Chapter 10

474 27 0
                                    

Rebel's POV

"Hello, Sebastian?"tanong ko ng marinig ko ang tawag mula dito.

"Ang tagal mo naman."rinig ko ang iritatasyon mula sa tinig nito sa kabilang linya. na

"Aba't huwag mo akong masungit sungitan diyan."sambit ko dito na napairap pa.

"I'll be there in a fucking minute."sambit ko at napirap na inayos na ang mga gamit ko na pinagkakalkal nila kanina.

"Hurry up you little dork."sambit naman nito. Hindi ko mapagilang patayan ito ng tawag. Pakiramdam ko ay nagmumura na ito ngayon. Napangisi ako ng mahina at nagsimula ng maglakad palabas. Agad ko namang nakita si Sebastian na siyang nakatambay sa may motor ko. Siya ang may dala nito ngayon. Parang isang modelo naman itong nakasandal doon. Gwapo ito kaya hindi na ako magtataka kung bakit madaming babaeng napapatingin sa kanya.

Kitang kita ko naman ang paglapit sa kanya ng iilang mga estudyanteng babae dito. Hindi ko mapigilang mapairap sa kanya ng iritado niyang pinapaalis ang mga ito sa gawi niya.

"Hey, napakatagal mo naman."sabi niya.

"Maaga ka lang talaga dahil hindi ka pumapasok peste ka."sambit ko sa kanya.

"Oh well, let's go."sabi niya at walang pag-aalinlangan na hinagis pa ang helmet ko.

"Gago, mahal din ito."sambit ko sa kanya ng muntikan ko ng hindi masalo iyon. Tinawanan niya lang ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tara na."sabi niya sa akin ngunit bago pa ako makasakay ay may Timothy na tumatawag sa akin. Seryoso ito ngayon na nakatingin sa akin.

"What?"hindi ko mapigilang itanong kay Timothy.

"Hindi pa tapos ang araw, you're still my assistant."sabi nito na nakangisi. Nilingon naman ako ni Sebastian dahil dito tila ba nagtatanong. Bumaba naman ito ng motor ko at lumapit pa kay Timothy. Halos parehas lang sila ng tangkad at laki ng katawan. Ang pinagkaiba nga lang ay mas friendly'ng tignan si Timothy kaysa sa kaibigan kong si Sebastian.

"Can you just let this dork go home?"mayabang na tanong ni Sebastian kay Timothy.

"I don't think I can keep your request. Marami pa akong kailangan gawin at kailangan ko itong kaibigan mo."maayos na sambit ni Timothy at hinila ako palapit sa kanya. Napabuntong hininga na lang lang ako.

"Well, if you can't fucking do that then maybe I'll just steal this dork away."sambit niya mabilis akong hinila ngunit hindi siya nagtagumpay doon dahil nahila din agad ako ni Timothy.

"Let go while I'm still asking nicely."sambit ni Timothy sa kanya.

"Ikaw ang bumitaw kung ayaw mong mapasabi ka ng aw."sambit ni Sebastian.

"Tangina, balak mo ba akong pilayin, Baste?"sambit ko sa kanya dahil sobrang diin ng pagkakahawak nito.

"Itong kamao ko ang tatama sayo sinasabi ko sayo."sambit ko sa kanya.

"Okie."natatawang saad niya at binitawan na ako ngunit agad niyang inangilan si Timothy ng makitang nakahawak pa rin ito sa akin.

"Wala ka bang balak bumitaw? Hah?"mayabang na tanong nito kay Timothy. Hindi naman nagpatalo at nakipagtitigan pa si Timothy. Ako na mismo ang nag-alis ng kamay ko sa kanilang dalawa.

"Baste, Dalhin mo na ang motor ko at ako ng bahalang sumunod na lang."sambit ko sa kanya.

"Huwag na, hintayin ko na lang kayo dito."sambit nito na tila ay hindi magpapatalo sa akin.

"I know you still have some racket to do. Ako ng bahala."sambit ko sa kanya.

"Bibigwasan na kita kung magmamatigas ka pa diyan."pagbabanta ko sa kanya. Napangiwi naman siya sa akin at inirapan pa ako bago sumakay sa motor niya.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon