Chapter 14

398 25 2
                                    


Rebel's POV

Iritado akong napabuntong hininga at pinunasan ang butil ng pawis na tumutulo na sa noo ko. Iritado pa akong napatingin sa mga yabag ng paa na sa aking palagay ay talagang sinadya nilang ibakas. Kinuha ko ang map at patuloy lang na nililinis ito. Ni hindi ko ng alam kung bakit ko pa rin ito ginagawa.

"Hello, Bel?"tawag ni Lindon sa akin.

"Oh?"kahit sa kabilang linya, palagay ko ay nababakas nila ang inis sa tinig ko.

"Luh.. Naistorbo ka ba namin?"tanong nito.

"Oo, dali, ano ba iyon?"tanong ko pa.

"Well, susunduin ka namin mamaya ahh."sambit niya. Napaisip naman ako doon dahil hanggang alasais ang paglilinis ko ng mga cr sa school.

"Hindi na. Ibababa ko na."sabi ko ng makita ko si Sam na kanina pa pabalik balik sa mga cr na nililinisan ko. Agad naman siyang nagulat ng makita ako. May dala pa itong mga tissue at papel sa kamay. Napangisi naman ako ng medyo natakot siyang napaatras ng mapatingin ako sa hawak niya.

"Sam, meron pa akong pinunit na mga papel sa mga notebook ng kaklase natin. Ilalagay mo ba ulit sa bowl?"sambit naman ng kaibigan nito na papasok pa lang sa cr. Gulat din itong napatingin sa akin. Parehas pa silang natigil ni Sam sa pagpasok kaya ako na mismo ang lumapit sa kanila.

"Go on.."sabi ko at ngumising nilagpasan sila upang lumabas.

Napatingin naman ako kay Timothy na siyang napadaan sa may cr ng babae. Mas lalo namang lumawak ang ngisi ko.

"Hey, Trevor, ano naman ang parusa kapag nahuli mong sinasadyang dumihan ang mga facilities ng paaralan?"tanong ko ng nakangisi. Napatingin pa ako sa gilid ng mga mata ko ng makita ko ang paninigas ng katawan ng dalawang babaeng nasa likod ko.

"Well, syempre doble doble sa ginawang kasalanan. Bakit may ginawa ka nanaman ba?"tanong niya sa akin ngunit natawa lang akong umiling.

"Why don't you ask these girls.."sambit ko at tinuro sina Sam na unti-unti ng napaharap. Tumayo naman ako sa gilid habang hawak hawak ang balde at ang mop. Hindi ko naman pinansin ang mga mata ng mga ito na halos patayin na ako sa sobrang sama kung tumingin. Napakibit lang ako ng balikat at lumagpas na sa kanila dala-dala ang balde ko.

May iilang estudyanteng napapatingin sa akin. Ilang araw ko na itong ginagawa ngunit parang hindi pa rin sila nasasanay sa akin. Tagaktak na ang pawis ko. Hindi ko alam kung pagiging estudyante ba talaga ang pinasok ko dito o pagiging janitress ng school. Sinubukan kong lumiban noong nakaraang araw para takasan ang parusa ko ngunit ang hampas lupang Timothy na iyon ay mas lalo pang dinagdagan. Ni hindi nga nila pinarusahan si Sam dahil napakagaling umarte.

"Want me to help you, Trinidad?"tanong ng isang sigang lalaki na siyang kahapon pa ako tinatanong kung gusto ko ba ng tulong niya.

"Kung gusto mong manilip ay manilip ka na lang hindi mo na kailangan magpalusot na tutulungan ako sa paglilinis."sambit ko at napailing na lang dito. Nagtawanan naman ang mga tropa nitong nakikinood lang sa sa amin. Isa-isa niya iyong binatukan. Inagaw niya pa ang balde.

"Hatid na lang kita doon.."sambit niya naman at ngumiti pa sa akin. Katunayan ay gwapo ito ngunit alam ko ang ganitong mga mukha. Parang mukha ni Sebastian, mukhang babaero.

"You don't have to do that, De vera. Mas malakas pa sa kalabaw yang tinutulungan mo."sambit ng isang baritonong boses mula sa likod. Alam ko na agad kung sino iyon base palang sa mamahaling pabango nito na para bang kilalang kilala na ng ilong ko.

Sabay naman kaming napatingin ni De vera dito. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa sinabi nito ngunit pinili ko na lang na hindi pansinin.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon