Rebel’s POV
“Do you need help?”tanong ni Jace sa akin dahil ang daming pinapabuhat sa akin ni Timothy. Inilingan ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Nandito kami sa orphanage ngayon kung saan namin ipapamigay ang mga gamit na nakolekta sa school. We’re also volunteering here for a week. Tutulong sa orphanage. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ako ngayon.
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad buhat buhat ang mga damit at iilang gamit ni Timothy samantalang ang dala lang nito ay isang notebook at chinecheck mabuti ang mga karton kung may kulang ba o wala. Blanko lang ang mukha ko habang naglalakad papasok hanggang sa may dalawang batang nagtatakbuhan at nabunggo ako noong mas batang babae. Tinignan ko ito ng walang kangiti ngiti ang mukha. Mukhang natakot ito sa akin kaya bigla na lang umiyak. Napalingon tuloy si Timothy sa akin at sinamaan pa ako ngh tingin.
Nilapitan niya ang bata habang ang mga matatalim na mga mata sa likod ng salamin nito ay nakatingin sa akin na wari’y kasalanan ko kung bakit umiiyak ito. Dang! Wala pa nga akong ginagawa at umiyak na ito. Nanghuhusga tuloy ang tingin ng mga officer sa akin at may ilan pang nagbulungan ngunit hindi ko iyon pinansin. Kusa na lang umikot ang aking mga mata dahil sa iritasiyon.
“What did you do?”mariing tanong ni Timothy habang nakatingin sa akin. Tinalikuran ko siya dahil hindi din naman niya ako papaniwalaan kung sasabihin kong wala akong ginawa dito. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papasok ng orphanage dala dala ang mga gamit at damit.
Hindi ako sinundan ni Timothy dahil paniguradong inaalo niya pa ang batang babae. Naupo na lang ako sa upuan na malapit sa mini stage na ginawa nila para sa araw na ito.
“Pati ba naman bata ay pinapatulan mo na ngayon?”mariing tanong ni Timothy na kakagaling sa labas. Alam kong mainit na ang mga mata nito sa akin simula noong sinubukan kong magnakaw ng answer key pero kailangan ba talagang pagbintangan ako nito kahit hindi pa alam ang totoo. Pero hindi naman na din ako magtataka doon dahil noon pa lang wala ng nagtitiwala sa akin siya pa kaya? Pare-parehas lang naman talaga sila. Napangisi na lang ako sa sariling isipan at hindi pinansin ang tanong nito. Mas lalo pa siyang nairita dahil sa hindi ko pagsagot ngunit mas lalo ko pa siyang ininis at sinubukang tumayo ngunit agad niya akong hinila pabalik.
“Timothy..”pagtatawag ng isang madre kay Timothy. Nagbago naman ng konti ang mood nito at ngumiti ng konti.
“Sister, kamusta na po?”ngiting tanong nito at tumayo sa pagkakaupo upang magmano. Tinignan niya naman ako, bumalik ang masamang tingin nito. Sinenyasan pa akong magmano. Napairap ako bago sinunod ang gusto nito.
“Hello..”sagot ko ng may biglang tumawag sa akin.
“Hoy!”tawag ni Sebastian sa akin.
“What?”tanong ko sa kanya.
“San ka?”tanong niya sa akin pabalik. Sinabi ko kung nasaan ako ngayon, hindi naman ito nagsalita sa kabilang linya kaya medyo nagtaka ako doon.
“Why? You’re going to borrow my car or going to borrow money?”tanong ko.
“Both.”natatawang sagot niya naman.
“Yung kotse ko lang mapapahiram ko. Kunin mo yung susi sa may ibabang paso tapos yung kotse nasa bahay. Ewan ko lang kung paano mo iyon maitatakas.”natatawang sambit ko dahil naiimagine ko ang itsura nila ni Daddy habang nagtatalo.
“Easy shit.”mayabang na saad nito kaya napatawa ako ng mahina.
Binabaan ko ito ng tawag dahil sinesenyasan na ako nina Jace na lumapit sa kanila. Samantalang si Timothy ay busy pa rin sa pakikipag-usap sa madre. Nilagpasan ko siya ngunit hinila niya ako palapit sa kanya kaharap ang madre.“This is Rebel po, She volunteer herself to help po, Sister.”sambit ni Timothy at tinignan ako na tila ba nagbabanta na maling galaw ay buhay ang kapalit. Napairap pa ako dahil sa sinambit nito. YOU VOLUNTEER ME, IDIOT! Binigyan ko din ito ng masamang tingin.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
Storie d'amoreRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...