Timothy's POV
"Ang ganda no'ng transferee, Insan."sabi sa akin ni Jace. Nakita ko naman na ang mukha no'n dahil sa papers niya. Hindi ko pinansin ang pinagsasabi ni Jace dahil abala sa pagdidisiplina ng ilang estudyanteng ayaw sumunod sa panuto ng school.
"Kaso mukhang pasaway, 'yong piercing niya, ayaw alisin! Tapos ang dami pang abubot sa katawan, may kulay pa ang buhok, tapos 'yong suot niya pa, Insan, grabe, paniguradong kapag ikaw ang makakakita, makukunsumi ka na agad."natatawang sambit niya.
"Ganyan naman lagi ang case dito ahh? Ano pa bang bago?"nakangisi kong sambit dahil halos lahat ata ng barumbado ay dito tinatransfer ng mga magulang nila para lang madisiplina.
Katulad nga ng sabi ni Jace, unang kita ko pa lang dito ay talaga namang makukunsumi na ako. Ang buhok nito ay kulay abo na bumabagay naman sa kanyang mukha kaya lang bawal ang ganitong kulay ng buhok sa school na ito. Napatitig pa ako sa piercing niya at sa mga mata nitong tila makakapatay sa tingin niya lang.
Pasipa sipa pa ito kaya natamaan ako ng maliit na bato, mukhang nawawala nga ito katulad ng sabi ni Jace. Tinignan niya ako ngunit agad ding nagpamulsa at nilagpasan ako ngunit bago pa siya tuluyang makalagpas ay hinawakan ko na ito.
"Oopps, Hindi ka man lang ba magsosorry, Miss?"tanong ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama, bakit parang kasalanan ko?
Sa tagal ko siyang kinakausap parehas lang ang reaksiyon nito ngunit nang ibigay ko ang inumin na binili ko sa cafeteria, bahagya siyang nagulat. Napangisi naman akong napatalikod na lang.
"Teacher's pet?!"hindi ko makapaniwalang tanong sa sarili nang magawi ako sa cr.
"Hah!"I laughed sarcastically.
"That girl can really easily get on my nerves!"inis kong sambit na naghuhugas ng kamay habang nakatingin sa salamin. Napatingin naman ako nang makita ko si Jace na nasa likod ko, tuwang tuwa ito na nakikitang napipikon ako.
"Pulutin mo tutal ikaw naman ang nagkalat."sabi ko sa kanya nang sa inis niya ay sinipa niya ang basurahan na nasa gilid. Sa sobrang lakas ng pagkasipa niya ay talaga namang kumalat 'yon. Napangisi pa ako ng makita kong inis na inis siya sa akin habang pinupulot 'yon, ayaw pang maggloves.
Iritado siyang tinitignan ako, parang ang sarap sarap niyang asarin, konting konti na lang ay gusto na ako nitong patayin sa tingin niya ngunit kung gaano siya kabilis asarin, ganoon din siya kabilis mang-inis.
Wala man lang katakot takot itong ipinunas sa akin ang sauce na nahawakan niya. Nakakainis.
Sanay na sanay na ako sa mga barumbado dito sa school pero siya na ata ang pinakamalala sa lahat, walang katakot takot pa itong suwayin ako nang sinabi kong magbilad siya sa araw.
"You with the ash grey hair! Wala akong sinabing tulugan mo ang kantang ito!"sigaw sa kanya ng teacher namin sa music, napatingin naman ako sa kanya na mapapasarap na sana ang tulog. Wala talagang kinakatakutan ito.
Kusa na rin siyang lalabas kahit na wala namang sinasabing lumabas siya.
Nang kumanta siya ay hindi ko lang maiwasang mapatitig sa kanya. Ang boses nito'y mala-anghel na bumaba sa lupa kaya lang kabaliktaran naman ng pag-uugali.
Mariin ko siyang tinignan nang wala itong kaingat ingat na umakyat ng gate para lang pumasok sa loob. Tila ba wala siyang pakialam kung masaktan man siya. Inis ko siyang binuhat patungo sa kotse para ipabalik ang totoong kulay ng kanyang buhok ngunit hindi ko alam kung bakit agad akong naguilty nang makitang natahimik siya sa isang tabi.
"Ate, Saan na po 'yong babaeng kasama ko dito?"tanong ko sa babaeng nandito sa salon.
"Ano kasi, Timo, tinakasan kami, tumakbo paalis, hindi nagbayad."sabi nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Meeting Timo (Completed)
RomanceRebel Agnes Trinidad ang kinatatakutan ng school nila. She was hated mostly by her schoolmate dahil na din sa angking kasamaan ng ugali. Takot ang lahat dahil walang sinasanto.That was when her father decided to transfer her to another school. Uubra...