Rebel's POV
"Looks who's here."maarteng saad ni Sam nang dadaan na sana ako sa gawi nila para magtungo sa quadrangle. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na sana ito papansinin pa kaya lang ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam mo ikaw napakapasuperior mo."inis niyang sambit na binaon pa ang kuko sa balat ko. Ang haba pa naman ng kuko nito.
"Wha the? Let go."seryoso kong saad. Natakot namam ito at napaatras ngunit pinilit pa ring magtapang tapangan.
"If you think na papatulan ka ni Timothy, dream on, girl!"galit niyang sambit. Alam kong patay na patay ito kay Timothy ngunit hindi ko naman alam na ganito pala kalala.
"Are you saying that to yourself?"natatawang tanong ko at lalagpasan na sana siya kaya lang ay hinila nito ang buhok ko.
"Hindi pa ako tapos kausapin ka!"malakas niyang sambit.
"Pwes, ako tapos na."sabi ko at inalis ang kamay niyang nakalagay sa buhok ko.
"Hindi ka no'n papatulan dahil wala siyang balak mag-asawa o makipagrelasiyon sa kahit na sino."galit na saad nito at hinila pa ulit ako, 'yon nga lang may umawat na dito. Napatingin ako kay Jace na tinitignan si Sam ng masama. Parang mas lalong nagalit si Sam at halos maiyak na.
"Hindi 'yon papatol sayo."naiiyak pa niyang saad at napailing iling pa. Nagulat naman ako doon, para siyang batang umalis sa harapan namin.
"The hell?"naguguluhang sambit ko.
"Pasensiya ka na kay Sam, Rebel."sabi ni Jace na napakamot sa batok niya.
"Gustong gusto niya kasi talaga si Timothy na pati ang parents niya ay ginamit nito para lang mapalapit sa pamilya ni Timo, kina Tita."pagkukwento niya.
"Teka, huwag mong sabihing kinwento ko sayo, ha?"tanong niya sa akin. Tumango lang ako, chismoso talaga.
"Tapos 'yon nga, pinipilit niya na makipagrelasiyon kay Timo kaso planado na ni Timothy ang future niya."natatawang saad ni Jace. Napakunot naman ako ng noo sa kanya dahil dito.
"Alam na kasi no'n kung anong gusto niya sa hinaharap."sabi niya pa.
"Wala talagang balak pumasok sa pakikipagrelasiyon, relasiyon sa pamginoon siguro, magpapari e."sabi niya ng nakangiti.
"Ahh. Magpapari."sabi ko at napatango tango pa ngunit agad akong natigilan.
"Magpapari si Timothy?"utal utal ko pang tanong sa kanya.
"Alam naman ng lahat 'yon."nakangiti niyang sambit.
"Hindi niya ba nasabi sayo?"tanong pa nito. Umiling ako.
Nagbalik naman sa akin ang alaala noong nasa orphan kami, sinabi niya nga pala 'yon sa akin ngunit akala ko'y nagbibiro lang siya.
"Rebel! Tawag ka, ikaw na daw ang susunod na kakanta!"sigaw sa akin ng isang kaklase ko. Napatango naman ako sa kanya at nagsimula ng maglakad patungo doon kahit na parang wala sa sarili. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako doon o ano.
"Hey, good luck."sabi ni Timo na siyang nagpumilit sa akin sa pagsali sa singing contest na ito. Natulala lang ako sa kanya sandali dahil alam ko sa sarili na gusto ko na ito.
"Meet me on the church sa orphan mamaya."sabi ko sa kanya.
"Huh? Why?"gulat niyang tanong. Dire-diretso lang ako na umakyat sa stage para kumanta, hindi ko maiwasang mapatitig lang kay Timothy na nanonood sa akin ng may ngiti sa mga labi. 'Yan, 'yang ngiting 'yan, diyan ako nahulog.
Ni hindi man ako dinapuan ng kaba, ang iniisip ko lang kung paano ko sasabihin sa kanya 'yong tunay kong nararamdaman. Pakiramdam ko kung hindi ko pa sasabihin ngayon, masisiraan na ako ng bait, kung hindi ko pa sasabihin ngayon, pagsisisihan ko sa huli.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...