Chapter 6

504 25 0
                                    


Rebel's POV

Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo ng biglang humagalpak ng tawa si Jace sa akin. Hindi na tuloy nawawala ang tingin sa amin ng mga tao.

"Ang funny mo talaga, Rebel"natatawang saad ni Jace sa akin na hindi pa rin nawawala ang tawa sa mukha. Si Timothy naman ay hindi din maiwasang mapangisi. Hindi ko mapigilang sumama ang tingin sa kanila.

"What I mean is akin na iyong panyo"natatawang saad ni Jace na hindi na nawawala ang ngisi mula sa kanyang mga labi. Tahimik ko lang na iniabot iyon, ni walang kangiti ngiti dahil nasira na ang tanghali ko dahil sa kanila. Naging seryoso na rin tuloy sila. Tinapos ko na ang pagkain ko at agad ding umalis doon dahil may tawag akong natanggap sa phone ko. Agad akong napakunot ng noo ng makita kong si Lindon iyon.

"Hello?"tanong ko pagkasagot pa lang ng tawag. Naglakad ako patungo sa ibang parte ng school.

"Bel.."nag-aalinlangan na pagtawag niya sa pangalan ko.

"What?"tanong ko pa sa kanya.

"Kasi.."hindi nito matuloy tuloy ang kanyang sasabihin.

"Diretsahin mo na kaya, Lindon?"hindi ko maiwasang sambitin dito na nakakunot noo na.

"Si Mama kasi, Bel, sinugod nanaman sa hospital. Gusto ko lang sana manghiram sayo.."sabi nito na tila nahihiya na sa akin.

"Saang hospital?"hindi ko maiwasang itanong at hindi nanaman mapakali. Sinabi niya naman kung saan iyon.

"Pupunta ako diyan mamaya. Ibenta mo na iyong motor ko. Hindi ako makakaalis sa school ngayon dahil paniguradong malalaman ito ni Daddy."sabi ko sa kaniya.

"Bel, hindi naman na kailangan, Alam ko naman na mahal na mahal mo iyong motor mo. Manghihiram lang talaga ako ng kahit pangkain kain lang dito sa hospital. Raracket naman ako mamaya."sabi niya sa akin.

"Ibenta mo na nga kako. Hindi naman para sayo iyan, para kay Tita."hindi ko maiwasang sambitin na kinakabahan sa racket na sinasabi nanaman nito.

"Huwag mo ng subukan pang gawin yang kung ano mang racket niyo nina Christian. Ako ng bahala."sabi ko pa sa kanya.

"Pero, Bel, magkaibigan lang tayo pero hindi mo kami kailangan saluhin sa ano mang problema na kinakaharap namin."sabi niya pa.

"Yun na nga diba? Magkakaibigan tayo! Ibenta mo na!"hindi ko maiwasang pag-initan ng ulo at pinatay na ang call.

Hindi ko mapigilang pumunta sa rooftop kung saan walang makakita sa akin. Nilabas ko ang yosing palaging nasa bulsa ko. Ito ang nakakapagpakalma sa akin kapag ganitong hindi ako mapakali. Ayaw kong pumunta sa hospital, maraming ala-ala na pumapasok sa akin doon pero gusto ko rin namang alagaan si Tita.

Sisindian ko pa lang ang yosi ko ng biglang may humablot nun pati ang iilang nasa bulsa ko ay nakuha niya. Isama mo na rin pati ang lighter. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo at samaan ng tingin kung sino man ito. Agad kong nakita na si Timothy nanaman iyon.

"Hindi ka lang pala tarantado, Trinidad, mabisyo din pala."sabi niya na napailing pa sa akin. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga at tinulak ito upang makaalis na ako dito ngunit hindi ako nagtagumpay doon dahil talaga namang nakatingin lang siya sa aking masama.

"Oo na, alam ko na yan!"iritado kong saad na tinulak pa siya palayo sa akin ngunit hindi ko iyon nagawa dahil di hamak na mas malakas ito.

"I'm still talking with you, Trinidad."sabi niya sa akin at hinila pa ako palapit sa kanya.

"What?!"galit kong tanong.

"Ikaw pa itong may ganang magalit. You're the one who likes breaking the rules para sabihin ko sayo."sabi niya sa akin.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon