Rebel's POV
"I told you to do your job perfectly."napakunot ako ng noo ng may marinig na galit na tinig mula sa office ni Timothy. Pupuntahan ko sana ang pusa nito ngunit mukhang nandito siya ngayon.
"I will, Mom. I'm sorry.. Hindi na po mauulit ulit iyon."sambit niya dito. Hindi ko mapigilang mapasilip sa babaeng kausap niya. May katandaan na ito ngunit mukhang alagang alaga pa rin ang kanyang sarili. Ito iyong nakausap ko noong kasama ko si Daddy na nag-enroll dito. Ito iyong principal nila.
"Siguraduhin mo lang, Timothy."mapagbanta na saad nito.
"Ayaw ko na ulit na makakita ng mga estudyanteng pakalat kalat na hindi sumusunod sa regulation ng school."pagbabanta pa nito sa kanya. Hindi ko mapigilang maalala na ako nga pala ang may kasalanan kung bakit hindi niya nagampanan ng maayos ang trabaho niya.
"I'm now going back to my office. Kumain ka na ng lunch mo."sabi nito sa kanya.
"Yes, Mom. I will. You should too."sabi naman ni Timothy at tumango sa ina niya. Dahan dahan naman akong nagtago ng makita kong paalis na ito. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga na maalala ang mukha ni Timothy na kanina'y pinapagalitan ng ina. Mukhang wala lang naman iyon sa kanya ngunit hindi ko pa rin mapigilang isipin iyon.
Pumunta na lang ako sa cafeteria at hindi na tumuloy pa sa opisina nito. Bumili ako ng makakain at pinipigilang maalala ang mukha ni Timothy.
"Arggh!"reklamo ko sa sarili at halos masabunutan na ito sa sobrang inis. Napabalik tuloy ako at walang kahirap hirap na sumingit dahil wala din naman si Timothy. Bumili ako ng maiinom sabay lakad patungo sa likod ng school.
Nakita ko naman siya na nilalaro si Arile. Hindi ko mapigilang mapakali na tumungo sa kanya. Tinignan niya ako ngunit agad napasimangot ng makita ako.
"Sorry.."mahina kong sambit sa kanya. Ni hindi ko nga lama kung narinig niya ba ito o ano.
"Hmm, peace offering."mahinang sabi ko at iniabot sa kanya ng inumin na binili ko kanina. Nilingon niya naman ako at nginisian pa. Hindi niya pa ito kinukuha kaya akala ko'y ayaw niya ngunit maya-maya lang ay iniabot niya ito.
"Thanks."sabi niya at ngumiti. Parang walang nangyari at mabilis lang ako nitong napatawad.
"Yun na yon? Hindi ka man lang magagalit?"tanong ko na napakunot pa ang noo dahil hindi naman ako ganito kabilis magpatawad.
"Hmm, you already said sorry so we're now okay."sabi niya ng natatawa at kinuha ang pusa niya na kumakain ngayon ng cat food.
"Akala ko hindi ka marunong humingi ng tawad."sabi niya ng natatawa. Well, kahit paano ay alam ko naman dahil naturuan rin naman ako. Napanguso na lang akong tumingin kay Arile kahit na nakikita ko ang pagsulyap ni Timothy sa akin.
"Let's go. Mag-uumpisa na ang klase."sabi niya at tumayo. Inilahad pa nito ang kamay niya sa akin upang alalayan akong tumayo ngunit hindi ko iyon kinuha at kusang tumayo. Napangisi na lang siya at nauna ng naglakad.
"Bye, Arile."mahinang saad ko sambit kay Arile at tinap pa ang ulo nito. Hindi ko mapigilang mapangiti ng inilapit niya pa sa akin ang ulo niya. Ngumiti ako sa kanya bago tumayo para umalis. Hinintay naman ako ni Timothy.
"Wait, diretso ka na sa room. Mag-aannounce lang ako."sabi niya kaya agad akong tumango.
Katulad kanina ay dumretso ako sa likuran dahil mukhang nagustahan naman na ng babaeng kapalitan ko na katabi si Timothy dahil nakakapagpaturo ito doon.
"Calling the attention of all the student whose not wearing their proper uniform right now, Come here at disciplinary office."pag-aannounce ni Timothy mula sa speaker.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...