Chapter 3

594 30 0
                                    

Rebel's POV

Wala akong nagawa kung hindi maghintay na lang dito ngunit naglakad pa rin ako patungo sa malapit na upuan. Pairap irap naman ako kapag nakikita kong napapatingin sa akin si Timothy na siyang parang hari na nakadequatro pa rin sa harap. Napangisi naman ako ng maalala ang maarteng mukha nito kanina.

Nang tamarin na talaga ako ay nagsimula ng maglakad paalis doon. Kahit na ilang beses ko pa siyang naririnig na tumatawag ay hindi ko iyon pinapansin. Ang ilang student council ay humahabol na rin ngunit talaga namang hindi ko na gustong magpabilad at wala din kaming ginagawa doon kung hindi tumunganga. Halos lahat ng estudyante ay nakabalik na rin sa kani-kanilang room.

Agad akong napabuntong hininga ng makarating ako mula sa likod na building kung saan ako nakarating kahapon. Ramdam ko ang lalim ng paghinga ko. Napangisi ako. Kamusta na kaya ang mga ugok kong tropa? Napatingin ako sa pusang hindi ko nabalikan kanina.

"Meow.."mahinang tawag ko dito. Lumapit ito sa akin tsaka ko lang naalala na hindi pa din pala ako kumakain at nakalimutan ko ding balikan ang pusang ito kahapon upang dalhan ng pagkain.

"Gutom ka ba?"tanong ko dito habang hinahaplos ang kanyang ulo. Tumango tango naman ito tila ba naiintindihan niya ako. Napangiti naman ako at tumayo ulit. Mabuti na lang ay alam ko na kung nasaan ang cafeteria nila ngayon. Nagsimula naman na akong maglakad ngunit nakikita ko na may nakasilip na mga student council. Madali ko lang naman natakasan ang mga ito kaya napangisi ako.

"Mga hangal."sabi ko ng nakangisi.

"Mga hangal pala?"agad akong nagulat ng may nakahawak na sa may likod ko at tila kayang kaya ako nitong itaas gamit lang ang kaniyang mga kamay.

Agad akong napairap ng makita ko kung sino iyon. Si Timothy nanaman na masama ang tingin sa akin.

"Mas gugustuhin mo talagang magbigay ng sakit ng ulo sa mga taong nakapaligid sayo."galit niyang saad. Hindi naman ako nagpakita ng kahit anong uri ng takot dito. Nanatili lang din akong seryoso. Sinubukan ko namang kumawala sa kanyang mga kamay yun nga lang ay mukhang mas malakas pa rin ito. Napairap na lang akong nagpahila sa kanya.

"Ano ba kasing mapapala mo kung ibibilad mo ko sa arawan?"iritado kong tanong sa kanya.

"What do you think?"tanong niya naman na nakataas ang kilay sa akin. Napairap ako sa kanya dahil dito.

Parehas naman kaming napatingin sa mga tiyan namin ng parehas itong tumunog. Tiyaka ko lang naalala na nagugutom nga pala ako dahil hindi ako nagbreakfast dahil iniiwasan kong makasabay sina Daddy sa pagkain. Hindi ko maiwasnag mapatingin kay Timothy na mukhang hindi pa din kumakain.

"Well, pwede namang kumain muna."sabi niya at napaiwas ng tingin. Hindi ko naman maiwasang mapangisi ng dahil dito. Sumunod na lang ako sa kanya patungo sa cafeteria. May mga estudyanteng bumibili pa ngunit ng makita si Timothy ay nagmadaling tumakbo pabalik sa kani-kanilang classroom. Hindi ko maiwasang mapailing. Kung alam niyo lang.

Bumili naman na ako ng makakain ngunit si Timothy ang nagbayad, hindi na ko umangal pa. Sayang pa iyon. Umupo ako sa dulong bahagi ng cafeteria. Sumunod siya sa akin, hindi na ako nagreklamo o ano pa man. Nagsimula akong kumain, napakunot ako ng nakatingin siya.

"Takaw."sabi niya at nagsimula na ding kumagat sa kanyang pagkain. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Lunchtime detention na lang mamaya. Balik na tayo sa room pagkatapos kumain."sabi niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Are you listening? Parang mas ineteresado ka pa sa pagkain mo."sabi niya na nangalumbaba pa na pinagmasdan ako. Hindi ko pa rin siya pinansin. Nang matapos ng kumain ay agad na rin akong tumayo at bumili pa ng isang pagkain para sa pusa sa likod ng school.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon