Preparations

42 1 0
                                        

CHARITY'S POV

"Titaaaa, please po payagan nyo na po si Jazel. Di naman po namin siya pababayaan." Pagsamo ni Natasha sa mama ni Jazel.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Jazel para ipagpaalam itong makasama sa bakasyon naming magkakaibigan.

"Hay naku kayong mga bata kayo.. mahal na mahal ko kayo alam nyo yan Charity at Natasha pero, di ako papayag na sumama itong si Jazel." Sagot ni mama ni Jazel.

Alam namin na mahal na mahal kami ni tita at ganun din siya sa anak niya. Sa sobrang pagmamahal niya, ayan. Halos di payagan samin sumama.

"Sige na naman titaaaa, si Jazel lang po ang di makasama samin kung nagkataon. Saka napakataas po ng mga grades ni Jazel dibaaaa, pagbigyan nyo na po siya." Pangungumbinsi ko.

Baka sakaling makonsensya at bumigay eh.

"Kayong mga bata kayo.. mapupusok pa ang mga damdamin at kilos nyo, baka mamaya ay kung anong gawin niyo doon at mapahamak kayo. Alam nyo naman ang disgrasya walang sinasanto." Paliwanag ng mama ni Jazel.

Parang si reign din ito si tita eh. Nega. Hindi naman namin siya masisisi kasi alam naming concern lang siya para kay Jazel.

"Eh tita, magiingat po kami pangako. Babalik po kaming buong buo dito. Sige na po please, nagmamakaawa po kami." Pagmamakaawa ni Natasha.

Talagang di talaga kami sumusuko sa pag kumbinsi kay tita. Nangako kami kay Jazel na gagawin namin lahat.

"Papayag kami sa isang kundisyon.."

Napalingon kami lahat sa nagsalita. Halos kuminang ang mata namin ni Natasha sa sobrang saya dahil sa aming narinig. Papa pala ni Jazel ang nagsalita. May kasama siyang dalawang body guard. Grabe talaga nakakatakot talaga makita ang papa ni Jazel dahil mukha siyang miyembro ng isang gang tapos siya yung boss. Napakarami pa niyang body guard.

"Ano po yun tito? Kahit ano po. Basta papayagan niyo po si Jazel." Agad kong tanong kay tito.

"Magsasama ng body guard si Jazel." Sagot ng papa niya.

Napanganga kaming dalawa ni Natasha pati narin si Jazel sa sinabi ng papa niya. Pano ba naman, makikita palang yung mga body guard ng papa niya, eh matatanda na. Hindi naman yung lolong lolo pero kung ikukumpara sa edad namin eh parang tatay na namin. Ibigsabihin di kami makakapagenjoy dahil may bantay kami.

"Wag kayong magalala.. hindi naman yung mga bodyguard ko ang ipapasama ko eh. Actually.. naghire ako ng batang body guard. Kasing edad nyo lang, para naman di kayo magkailangan. Tutal wala rin naman sa mga body guard ko ang gustong sumama sa mga bulinggit na katulad nyo." Letanya ng papa ni Jazel.

"Oh eh ayun naman pala eh! Ayos po yun tito walang problema!" Sabi ni Natasha.

"Good. Daniel, come here!" Sigaw ng papa ni Jazel.

Kasunod naman ang pagpasok sa pinto ng matangkad na lalaki na may malaking katawan. Wtf!? Kasing edad namin yan!? Mukhang bata oo, pero ang laking tao! Kitang kita sa mga mata namin na gulat talaga kami.

"Siya yung sinasabi kong bodyguard. Ayos ba?" Tanong ng papa ni Jazel.

"Eh hehehe, ah.. pwede na po yan.. basta makasama lang si Jazel. Right jaze?" Sabi ni Natasha.

Tanging buntong hininga lang ang naisagot niya. Ni hindi siya makapagsalita sa harap ng magulang niya.

"Good. Basta magiingat kayo at wag na wag niyong pababayaan si Jazel. Lalo ka na Daniel." Bilin ng papa ni Jazel.

Natapos ang paguusap namin at matagumpay naming napapayag ang mga magulang ni Jazel. Pagkatapos nito ay nagdecide kaming magkita kitang anim na magkakaibigan para mamili ng mga dadalhin sa bakasyon. Tulad nga mga pagkain, medical supplies, at para sa hygiene supplies.

Pumunta kami sa supermarket at pumunta muna kami sa food section.

"Sobrang happy ako ngayon, kasi pinayagan na ako nila mom and dad." Sabi ni Jazel.

"I'm happy for you too sis." Sagot ko

"Hindi naman mangyayari to kung di niyo sila kinumbinsi eh. Kaya thankyou talaga sa inyo." Sabi ni Jazel.

"Ano ka ba, diba sabi namin gagawin namin lahat para makasama ka. Gusto ko ka namin kasama kaya wala yun." Sagot ko.

"Hahaha ang drama na natin ano bang bibilhin natin?" Tanong ni Jazel.

"Canned goods, noodles, pasta, eggs, processed foods, mga inumin.. ano pa ba? Mga snacks. Damihan na natin. 1week din tayo doon eh." Sabi ni Charity.

"Hmmm, sige maghanap pa tayo ng mga pwedeng dalhin."

Naghanap pa kami ng mga pagkain na dadalhin tapos pagkatapos ay pumunta naman kami sa medical section

"Oh eto gamot sa pagtatae, gamot sa lagnat, sa ubo, sa dysmenorrhea, sakit sa ulo, sa sakit ng katawan, panggamot ng sugat, cotton, alcohol, betadine, band aid, gauze, medical plaster, mask, oh ayan. Bilhin natin yan lahat." Sabi ni Reign habang pinaglalagay sa tray ang mga sinabi niya. Nakakunot naman ang noo ni Natasha sa kanya.

"Puro sakit ah? Wala bang para sa sakit sa puso diyan?" Pagbibiro naman ni Natasha. At sinamaan lang siya ng tingin ni Reign.

"Joke lang! Eto naman pikon agad! Seryoso ka bibilhin natin yan lahat? Ang dami naman!" Sabi ni Natasha.

"Mas ok ng madami kesa magkulang." Sagot ni Reign.

"Kagaya ng pagkukulang niya sayo?" Isa pang biro ni Natasha.

"Tama na Natasha corny eh." Sagot ni Reign.

"Charot lang eh hahahaha." Sabi ni Natasha.

Matapos ang pagpili sa mga medical supplies, eh pumunta naman sila sa mga hygiene at pumili ng mga bibilhin.

"Kumpleto na ba yung mga napamili natin Louise?" Tanong ni Margaux.

"Hmmm, shampoo check. Toothpaste check. Sabon check tigiisa pa tayo diyan. Face masks check. Detergent soap check. Sun block, mosquito repellant, may mga blanket na din dito. Pwede na siguro to." Sagot ni Louise.

"Pwede na yan. Tara na, pacounter na tayo." Sabi ni Margaux.

"Sure ka ah, baka may nakalimutan pa tayo." Paninigurado ni Louise.

"Hmmm wala na akong maisip eh. Mukhang andiyan na naman na lahat ng kailangan natin." Sagot ni Margaux.

"Ok, sge tara na. Para makauwi na din tayo." Sabi ni Louise.

Nagpacounter na sila tapos yung mga pinamili nila ay agad naman nilang dineretso sa van na sasakyan nila para ready na sa pagalis nila bukas. Napakabilis ng mga panyayari. Kahapon nagpaplano palang sila. Ngayon, namimili ng mga kaylangan dalhin tapos kinabukasan ay aalis na agad.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon