Rebel's POV
Napatingin ako sa relo ko at napakibit ng balikat ng makita ko na late lang ako ng 30 minutes ngayon, hindi katulad ng nakasanayan na halos dalawang oras. Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room. Napatingin naman ako ng makita kong may nakaupo sa inassign na upuan ko. Agad naman nag-iwas ng tingin sa akin ang babaeng nasa upuan ko.
Maglalakad na lang sana ako patungo sa upuan sa likuran ngunit agad may humawak sa likuran ko. Agad ko itong nilingon at pinagkunutan ng noo ngunit nginisian lang ako nitong lalaking nagngangalang Timothy Trevor na tinatawag nilang presidente. Hindi ko akalain na dito rin palaang section nito. Nagkibit na lang ako ng balikat.
"Oopps, Where are you going? Dito ka na nakaupo."sabi niya at tinuro ang bakanteng upuan na nasa pinakaharap at gitnang gitna pa. Agad naman akong napairap at hindi siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa upuan sa likod ngunit agad ako nitong hinila pabalik. Naagaw tuloy namin ang atensiyon ng mga kaklase namin.
Hindi ko alam kung bakit nandito itong Timothy na ito ngunit mukhang dito rin siya nagruroom at nasa pinakaharap din itong upuan.
"What the fuck is your problem,Teacher's Pet?"galit kong sambit sa kanya ngunit mukhang mas nagalit ito sa aking tinuran. Mas lalo tuloy napatingin sa amin ang mga kaklase namin. Mukhang narinig ang sinabi ko kahit hindi naman iyon kalakasan.
Nginisian ko naman itong si Timothy na wala na ang inis sa mukha. Kalmado na ito ngayon na tila ba hindi nadaluyan ng inis ang mukha kanina.
"You're my problem, Trinidad."sabi niya at hinila na ako paupo sa pwestong tinuturo niya. Agad namang pumasok ang teacher namin.
"First offense, Trinidad, ang sabi ko'y magpablack ka na ng buhok."sabi pa niya sa akin.
"Breaktime and lunchtime detention hanggang hindi mo pa bibalik sa dating kulay yang buhok mo."sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin ang sinabi nito. Sumubsob lang ako sa upuan ko kahit na alam kong nandiyan na ang teacher namin.
"Aba't nasa harapan na't lahat lahat iyang si Rebel wala pa rin atang bago."rinig kong bulong ng isa kong kaklase. Hindi ko iyon pinansin dahil konting konti na lang ay makakatulog na ako.
"Awwe."agad kong sambit ng maramdamang may namalo sa braso ko. Agad kong nginiwian si Timothy ng makita ko itong may hawak ng stick at siyang nanghampas sa akin. Iritadong iritado ko naman itong tinignan ngunit binalik din agad ang sarili sa pag-idlip na hindi ko naman nagtagumpay na gawin dahil ramdam ko ulit ang pagpalo ni Timothy gamit ang stick na hawak niya.
"Epal ka?"inis kong tanong sa kanya.
"Attitude ka?"seryosong sambit niya, ni walang pakialam kung nakatingin pa sa amin ang teacher na napatigil sa pagtuturo.
"Tahimik nga ang lahat dahil nandito ka, Pres, kaso nga lang ay mukhang ikaw naman ang may balak mag-ingay."sambit ng guro kay Timothy.
"Pasensiya na, Miss."sabi niya at yumuko ngunit pinagtaasan pa rin ako ng mga kilay at hinampas pa ulit ng mahina. Inis na inis ko naman siyang tinignan. Kapag sinusubukan kong sumubsob ay agad itong nakahampas kaya hindi ko magawang yumuko at hindi ko magawang maidlip. Kahit nakapangalumbaba na lang ako ay hindi ko pa magawang makatulog dahil nagugulat sa tuwing ihahampas niya sa akin ng mahina ang hawak niyang stick. Hindi ko alam kung paano niya pa nagagawang makinig habang paulit ulit akong ginugulo sa pagtulog.
Pati sa second subject ay ganun rin ang nangyari kaya wala akong nagawa at napilitan na lang makinig kahit na wala naman akong naiintindihan. Tumayo na ako ng marinig na ang bell hudyat na recess na. Kumuha ako ng bubble gum na nasa bag at nagsimula ng ngumuya nguya habang hindi ko pa nagagawang mahanap kung nasaan nga ba ang cafeteria nila.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...