Rebel’s POV
“Galit akong parehas sa kanila dahil iniwan nila akong dalawa ng wala man lang kasama. Maybe they really me hate that much na wala silang pakialam kung ano mang mangyari sa akin kung wala sila.”sabi ko at napatulala sa kawalan. Tinignan ko si Timothy na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung awa ang nakikita ko mula sa mgamata nito ngunit agad akong nagsalita.
“Hindi ko kailangan ng awa ng kahit na sino.”natatawang saad ko at binantaan pa ito.
“I’m not. I just adore you for being strong enough to face the most hardest and the most hard breaking part of your life..”sabi niya sa akin at tinitigan ako sa mata. Natahimik naman ako doon dahil sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang sasambitin nito.
I always conceal my true feelings dahil natatakot ako na maging bukas nanaman sa panibagong tao. Napatitig ako sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin. Napangisi ako nang dahil dito.
"I'm not that strong. Kung wala ang mga taong tumulong sa akin para makabangon ako kahit paano, I'm nothing."sabi ko at napatitig sa kawalan.
"I hate him for giving me such difficulties at young age. Lahat ng mahahalagang tao sa akin, kinukuha niya para bang ayaw niyang nakikitang masaya ako."sabi ko nang maalalang kinuha niya kung sino iyong nagpasaya sa akin sa loob ng dalawang taon. That was my grand mother. Tila ba alam na agad nito kung sino ang tinutukoy ko.
"Ang sabi nga nila God gives his hardest battle to his strogest soldier. Kahit na gaano pa kahirap ang dinanas mo, isipin mo lang na daan iyon para sa kasiyahan na makakamtan mo.."mahinang sambit niya ngunit hindi ako nakinig at napailing lang.
Magsasalita pa sana siya kaso nga lang ay nagtakbuhan ang mga bata sa gawi namin.
“Ate! Kuya! Sama kayo sa amin!”sigaw ng isang batang lalaki at tumakbo pa ito papunta sa pwesto namin.
Hinila pa nito si Timothy kaya natatawa lang itong tumayo at sumunod sa kanila.“Aba’t pinayagan ba kayo ni Sister Maricar?”tanong niya ngunit tumango lamang ang mga ito.
Napatingin ako nang pati ang mga officer ay hila hila naman ng ibang bata. Hindi ako tumayo at tinaboy lang si Timothy ngunit hinila naman ako ng isang batang lalaki nang binulungan niya ito.
"Ate, sama ka din."sabi nito at ngumiti. Nakitaan ko ito ng konting takot nang tignan ko siya ngunit pilit pinanatili ang pagiging kalmado. Tumango na lang ako at tumayo.
Naglakad kami sa field kung saan sila naglalaro. Madaming bata ang naririto. Nagkakasiyahan ang mga ito. Takbuhan kung saan saan. Pinagmamasdan lang naman sila ng mga madre at tahimik lang na binabantayan ang mga ito.
Napatingin naman ako sa ibang officer na nakikisama rin sa laro ng mga batang ito. Tahimik lang ako na nakatayo at nanonood sa kanila. Minsan ay napapangiti ngunit agad iyong itatago kapag may isang mapapatingin sa gawi ko.
"Kuya Timo. Tara na po!"malakas na sambit ng bata at hinila si Timothy sa may field. Natatawa naman itong nagpahila. Napangiti ako nang makita ang paglabas ng dimple nito.
Harangan daga ang laro nila. Wala mang mga materyal na gamit, makikitaan ko pa rin ng kasiyahan ang mga mukha ng mga ito habang naglalaro.
Hindi ko maiwasang mahawa ng tawa sa malalakas na halakhakan nila. Pati ang mga officer ay tuwang tuwa habang nakikilaro sa mga ito. Medyo mainit na ngunit hindi nila iyon iniinda. Napangiti pa ako lalo ng makita ko si Ana na nakikilaro sa kanila. Pakiramdam ko ay nakakalimutan niya kahit paano ang lungkot na nadarama.
"Agnes.."tawag ni Sister Maricar sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya. My mom used to call me Agnes kaya nanindig ang balahibo ko nang tawagin ako ni Sister Maricar sa pangalang iyon parang boses ni Mama. Nilingon ko lang siya, nginitian ako nito.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...