Chapter 32

368 23 0
                                    

Rebel's POV

"What the hell?!"malakas na sigaw ni Dresy. Napatakip naman ako sa ulo ko dahil sa kanya. Halos kakatulog ko lang dahil sa kanya tapos magsisigaw ito ngayon. Nilinis ko pa 'yong suka niya at hindi dapat ako maliligo ng buhok ngunit dahil sa kanya ay napaligo ako.

"What the fuck are you doing in my room?!"malakas niya pang sigaw na hinagisan ako ng unan.

"Shut the fuck up!"sigaw ko pabalik sa kanya at mas lalo pang tinakpan ang tenga dahil sa kanya.

Napatahimik naman siya kaya inaantok akong napatingin sa kanya. Mukhang narealize niya naman na nandito siya sa kwarto ko.

"What the hell am I here?"gulat niya pang tanong.

Napatingin naman kami nang may kumakatok mula sa labas ng kwarto. Nanlaki ang mata ni Dresy nang marinig niya na ang mama niya 'yon.

"Itago mo ako!"mahina at natataranta niyang sambit sa akin. Napangisi naman ako sa kanya, hindi naman kasi nila alam na nagpaparty ito araw araw kahit na minor pa lang naman.

"You said you'll be my Ate!"reklamo niya sa akin. Mukhang naalala na ang mga pangyayari kagabi, namumula pa ang mukha nito na mukhang nahihiya.

"I told you I'll be your sister pero hindi kita kukunsintihin."sabi ko na nakangisi pa rin sa kanya. Napatawa ako nang mas lalo pa itong nataranta.

"Fine,"sabi ko at napailing na lang.

"What is it, Tita?"tanong ko na hindi pa pinagbubuksan si Tita ng pinto.

"You should take a bath,"bulong ko kay Dresy. Nagmadali naman itong nagtungo sa cr. Pumwesto naman ako sa pinto para pagbuksan si Tita.

"Napansin mo ba si Dresy? Wala kasi siya sa kwarto niya, Saka hindi ka ba papasok?"tanong nito dahil anong oras na.

"Half day na po, Tita."sabi ko dahil kung kikilos pa ako ngayon ay 3rd period na rin naman ako makakapasok.

"Nandito po si Dresy, nagsleep over po siya kagabi, late na po kaming natulog kaya late na rin pong nagising."pagsisinungaling ko. Napakagaling talagang magsinungaling, Rebel.

"Talaga?"nanlalaki ang matang tanong nito.

"Ma?! Nandito po ako!"malakas na sigaw ni Dresy mula sa banyo. Mukhang imbis na mapapagalitan kaming dalawa ay masaya pa itong umalis sa harap ko.

"Bumaba na kayo maya-maya, Kumain na kayo."nakangiti nitong saad.

"Opo, Tita."sabi ko na lang at napatango.

Napailing na lang ako na inayos ang higaan ko pati ang hinigaan nito.

"Rebel!"malakas na sigaw nito mula sa cr, rinig na rinig pa ang tulo ng tubig.

"What?"tanong ko na nagpatuloy sa pag-aayos.

"Can you get my clothes, please."pagpapaawa niya naman. Hindi ko sinunod 'yon at kumuha na lang ng damit sa damitan ko dahil nakakatamad pumunta sa kwarto niya.

"What the hell is these?"maarteng tanong niya dahil jersey short 'yon saka comfy shirt.

"You're so baduy,"sabi niya pa.

"Ikaw na ang kumuha, napakadami mo ng perwisyong nadulot sa akin."sabi ko sa kanya. Hindi naman na siya nagreklamo at kinuha na 'yon.

Naghintay na lang ako sa kanya dahil ang tagal tagal niyang kumilos.

"Liar,"bulong niya sa akin habang inaayos ang kanyang damit.

"Do you want me to tell your mom the truth? That you passed out in my room because you were so drunk last night, hmm?"tanong ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. Napatikhim naman siya.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon