Rebel's POV
"You're now going to your school, Rebel?"nakangising tanong ni Dresy sa akin na mukhang papasok na. Hindi ko siya pinansin at naglakad patungo sa kusina namin. Sumunod naman ang malditang si Dresy.
"You're really ignoring me?"inis niyang sambit. Ang aga-aga ay naiirita ako sa bunganga nito. Hindi ko siya pinansin at ako na mismo ang kumuha ng makakain ko kahit nilapitan ako ni Yaya Linda.
"Rebel, nagluto ako ng almusal dito."sabi niya sa akin.
"Hindi na po. Okay na po ako dito."sabi ko at kakain na sana ngunit daldal pa rin ng daldal si Dresy kaya binusalan ko siya ng tinapay na hawak ko.
"Will you please shut up? Can't you see? I'm eating"iritado kong sambit sa kanya. Inis naman siyang umalis sa harapan ko. Matapang ito ngayon dahil wala si Daddy at si Tita dahil nagout of town sila.
"Maldita talaga iyang si Dresy."sabi ni Yaya Linda.
"Mas maldita naman iyang alaga mo, Linda. Kakaplantiya ko lang ng damit ni Dresy"sabi ni naman ni Yaya Mina. Ang yaya ni Dresy.
Hindi ko sila pinansing dalawa at nagpatuloy na sa naudlot kong pagkain. Nang matapos ay hindi na rin naman akong nagtangkang sumabay pa kay Dresy dahil umalis na ito kanina pa. Hindi ito nalalate sa school, kabaliktaran ko naman. Napatingin naman ako sa orasan. It's already 8:30, late na ako. Sulitin ko na lang.
Hindi na ako nag-aksaya pang magmadali. Nang makarating sa school ay agad akong nagulat na papasok pa lang sila sa mga classroom mukhang nagflag ceremony pa rin naman pala. Nagkibit na lang ako ng balikat ngunit agad akong napatigil sa paglalakad ng hinarang ako ni Timothy Trevor.
"What?"tanong ko na nakasimangot sa kanya.
"Late, quadrangle after class."sabi niya at inabutan ako ng late slip. Kinuha ko iyon dahil balak ko din namang itapon sa gilid.
"Earings."sabi niya at kinuha nanaman ang earings na kakasuot ko lang kagabi. Umagang umaga ay nang-iinis na ito.
"Ang sabi ko sayo, Miss Trinidad, ibalik mo ang kulay ng buhok mo."sabi niya sa akin. Ngumiwi naman ako sa kanya.
"Yang polo mo pakibutones ng maayos."sabi niya kaya naman tahimik kong inayos ang butones ko. Hinila niya ako palabas ng school kaya nanlaki ang mga mata ko.
"What the—"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng samaan niya ako ng tingin.
"Sakay."pinal niyang saad na pinapasakay ako sa kotse niya. Hindi ako kumikilos kaya naman tinulak niya ako papasok doon ng wala man lang kahirap hirap. Hindi ko mapigilang mas lalongt mapangiwi. Wala man lang kagentle gentle sa katawan. Walang kahirap hirap naman akong lumabas ng kotse niya at umalis sa harap nito.
Ni hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ulit ng school kaya lang ay nakalock na ang gate.
"Manong!"malakas kong sigaw. I just want to sleep at ang pesteng Timothy na ito ang may kasalanan kung hindi ako makakatulog ngayon. Umakyat ako ng gate. Hindi iyon mahirap para sa akin. Madalas ko itong ginagawa school kapag napagsasarhan ng gate. Napatingin naman sa akin ang iilang estudyante. Mabuti na lang ay hindi ako nakita ng gurad na umaakyat kaya napangisi ako ng makababa.
Manghang mangha naman na nakatingin sa akin si Jace na mukhang nagroround ngayon.
"Rebel? You're not really just your name."manghang mangha na saad niya sa akin habang tumatawa. Hindi ko naman tuloy alam kung anong magiging reaksiyon ko ng dahil dito. Pumalakpak pa siya ng natatawa sa akin. Napakamot ako sa ulo dahil ang pagkakaalam ko ay vice ng student council si Jace. Hindi ko matatakasan kung may parusang ipapataw ang mga ito lalong lalo na ngayong wala ang daddy ko na magtatakip ng mga katarantaduhan ko.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...