Chapter 18

371 23 1
                                    

Rebel’s POV
“Good morning po, Sister.”bati ng mga officer sa mas nakakatanda na madre, iyong kausap ni Timothy kagabi. Si Sister Lita at nakakabata naman ay si Sister Maricar.

“Good morning din sa inyo.”nakangiti nitong saad. Nilingon pa ako nito at ngitian ngunit tumango lang ako at hindi binalik ang ngiti nito. Tahimik lang akong nagwawalis habang sila ay nagkukwentuhan.

“Rebel, Dust pan.”tawag ni Timothy. Ibingay ko lang iyon sa kanya. Inutusan pa ako nitong tumulong sa pagdudust pan ng kalat na nawalis niya. Napailing nalang ako dahil kayang kaya niya namang gawin iyon.

“Girls, kayo na magluto, kami na ang bahalang magtuloy dito.”sambit ni Jace sa amin. Nagsitanguan naman sila. Susunod na sana ako kaso biglang nagsalita siTimothy.

“Babae ka ba?”nakangising tanong niya. I cursed at him kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. Ibinalik ko lang iyon sa kanya.

Napatingin sa akin ang mga officer na tila ba nagulat sa pagsunod ko. Pinagmasdan ko silang tumalikod sa akin at hindi na ako pinansin. Nang makapasok kami sa kusina ay nandoon na si Sister Maricar at mukhang nagsisimula na itong magluto.

“Good morning, Sister. Tulungan na po namin kayo.”magalang nilang saad.

“Naku, Salamat.”sambit nito ng nakangiti.

Simple lang nilang tinuro sa akin ang mga hihiwain na tila ba sinasabi na iyon ang gawin ko. Tumango lang ako at sinimulan na iyong gawin. Hindi ko mapigilang sulyapan sila ng magkasiyahan ang mga ito. In my entire life, hindi pa ako nagkaroon ng kaibigang babae palagi ay sina Sebastian ang kasama ko noon. Hanggang sa lumipat sa bahay nina Daddy ay hindi pa rin nabago iyon. Maybe it’s not really for me. Kontento naman ako sa mga kaibigan ko, kasundo sa bawat hilig ko.

“Ang tahimik mo naman.”nakangiting bati sa akin ng madre. Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya hindi na lang nagsalita. Magsasalita pa sana ito kaya lang ay biglang nagising ang mga bata at nilapitan siya.

“Good morning, Sister Maricar.”Nakangiti ang mga ito habang bumabati.

“Good morning..”nakangiti ding sambit ng madre.

“Osiya sige, doon muna kayo maglaro at nagluluto pa sina ate, okay?”napasunod niya ang mga ito at simpleng nagsitanguan.

Nang matapos kaming magluto ay inihain namin ang mga pagkain na iyon sa malaking lamesa nila sa labas. Masayang nakatingin ang mga bata sa mga pagkain na nasa hapag.

“Tawagin ko na sina Timo.”sambit ng isang officer at tumungo na sa labas.
Maya-maya lang ay nagsipasukan na ang mga ito. Katulad ng dati ay pinangunahan nila ng dasal ang pagkain. Napatingin naman ako kay Ana na tahimik lang din sa harap ko. Nagsimula naman na kaming kumain. Hindi ko maiwasang sulyapan ito. Tahimik kong nilagay sa kanya ang ulam na nasa pinggan ko. Napatingin tuloy sa akin ang mata nitong itim na itim, gumalaw ang mapupulang labi ngunit hindi pa rin nagsalita.

Mababakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi ako nagsalita at bumalik na ako sa pagkain.
Nagtatawanan sila ngunit parehas kaming hindi nakikisali. Hindi ko ring maiwasang maalala kung gaano ako katahimik ng dumating sa bahay ni Lola. Nakakatakot ang ganoong pakiramdam na kahit gustong gusto mong magsalita walang lumalabas na tinig mula sa iyong mgalabi.

Nang matapos kumain ay tumulong ako sapagliligpit ngunit umalis na din agad para maglakad lakad. Habang papalabas ng bahay ampunan. Hindi ko maiwasang mapatingin sa dalawang batang babae na nag-uusap.

“Parehas silang nakakatakot no?”tanong noong isa.

“Oo nga e, Kaya siguro gusto siya noong ateng masungit.”sinagot naman siya ng kasama.

“Huwag natin silang bati.”sambit pa nito.

Napatingin naman ako ng makita kong nilapitan nila si Ana na tahimik lang na nakaupo sa may gilid. Nilingon sila ni Ana. Nagpamewang pa ang mga ito.

“Oyy Ana na pipi.”

“Hindi ka namin bati”

Hindi na ako nakatiis doon at lumapit. Tinignan ko ang dalawang batang babae. Wala pa akong sinasabi ay nakitaan ko na sila ng takot sa mukha at sinubukan nilang pigilan ang sariling umiyak ngunit hindi nila iyon napigilan kaya malakas na pag-iyak ang maririnig mula dito sa loob ng bahay ampunan.

Napatingin naman ako ng nagsilabasan ang mga kasama kong officer mula sa hapag at ang madre. Kitang kita naman nilang nakatayo ako doon at nagsitakbuhan ang mga ito na tinuturo ako.

“Pati ba naman bata pinapatulan.”iritasiyon ang nakita ko sa mukha ng mga officer.

Naglakad ako palabas ng hindi pinapansin ni isang mga salita galing sa kanila. Tahimik ang buong paligid na nakakarelaks sa pakiramdam. Hindi ko na kailangan pang manigarilyo paa kalmahin ang sarili. Nagulat ako ng may humawak sa laylayan ng damit ko ngunit mas nagulat ako ng makita ko si Ana na nakatingala sa akin. Tinignan ko lang ito na may pagtataka sa mukha.

“Thankyou..”mahina lang iyon ngunit natitiyak ko na galing sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ko at talagang nagulat sa kanya. She had a voice of an angel!

“You talk!”bulalas ko ng hindi makapaniwala.

“I did..”sambit nito at matipid na ngumiti. Makikitaan ko din ng luha mula sa mga mata niya. Umupo ako paharap sa kanya.

“Come here..”saad ko at nilahad ang sarili para sa isang mahigpit na yakap. I know what she need. Ito iyong kailangan ko nang mga  panahong pakiramdam ko ay tinalikuran na ako ng mundo. Limang tao ang yumakap sa akin at kahit paano ay nawala ang sakit nararamdaman. Maybe she also need that.

Yumakap siya sa akin at naririnig ko ang malakas na paghikbi nito. Hinagod ko ang likod niya at mas lalo pa siyang umiyak. Iyak lang ito ng iyak. Tila ba binuhos ang iyak na matagal tagal ng iniinda.

“My mom..dad..They are gone..”paiyak nitong saad na tila sa dalawang buwan na iyon ay ngayon lang nasambit ang tunay na nararamdaman.

“Shh.. Everything will be alright..”saad ko at hinagod pa rin ang likod nito. Maybe she’s not really a tiger. She’s a cat that need someones care.

“I want them back..I want my family back, the happy Ana, Our house, little Recto, My friends.”iyak ito ng iyak at hindi pa rin nagsasawa. Hinayaan ko lang siya na umiyak sa akin habang tahimik lang ako na nakikinig sakanya. Nang kumalma siya ay parehas kaming naging tahimik nanaupo sa gilid.

“Thankyou for letting me use your shoulder..”sambit niya sa akin. Nilingon ko siya at matipid na nginitian.

“You know what? Hindi talaga lahat ng bagay ay nangyayari sa gusto nating paraan but you have to live with it.”sambit ko sa kanya.

“Maybe you can find another family here. Hindi man kasing saya tulad noon but eventually masasanay ka din.”turan ko pa habang siya ay nakikinig lang at napapatango.

“Baka mahanap mo yung mga taong mag-aalaga sayo sa gusto mong paraan. Sa ngayon, maging masaya ka kung anong meron ka.”saad ko pa. Tumango ito at nanatili lang sa malayo ang tingin.

Natahimik naman kami pareho habang ang naririnig lang ay ang mga huni ng ibon. Parehas kaming napatingin ng biglang lumapit ang dalawang batang babae kasama si Sister Maricar at Timothy.

“Sorry, Ana..”sambit nilang parehas. Nilingon naman ako ni Ana na hindi alam ang gagawin.Matipid ko siyang nginitian.

“It’s okay..”mahinang sambit nito. Nanlaki ang mata nila pwera lang kay Timothy na pinagmamasdan lang kami.

“Si Ana ba yun, Sister?”nanlalaki ang matang tanong ng dalawa sa madre na hindi pa rin makapaniwala.

“Sister?”hindi makapaghintay na tanong ulit ng mga ito.

“It’s me and I said that It’sokay.”saad naman ni Ana na tumango pa.

“Wow, Englisher pala si Ana!”sambit ng isang batang babae sa kaibigan nito.

“Oo nga! Naku, hindi rin pala natin siya maiintindihan kung gusto natin siyang makalaro!”turan naman ng isa at napatingin pa sa kaibigan. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga ito.

“Nagtatagalog ako.”nahihiyang saad ni Ana at nilingon ulit ako.

“Play with them..”bulong ko sa kanya dahil baka sakaling mas lalo pa siyang magimprove.

“I don’t know how to play their games, Ate Agnes.”saad niya sa akin. Medyo nagulat naman ako doon. Hindi sa dahil hindi ito marunong ngunit dahil alam niya ang pangalan ko.

“How did you know my name?”tanong ko. Ngunit hindi niya sinabi at ngumiti lang sa akin.

“Sama ka sa amin, Ana. Laro tayo! Paniguradong matutuwa sina Dany!”masayang sambit ng batang babae.

Mahina ko namang tinulak si Ana para sumunod sakanila. Tumango pa ako sa kanya tila sinasabing sumama siya. Nahihiya naman itong sumunod sa dalawang bata dahil parehas siyang hinila ng mga ito.

Si Sister Maricar namanay tila tiyaka lang nakarecover ng paalis na ang mga bata sa harap niya. Nilingon niya ako at agad na nilingon ang mga bata, sumunodito sa mga iyon.

“Stay here.”seryosong saad ni Timothy. Napairap ako ng naiisip na pagbibintangan nanaman ako nito napinatulan nanaman angmga bata. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ako gumalaw at nanatili lan sa dating pwesto.

“Ano? Sisisihin mo nanaman ba ako?”iritado kong saad sa kanya.

“It’s not like that. I just want to say sorry for what I’ve said yesterday. Tiyaka pagpasensiyahan mo na din iyong mga officer.They don’t know what happened kaya ganoon.”sambit ni Timothy sa akin.

“Sorry kung napagbintangan ka namin. Nakita ko ang nangyari at sinabi din naman ng dalawang bata ang totoong naganap kaya you don’t have to worry about anything.”turan niya pa. Napanguso siya ng walang marinig na salita galing sa akin.

“Sana kasi pinagtanggol mo ang sarili.”mahinang bulong niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Aba’t sinisi pa ako!

“Ano naman kung ipagtanggol ko ang sarili? Do you think may maniniwala sa akin? Wala! Sasayangin ko lang ang laway ko sa mga taong sarado ang tainga para makinig!”inis kong sigaw sa kanya dahil sa iritasiyon.

“Ako! Maniniwala na ako..Simula ngayon magpaliwanag ka lang ng totoo, paniniwalaan ko!”mabilis niyang sambit na seryoso ang mga mata habang nakatingin sa akin. Gustong gusto kong maniwala. Sana totoo.

Parehas kaming natahimik ng dahil doon, natahimik siya siguro dahil nabigla sa sinambit ngunit natahimik naman ako dahil ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano nga bang nangyayari sa akin dahil hindi naman ako naniniwala sa pag-ibig. Hindi naman ako naniniwala na may pagmamahal na nagtatagal. Panandalian lang ito na kapag nagsawa ay agad na bibitawan. Siguo ganoon ang nararamdaman ko ngayon.

“I saw how you care about Ana.”saad niya sa akin.

“She me reminded me of myself.”hindi ko mapigilang sambitin at napatango sa kanya. Natahimik naman ito ngunit agad na napatingin sa akin.

“Nakita ng dalawang mata ko kung paano namatay ang mama ko. Namatay siya ng dahil sa gutom dahil lahat ng pagkain na kasiya lang sa isang tao ay ibinibigay lang niya sa akin, para mabuhay ako. Pero tangina naman...Sana hindi na lang akoiyong nabuhay sa aming dalawa.”mapait pa akong natawa habang nagkukwento sa kanya. Hindi ko alam kung bakit inilalahad ko sa kanya ang pangyayari sa buhay ko but the way he looked para bang mapagkakatiwalaan siya ng mga sikretong hindi na dapat pang malaman ng iba.

“But you know what the worst scenario is? Ang papa ko ang may pakana ng lahat.”mapait kong saad at naalala ang mukha ng kriminal na iyon.

“Bunga ako ng pagkakamali ng mama ko na sana hindi na lang nangyari kasi tangina paulit ulit na lang na pinapaalala sa akin na wala naman talagang gustong mabuhay ako.”kita ko ang pagtingin niya sa akin. Walang luhang tumutulo sa mga mata ko siguro’y nabuhos na rin lahat. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait ng maalala ang pangyayari noon.

“Masaya kami noon, masayang masaya, mahirap lang kami pero hindi ko kailanman naisip iyon. Pero simula noong malaman ni Papa na hindi niya ako totoong anak? Nagbago lahat iyon. Yung masayang pamilya na mayroon ako, napalitan ng pighati bawat araw na nasa loob ako ng bahay na iyon na dati naman ay tinuturing kong tahanan. Hindi ako makalabas ng bahay dahil kinukulong kaming dalawa ni mama ni papa.”nagpatuloy ako. Hindi nawawala sa aking boses ang mapait na tinig.

“Tangina, ganoon ba talaga kalala ang pag-ibig? They were going to lock you just to be with you. Kapag mahal mo hindi mo na ba talaga kayang pakawalan iyong tao kahit hindi na masaya? Ang sakit sakit na makita si Mama na umiiyak gabi gabi dahil mahal na mahal niya si papa na handa siyang tanggapin ang galit nito. At ang papa ko? Galit na galit ako sa kanya dahil iniwan niya ako ng mawala si Mama.”saad ko at kitang kita ko ang mga mata ni Timothy na tila ba nakikinig pa rin sa akin.


Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon