Chapter 33

386 22 0
                                    

Rebel's POV

"It suits you,"sabi niya at ngumiting pinagbuksan ako mg pinto.

"Ganda mo."sabi niya pa at lumapad ang ngiti.

"'Yan ang date ni Rebel, gwapo no?"napatingin naman ako kay Dresy na nakasunod pala sa akin kanina. Nagvivideo pa rin hanggang ngayon. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginitian lang ako nito ng malapad.

"Let's go."sabi ko kay Timothy dahil nga nagulat na lang siya na may nagvivideo pa. Tumango naman siya at pumasok na sa kotse niya.

Kasama rin namin ngayon ang ilang volunteers sa school pati ang officers, may pa event kasi sila ngayon kaya madami daming activities ang magaganap.

"May wipes ka?"tanong ko sa kanya.

"For what?"tanong niya naman pabalik. Tinuro ko lang 'yong mukha ko na may make up. Tinantiya niya lang ang tingin ko bago binigay ang wipes niya na nasa gilid.

"Thanks,"bulong ko at inalis ang make up kahit konti lang naman 'yon, hindi ako kumportable e.

Nang makarating kami sa orphanage ay agad kaming sinalubong ng ilang officers.

"Good morning, Pres, late ka ahh?"nakangiting saad ni Heart sa kanya. Napatikhim naman si Timothy. Kasalanan ko kung bakit kami late ngayon.

"Wow, may kasama pala si Pres."nakangiting sambit ni Jace kaya napatingin sila sa akin.

"Ang ganda mo!"malakas na sigaw nito at lumapit pa kaya lang ay hinila na siya ni Timothy para umalis kaya napatawa ako sa kanya.

"Bagay mo,"nakangiting saad ni Mira sa akin. Napayuko na lang ako dahil hindi ko naman kasi gustong magsuot ng ganito. Hinila ako nito patungo sa loob.

Nagsisimula na rin pala silang magpaint, ang mga nagbabantay ay ang mga volunteer. Kumaway sa akin si Trex na nagvolunteer din pala. Tinanguan ko lang siya.

"You know that guy, Ate?"tanong sa akin ng batang si Lara.

"Hmm,"sabi ko at tumango sa kanya.

"Bait niya po."nakangiting sambit nito. Ngumiti naman ako sa kanya at tinitigan ang drawing niya. Mas magaling pa itong magdrawing kaysa sa akin. Nginitian niya naman ako nang makitang nakatingin ako sa drawing niya.

"Maganda ba, Ate?"tanong niya sa akin. Ngumiti ako at kinurot pa ang pisngi nito dahil ang taba taba at ang sarap panggigilan.

"Grabe naman 'yang pangtotorture mo sa bata, Rebel."natatawang saad ni Trex na lumapit sa akin.

"Kung ikaw kaya ang torture-in ko?"tanong ni Mira kay Trex na hinila pa ito para dalhin sa malayo. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Ang ganda ganda mo ngayon, Ate."sabi sa akin ni Lara na sinang-ayunan naman ng katabi niyang si Lino.

"Ngayon lang?"tanong ko sa kanila na pinanliitan sila ng mga mata.

"Mas maganda po ngayon."nakangiting sabi ni Lara. Mas lalo namam akong napangiti. I tapped her head a little bit saka ako lumayo sa kanila para tignan naman sina Ana sa kabiang parte. Seryosong seryoso ang mga ito kasama nila sina Lito pati ang ibang batang babae.

"Ate!"masayang tawag sa akin ni Ana.

"You looked different today."pagpuna niya sa akin.

"Sus,"natawa lang ako.

"Look, I draw you, Ate!"nakangiting saad niya. Hindi ko naman maiwasang matuwa dahil doon, parang naging kapatid ko na kasi talaga si Ana, linggo linggo ay pumupunta kami sa orphan, paminsan minsan ay tumutulong sa paglilinis at paminsan minsan ay nakikilaro sa kanila.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon