Epilogue

727 29 32
                                    

Rebel's POV

"Aba't sino ba 'yan?"nakangisi nitong tanong.

"Hindi mo na dapat pang malaman."nakangisi kong ding sambit at tumama nanaman ang kamao sa mukha nito.

Ang dami nilang sumugod at halos napagitnaan pa kami, hindi ko maiwasang mag-aalala para sa dalawang kasama ko. Napatingin ako kay Timothy nang makitang marunong din itong makipagsuntukan kahit paano. Wala na akong oras para mamangha dahil tuloy tuloy ang pagsugod sa akin ni Axel at ng mga kasamahan nito.

"Aww.."napainda ako sa sakit ng tumama sa braso ko ang baseball bat ng isang alipores nina Axel, wala pa sina Zity nito, wala pa ang mga alagad no'n.

"Bel!"

"Rebel!"

Rinig kong sigaw nina Timothy at Tetet na sinusubukan ding protektahan ang kanilang mga sarili. Umilag pa rin ako kahit na ramdam na ramdam ko ang sakit. Tatama na sana ulit sa akin ang isang baseball bat ng humarang si Timothybat natamaan ito sa ulo.

"Pucha!"malakas naming sigaw ni Axel nang makitang bumagsak si Timothy.

"Putangina, Axel!"malakas kong sigaw nang makitang wala ng malay si Timothy.

"Tangina, ang sabi ko sainyo, tatakutin lang natin, mga bobo!"natatarantang sambit ni Axel nang makitang nakabulgta na si Timothy at may dugo ito sa ulo. Maski ako ay natataranta na rin.

"Bobo! Mga inutil! Patay tayo kay boss!"sabi ni Axel at tumakbo na paalis kasunod ng mga alipores niya. Nanginginig naman ako habang nakatingin kay Timothy at ang kamay na punong puno ng dugo niya.

"Tumawag ka na ng ambulansiya!"malakas kong sigaw kay Tetet na nanginginig din sa takot. Mabilis naman siyang nagdial.

Nakatingin lang ako sa dugo sa kamay ko na hindi na rin namamalayan ang ambulansiyang dumating.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito!"malakas na sigaw ng Mommy ni Timothy na sinampal pa ako. Napaluhod naman ako sa sobrang pag-iyak, humihingi ng tawad sa lahat lahat dahil kasalanan ko kung bakit critical ang kondisiyon niya ngayon.

"Huwag na huwag mong subukan pang lumapit dito!"malakas na sigaw nito na patuloy lang sa pag-iyak, pinipigilan naman siya ng kanyang asawa ngunit hindi ko rin ito masisi dahil nag-iisang anak niya lang ito.

Umiiyak akong nagtungo sa chapel dito sa hospital. Nanginginig pa rin ang kamay, maski ang damit ay may mga dugo dugo pa rin. Umiiyak lang ako habang walang ibang naiisip kung hindi ang kalagayan ni Timothy.

"Bakit ako nanaman, ha?"malakas kong sumbat sa kanya.

"Bakit palagi na lang ako?"umiiyak kong saad, walang pakialam sa mga taong nakatingin sa akin ngayon.

"Bakit gustong gusto mong kunin kung ano 'yong akin? Bakit laging ako? Sayo naman talaga siya e. Hindi mo na kailangan kunin."umiiyak kong saad.

"Bakit laging kapag bumabalik ako sayo, pilit mo akong pinapalayo?"tanong ko pa na patuloy lang sa paghikbi.

"Ang bad mo naman. Ako nanaman."tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko, napaupo na ako sa sahig ngayon habang nakatingin lang sa kanya.

"Ang sama sama mo pagdating sa akin."umiiyak kong saad.

"I'm really your least favorite, ha?"taning ko pa. Umiyak lang ako ng umiyak sa harap niya.

"Please, ibalik mo naman si Timothy."umiiyak kong pakiusap sa kanya.

"Ikaw lang 'yong may kakayahang gumawa no'n."napahagulgol pa ako na nakaluhod na sa kanya. Nagmamakaawa.

"Mahal na mahal ka niya. I believe in you, please. Bring him back."umiiyak kong saad na wala ng balak tumigil sa kakaiyak.

"Please."pinagdikit ko pa ang palad.

"Ikaw lang 'yong mapagsasabihan ko ngayon, mahal na mahal ko na ata 'yon pero ikaw naman 'yong mahal niya e."umiiyak kong saad.

"Pakiusap naman o. Mahal na mahal na mahal ka niya, paglilingkuran ka pa niya. Please."hindi ata ako magsasawng makiusap sa kanya hangga't hindi niya binabalik si Timothy.

"Nagtitiwala ako sayo, please, please, please, give him back."tuloy tuloy lang ang pagsasalita ko, nakikiusap na papakinggan niya.

"Sister!"malakas na sigaw ng batang si Dea. Napalingon naman kami ni Sister Maricar sa kanya.

"Nandiyan na po 'yong mag-aampon kay Potpot."sabi ni Dea. Naglakad naman na kami ni Sister Maricar patungo doon. Napangiti naman ako sa kanya ng makita ko siya.

"Nandito ka na pala, naayos na ang mga papeles."sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Long time no see, Sister Maricar."nakangiting bati nito kay Sister Maricar. Nakipagkamay pa siya kay Sister. Ngumiti lang naman ito ng malapad sa kanya.

"Sister Agnes."sabi niya at ngumiti ito sa akin na naglahad ng kamay. Ngumiti rin ako pabalik.

"Nice seeing you, Timo."nakangiting sambit ko pabalik.

Napakatagal na rin ng panahon simula ng makita ko 'to ulit.

"Hey, hon."nakangiting sambit ni Sam sa kanya.

"Good morning po, Sister."bati nito sa akin. Ngumiti lang ako pabalik.

Simula noong gumaling si Timothy, doon ko napagtanto na I already recieve the love that I wanted to recieve all my life kaya naman unting unti nabuo sa utak ko ang ideyang paglingkuran siya. Sinubukang manligaw ni Timothy sa akin at talikuran ang seminaryo ngunit ako naman ang pumasok dahil sapat na naranasan ko 'yong pagmamahal na naramdaman ko noon.

Noong dinggin niya ang mga dasal ko narealize ko na mahal na mahal pala ako nito, ni hindi ko man lang naramdaman na ilang beses na akong nabuhay muli dahil sa kanya.

Meeting Timo means meeting and falling inlove with God again.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon