Rebel's POV
Dire-diretsolang ako sa paglalakad ngunit agad akong hinabol ni Timothy kahit na wala siyang naririnig kahit na isang salita mula sa akin.
"Can you please leave me alone?!"hindi ko mapigilang mainis habang patuloy pa rin sa paglalakad.
Hindi siya nagsalita at tuloy tuloy din sa paglalakad habang nakasunod lang sa akin. Ni hindi niya na sinubukang tanungin kung anong nangyari. Hindi niya din pinansin ang kotse niyang kanina pa namin nalagpasan. Naglakad lang ako,ni hindi man lang alam kung saan ako dadalhin ng paa ko basta ang alam ko lang ay gusto kong takasan ang mundo ngayon. Nakarating ako sa isang bridge.
Hindi nagsasalita si Timothy ngunit naririnig ko mula sa kanya ang mlakas na pagbuntong hininga. Nang mapagod ako ay umupo sa isang gilid, napatulala lang ako habang ang mga ala-alang gustong gusto ko ng makalimutan ay unti unting pumasok sa aking mga isipan.
Napatingin ako kay Timothy na tumabi sa akin. Dala-dala niya din ang Ice cream na iniwanan ko lang doon. Unti-unti niyang iniabot sa akin iyon ngunit ng hindi ko tanggapin ay wala siyang nagawa kung hindi ipagitna na lang sa aming dalawa. Ni hindi ko nga alam kung bakit tumabi pa ito gayong nagmumukha lang kaming kawawang namamalimos dito.
Hindi siya nagtanong kung anong nangyayari sa akin basta tahimik lang siyang nakaupo sa gilid at nanatiling nakatingin sa paligid.
"She will not probably going to be happy if she ever see me eating our favorite food."hindi ko maigilang sambitin dahil pakiramdam ko kung hindi pa ako magsasalita ay kakainin na ako ng lungkot. Napatingin lang sa akin si Timothy dahil sa sinambit ko. Ni hindi ito nagsalita at nanatili lang ang tingin sa akin, nakikinig lang.
"My mom died of hunger because of me. I'm supposed to be in her place. I'm probably dead now if she doesn't choose to crave herself until she died."hindi ko mapigilang sambitin habang nakatulala lang sa isang tabi.
"So tell me, how can I eat that Ice cream?"hindiko maiwasang itanong habang nakatingin lang sa Ice cream na unti-unti ng natutunaw. Natahimik naman siya dahil sa sinabi ko tila ba tinitimbang ang mga sabilang dapat niyang sambitin.
"You're right, She's probably not happy right now."sabi niya sa akin kaya napatango akong nakatulala pa rin sa isang tabi.
"She's not happy because you don't even want to eat your favorite food when she sacrifice herself so you can do so. She's not happy not because she died because of you, she's unhappy because you choose to forget the things that should remember forever."sambit niya sa akin kaya hindi ko mapigilang matulala pa ulit ng dahil dito. Hindi ako nagsalita at tahimik lang na nakatingin sa paligid.
"If you're sad, you can just cry it out then act like it's normal again."sambit niya pa ulit sa akin. Kasabay ng pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ko ang pagkuha ko ng Ice cream. Akala ko tapos na ako sa kakaiyak dahil kahit anong gawin ko parang namamanhid na ang mga mata ko at hindi na marunong lumuha.
Lusaw na lusaw na ang Ice cream na iyon at halos wala ng lamig. Patuloy lang ang pagluha ko habang sumusubodito. Walang hikbi na maririrnig mula sa bibigko bagkus ay ang mata ko'y patuloy lang sapaglabas ng mga luha. Hindi komaiwasang maiyak. Lalo na ng makita ko si Timothy na sinamahan ako sa pagkain ng lusaw na lusaw na Ice cream.
Ni parehas lang kaming tahimik habang patuloy na inuubos ito. Walang ni isang nagsasalita sa amin. Tahimik lang kami parehas, hindi na siya nagsalita pa at sinamahan lang ako.
Nanatili pa kami doon ng ilang oras at hindi man lang nagtangka si Timothy na iwanan ako. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya na pinagmamasdan lang din ako. Hindi ko maiwasang mairita sa sarili dahil bigla bigla na lang akong umiyak sa harap nito.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...