Chapter 16

377 24 1
                                    

Rebel’s POV

“Dang! Wala ba kayong mga mata?”inis kong tanong sa mga estudyanteng basta na lang lagay ng lagay ng kani-kanilang mga pinaglumaang gamit. Pinagtaasan naman ako ng kilay ni Timothy kaya naman agad akong napaiwas ng tingin at napanguso na lang. I’m stuck here being Timothy’s fucking assistant. Hindi ko nga alam kung assistant pa ba ito o utusan niya na lang talaga.

Simula kasi noong nahuli niya akong nagnanakaw ng answer key sa office ng mama niya ay may pinirmahan kaming kasunuduang dalawa na lahat ng sasabihin nito ay gagawin ko kapalit ng hindi niya pagsasabi sa mama niya. Binantaan pa ako nito na maari na ring makaabot ito sa sa pulisya dahil this is aactually serious crime. Hindi ko alam kung paano niya ako nagawang papirmahan sa nagawang kasunduan ngunit may parte sa sarili ko na walang pakialam kung malaman man ng iba at kung ano mang mangyari sa akin but a part of me wants to stay here at siguro dahil na rin sa takot na nakikita sa kanyang mga mata na tila dugo ang kakalat kung hindi ito susundin.
“Bring that in the student council room.”utos niya sa akin. Aba’t ang sungit! Tumango naman ako at unti-unting binuhat ang karton na siyang punong puno ng mga damit.

“Rebel! I’ll give you a hand.”sambit ng kararating lang na si Trex.

“Thanks.”sambit ko at nakipagtlungan sa kanya.

“De vera.”madiin ang pagkakasabi ni Timothy ng pangalan nito. Kitang kita din ang pagsimangot ng mukha nito.

“Hayaan mo siya diyan. If you want to help us, buhatin mo na lang ito.”turo niya sa mga laruan na mabibigat.

“Paano kung hindi naman kayo ang gusto kong tulungan?”tanong naman ni Trex. Tinignan naman ako ni Timothy na tila inuutusan ng umalis. Masama naman ang loob ko na naglakad papalayo kahit na kayang kaya ko naman talagang buhatin itong mga damit na nasa karton pero para bang gustong gusto ako nitong pahirapan.

“Medyo mabigat ahh.”natatawang sambit ni Trex na sumasabay na sa akin ngayon sa paglalakad. Buhat buhat niya pa rin ang mga laruan na nakakarton din.

“Make it faster!”iritadong sambit ni Timothy at dumaan pa sa gitna namin buhat buhat ang dalawang kahon ng mga shorts at pagkain. Napairap na lang ako sa pagmamadali nito. Halos matapon pa ang mga damit dahil sa pagbunggo niya sa akin. Nilingon niya ako ng muntikan ng maout of balance, nakitaan ko ng pagkaguilty ang mukha nito ngunit agad ding nawala at napalitan ng inis. Hinawakan naman ni Trex ang kamay ko at tinulungan akong tumayo.

“Ayos ka lang?”tanong niya.

“Oo.”sambit ko at hindi na kinailangan pang hawakan ang kamay niya dahil kayang kaya ko naman tumayo ng wala ang suporta nito.

Nagpatuloy lang kami sa pagdadala ng mga gamit sa student council. Medyo gumaan naman ang loob ko kay Trex dahil ang dami niyang kwento. Kwelang kwela ito. Hindi ko nga alam kung bakit ako nito palagi na lang gustong tulungan ngunit may bumuo na agad na paghihinuha sa aking isipan dahil kahit paano naman ay may mga sumubok ng pumorma sa akin. Yun nga lang ay hindi ko sinubukang patulan o ano pa man.

Nang makapasok kami sa loob ay agad bumungad ang nakangiting nakikipag-usap na Timothy sa mga student council na nasa loob ngunit ng makita ako ay agad nawala iyon at agad napalitan ng simangot na mukha nito tila ba kapag nakikita ako nito ay agad na kumukulo ang kanyang dugo sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapakibit na lang ng balikat at inilapag ang karton sa lapag.

“You can go now, De vera. We’re going to pack up. It was for Student council to handle.”malamig na utos nito kay Trex.

“Tara?”tanong sa akin ni Trex. Tumango naman ako at sumunod ng naglakad palabas ngunit agad akong pinigilan ni Timothy.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon