Rebel's POV
"Uyy may bago ata o."rinig kong bulong ng isang babae sa kaibigan niya. Tahimik na ang hallway nila sapagkat anong oras na akong pumasok dahil late akong nagising at tinamad pa akong pumasok kanina kung hindi lang dumating ang tatay ko para magsermon. Tuloy tuloy na lang ako na naglakad patungo sa classroom kung saan ang room namin.
"Psst!"sigaw ng isang lalaki sa akin at hinarang ako. Nilingon ko ito, ganun din naman ang ginawa niya, nilingon niya ako ngunit tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiwi siya kaya hindi ko maiwasang mairita at mainis.
"What are you even wearing?"sabi niya na napangiwi.
"Damit?"tanong ko naman at napangisi sa sariling tanong.
"I know, but.."sabi niya at mas lalo pang ngumiwi na talaga naman nakakapang-insulto.
"Late ka pa."sabi niya at umiling iling sa akin. May hawak pa itong pamalo. Hindi ko tuloy alam kung estudyante ba talaga ito o ano. Lumapit pa ito ng konti sa akin kaya napaatras ako. Napatingala pa ako sa kanya dahil higit na mas matangkad naman ito.
"At yang piercing, naku, naku."sabi niya. He smiled nicely at me ngunit iritado ko siyang inirapan.
"Mag-uniform ka na rin, Miss. Bawal yang ripped jeans na ganyan."sabi niya sa akin at napailing iling sa akin.
"Mr. Ocampo, It's okay. First pa lang naman niya, hmm, bukas mo na lang pagalitan."natatawang saad ng isang guro na mukhang nakikita kaming dalawa na mukhang may hindi pinagkakaunawaan.
"Sige na, Jace, Ihatid mo na iyang si Ms. Trinidad sa room. Mukhang late na talaga siya."sabi nito at nginitian ako. Ilang araw lang kaya ang mga ngiting yan?
"Magrerecess na tsaka lang papasok."sabi ng katabi kong lalaki habang sinasabayan ako sa paglalakad. Napailing iling pa siya sa akin. Tinignan ko naman siya ngunit hindi ito nagpatinag at tinignan rin ako pabalik. Sa tingin pa lang nito ay nanghuhusga na, may talento pa na mang-inis sa pagngiwi niya. Inirapan ko siya at sinangga bago magtuloy tuloy sa paglalakad. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa niya sa akin. Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad, hinahanap kung nasaan ang room ko ngunit hindi ko pala talaga alam kung saan iyon.
Lumingon naman ako sa likod ko kung nandoon pa iyong pakilamero ngunit hindi ko siya nakita sa likod ko kaya napasimangot na lang ako na sumilip sa mga classroom.
"Psst."nagulat naman ako doon.
"Ayy puki."mahina kong saad sa sarili. Natawa naman sa akin itong lalaking to.
"Doon na ang room, let's go."sabi niya at ngumisi. Iritado naman akong sumunod sa kanya. Lumagpas na pala kami.
"Good morning, Miss."bati ng kasama kong lalaki sa teacher na nasa harapan at nagsisimula ng magturo. Yumuko lang ako hudyat ng paggalang.
"Good morning, Jace. And to you Miss Trinidad?"nag-aalinlangan nitong tanong. Tumango naman ako.
"Nalate ka ata? Ngayon lang sana iyan."sabi niya at binigyan ako ng makahulugang tingin. Hindi naman ako nagsalita at tumingin lang sa kanya.
"This is Rebel Trinidad. Be nice to her."sabi ng teacher na iyon.
"Mr. Jace, tabihan mo na lang iyan si Miss Trinidad."sabi nito.
"That's Rebel Trinidad? Parang familiar."rinig kong sambit ng isang babae sa gilid ko.
"Wait wait. Rebel Trinidad! Iyong step sister ni Dresy!"malakas na sigaw ng babae sa harapan. Kahit kailan ay mabilis talagang kumilos itong si Dresy. Napangisi akong umupo sa upuan ko. Nanahimik lang ako na sumubsob sa upuan ko. Kaya lang ay makakatulog na sana ako kaso nga lang may namato ng papel sa gilid ko. Inirapan ko si Jace na siyang pinagtataasan ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...