Chapter 5

575 28 0
                                    


Rebel's POV

Naglakad muna kami patungo sa kotse niya. Pasilip silip pa ako kung nasa paligid pa sina Axel. I can't afford to let them see Timothy, ipapahamak ko lang ang sarili ko lalong lalo na si Timothy.

Nagbayad muna kami sa salon dahil nga agad ding sumunod si Timothy sa akin kanina. Napatingin naman sa akin ang empleyado at mukhang hindi rin inaasahan na babalik ako. Si Timothy na mismo ang humingi sa kanya ng tawad samantalang tahimik lamang ako sa isang tabi.

"Ikaw naman kasi e, hindi mo sinabing magbabayad ka naman pala."pabirong sambit niya pa sa akin na tila ba ayaw masira kay Timothy na siyang seryoso lang sa isang tabi. Hindi ako nagsalita. Sa pagkakaalala ko ay sinabi kong magbabayad ako.

Pagkalabas namin ay nagsalita ako kaya agad akong nilingon ni Timothy.

"Next time, Mind your own business."hindi ko mapigilang sambitin at naunang naglakad patungo sa malapit na fast food chain. Alam kong wala na sina Axel dito dahil paniguradong nagrereport na ang mga hangal sa kanilang boss na si Wrath. Napabuntong hininga ako. Sana lang talaga ay hindi nila namukhaan si Timothy.

Madali lang naman din kaming kumain dahil nga may klase pa at ilang oras na kaming wala. Hindi ko alam kung nag-aaral ba ng mabuti itong si Timothy o ano. Nang makarating kami sa school ay hindi pa rin naman nagbebell para sa aming second period. Pagkapasok na pagkapasok pa lang sa room ay talaga namang nilapitan agad ako ni Jace.

"Wow, Black na black. Ang ganda mo naman pala talaga kahit anong kulay pa ng buhok."pamumuri niya sa akin ngunit tinulak ko lang siya at pumwesto sa upuan ko.

Nang makaupo ay agad akong napatingin sa gawi ng isang babae kong kaklase na nakaharang ang paa, tila ba sinasadya niya ito para mapatid ako ngunit hindi naman nagtagumpay sa kanyang plano. Hindi ko maiwasang mapatingin sa iilang kababaihan dito sa room na ang sasama ng tingin sa akin. Masasabi kong sanay naman na ako sa mga ganitong tao, may iilan pa ngang nagbubulungan at tila ba hinuhusgahan ako.

"Lanny, Did you see my wallet? Nawawala nanaman."rinig kong tanong ng isang kaklase kong babae sa kanyang kaibigan. Mukhang nawawalan nanaman ang mga ito. Hindi ko na lang pinansin at nangalumbaba sa aking desk habang naghihintay ng guro na papasok.

Napatingin naman ako kay Timothy na busy sa kanyang laptop. Tinignan ko naman ito, paniguradong gumagawa nanaman ito ng kanyang Research ngunit agad napakunot ang noo ko ng may marinig na music mula sa laptop niya tila ba naglalaro ito. Hindi ko naman mapigilang ilapit ang upuan ko sa kanya at sumilip sa kanyang ginagawa dahil wala akong magawa, hindi rin naman ako inaantok ngayon.

"You're also playing that game?"hindi ko maiwasang itanong na nakatingin lang sa screen ng laptop niya. Nagulat naman siya sa akin kaya agad na napaiwas. Hindi ko maiwasang mangisi dito.

"I'm just trying to play to reduce my stress, lalo na ngayon."sabi niya na nilingon pa ako tila ba ako ang stress na sinasabi niya. Agad ko naman siyang nginiwian dahil dito. Sumilip pa ako sa nilalaro niyang rpg game ngunit hindi na mapigilang mangialam dahil sa katangahan niya.

"Not that one, click mo yung character."sabi ko pa at ako na mismo ang gumawa. Nagkatinginan pa kami ng dahil dito.

"Ehem, Mukhang nagkakkadevelop-an kayo, Ocampo at Trinidad, pero mamaya niyo na ituloy ang lampungan."parehas kaming nagulat doon kaya parehas na napalayo sa isa't isa. Mukhang kanina pa ito nakatayo at pinagmamasdan lang kami. Napasimangot lang ako dahil sa pakialamero pa talaga ako nito sinubukang asarin. Ganun din naman si Timothy na sinamaan pa ako ng tingin.

"So, Good morning ulit, class."maligalig na saad ng guro. Walang gana naman itong binati ng klase. Lahat naman kami natahimik kahit na pa kwela ang teacher na pumasok ngunit kapag nagalit ito ay hindi gugustuhin ng lahat.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon