Chapter 34

346 23 0
                                    

Rebel's POV

"Bel! You'll come with us, right?"tanong sa akin ni Dresy na siyang kumakatok nanaman sa pintuan.

Hindi ko naman mabuksan ang pintuan dahil nasa cr ako at naliligo pa, hinayaan ko na lang siya na magsisigaw mula sa labas ng kwarto.

Nakatapis lang ako ng buksan ko 'yon dahil pakiramdam ko masisira na niya iyon sa lakas ng pagkakakatok niya.

"Omg! Hindi ka pa rin nakakapagbihis? Magsstart na ang misa!"sabi niya sa akin.

"Magbibihis na ako, umalis ka na muna."sabi ko na hindi na hinintay pa ang sasabihin niya at sinarado na ang pinto.

Magsisimba kasi kami ngayon, they asked me to come with them, sa unang pagkakataon ay pumayag naman ako. Nagbihis lang ako at nag-ayos sandali, nanahimik naman si Dresy mula sa labas ngunit naririnig ko pa rin siyang nagsasalita. Mukhang nagvvlog nanaman ito.

"Bel, picture-an mo ako, dali!"nakangiting saad niya sa akin pagkalabas ko pa lang ng kwarto.

"Akala ko ba magsstart na ang misa?"kunot noong tanong ko sa kanya.

"I'm just joking, duh, maagang magpapakilos sina Mommy para hindi malate."sabi niya kaya agad akong napairap. Lumabas na lang kami ng bahay para lang sa litratong gusto niya.

"I looked good."nakangiti niyang sambit ng mapatingin sa sarili sa camera.

"Isa pa!"sambit nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ata kami matatapos dito hangga't hindi pa dumadating sina Tita.

Nang lumabas naman sina Tita ay dali dali kong binigay ang camera ni Dresy sa kanya para matapos na.

"Hala, Isa pa!"reklamo niya ngunit hindi ko na pinansin at pumasok na sa kotse.

"Late na tayo."sabi ko at inirapan siya. Inirapan niya rin ako pabalik at padabog pang umupo sa upuan niya.

"Aba, attitude."natatawa kong saad. Nag-angilan lang kaming dalawa hanggang sa makadating ng simbahan. Pinatahimik na kami ni Tita nang makarating doon, sa pinakaharap sila pumwesto. Tahimik lang kami parehas ni Dresy.

"Peace be with you, Bel."nakangiti nitong saad at nakipagbeso pa sa akin.   Ganoon din ang ginawa niya kina Tita at Daddy.

Niyakap ako ni Tita, ganoon din si Daddy.

"Peace be with you, nak."ang sarap sa tenga na tawagin ako nitong anak. Hindi ko maitatanggi na masarap pala ito sa pakiramdam.

"Peace be with you, Dad."sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya.

"Mommy, let's go to mall, please."maarteng sambit ni Dresy na niyaya ang ina.

Sabay naman silang napatingin kay Daddy na siyang nagmamaneho ng kotse.

"Fine, mukhang ubos nanaman ang pera ko sa inyong mag-ina."sabi niya at napailing pa.

"Yes!"masayang sambit ni Dresy.

"Ngayon naman guys, pupunta kami ng mall, let's go!"nakangiting saad ni Dresy na nagvlog ulit. Nakatingin lang ako sa labas dahil ayaw kong kausapin ang camera niya.

"Dito tayo, Bel!"nakangiting sambit ni Dresy at hinila pa ako, dalawa pa sila ni Tita na nanghihila, dati iniisip ko na ang layo ng pag-uugali ng dalawa ngunit ngayon mukhang dito talaga sila nagkakasundo, sa pagshoshopping.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa kanila dahil wala naman akong magagawa, hila dito, hila diyan.

"I like this one, Mommy."sabi ni Dresy at pinakita ang isang hoodie.

Meeting Timo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon