sa akin kaya napailing na lang ako.
"May bisita siya?"tanong ko dito. Tumango siya sa akin.
"Hindi ako bababa pakisabi."sabi ko na lang at sinara ang pinto kahit na alam may tao pang nakatingin sa akin mula dito.
Ni hindi nga ako sumasabay sa mga ito sa pagkain, ngayon pa kayang may bisita sila? Alam ko na masisira ko lang ang hapunan kung sakaling makikisalo ako sa kanila.
Napasimangot na lang ako ng makarinig nanaman ng katok mula dito. Hindi ko iyon pinansin. Napatulala na lang mula sa kisame ngunit iritado ako napatingin sa pintuan ng bumungad sa harapan ko si Dresy.
Hawak niya ang spare key na mukhang hiningi niya kay Daddy. Hindi ko siya pinansin ngunit dali dali itong lumapit sa akin para sigawan ako.
"PaVIP ka talaga kahit kailan hah?"mahina ngunit may diing saad nito na mukhang inis na inis sa akin. Hindi ako nagsalita na tila ba walang nagsasalita. Mas lalo naman siyang nainis sa akin ng dahil dito.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
Storie d'amoreRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...