CHARITY'S POV
Nagwalk out si Jazel matapos naming manalo sa botohan sinundan naman siya nung buntot niyang bodyguard. Si Louise naman nagsermon muna bago nagwalk out din. Tapos si Reign naman, lumabas magpapahangin lang daw. Pero alam ko namang masama din ang loob niya. Hindi naman sa unfair kami pero sayang kasi yung punta punta namin dito kung uuwi agad kami. Ang layo ng biniyahe namin para sa isang araw na bakasyon. Saka, may punto naman si Carl eh. Kung may balak na masama yung taong nasa picture at nakita ni Louise eh noon niya pa ginawa.
"Guys, pasok lang ako sa kwarto. Magpapahinga lang." Sabi ko.
Masyadong nakakatrigger ng stress ang araw na to. Mabuti pa sigurong ipahinga ko na lang muna ito. Naglakad ako tapos pumasok sa kwarto. Hindi ko namalayang sinundan pala ako ng boyfriend ko. Kasi nung umupo ako sa may kama nakita ko siyang nakatayo sa pintuan.
"Oh love, sinundan mo pala ako. Halika dito samahan mo ako umupo." Pagaaya ko sa kanya.
Lumapit naman siya tapos umupo sa tapat ko.
"Ramdam ko kasing may problema ka kaya andito ako." Nakangiti niyang sagot.
Napakaswerte ko talaga kay Ejay. Kasi siya yung tipo ng lalaki na hindi na kailangang sabihan. Kilalang kilala na niya ako. Alam niya kung kelan ako galit, malungkot, o masaya.
"Ayoko naman magsinungaling sayo love, kaya sasabihin kong oo may problema ako." Sabi ko.
"Wag mo na masyadong isipin yun love okay?" Pagaalo niya sakin.
"Hindi ko man gustong isipin kusang pumapasok sa isip ko eh. Love... tell me, selfish ba tayo sa naging desisyon natin?" Tanong ko.
"Loveeeee, hindi tayo selfish okay? May kanya kanya lang talaga tayong desisyon. At may dahilan naman bakit ayun ang naging desisyon natin." Sagot naman niya.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi lang kasi ako sanay ng ganto, na may samaan kami ng loob ng mga kaibigan ko." Sabi ko.
"Oo naman naiintindihan ko yun.. pero wag mo istressin ang sarili mo. Maaayos din ang lahat." Pagaalo niya.
"Thank you love." Sabi ko.
"You always got my back. Wag ka ng masyadong magalala ha? Iwan muna kita dito love. Magpahinga ka. Samahan ko muna yung ibang boys doon." Sabi niya.
Ngumiti lang ako tapos tumango. Tapos umalis na siya. Hindi naman ako makakatulog ng ganitong sitwasyon kaya naglibot libot nalang muna ako sa kwarto. Walang kahit anong gamit dito bukod sa mga gamit namin. Bakit kaya? Napasilip ako sa bintana at may nakita akong nakatayong lalaki sa tapat ng pinto ng bahay. Mula kasi dito sa bintana matatanaw ang tapat ng pinto dahil nasa baba lang naman yung kwarto namin. Hindi niya ako nakikita mula dito. Kaya naman hindi agad ako nagpanic at lumabas nalang ako sa sala. Dun naabutan ko si Reign, Liam, Natasha, Carl at Ejay.
"Guys may tao sa labas!" Agad kong sabi sa kanila.
"Huh sino?" Tanong ni Natasha.
"I think, siya yung sinasabi ni Louise." Sagot ko.
Hindi na nagsalita si Ejay at agad binuksan ang pinto. Nakasunod naman kami sa kanya. Pero pagbukas niya ay wala kaming nakitang tao.
"Wala naman Cha." Sabi ni Liam.
"Ako ba ang hinahanap nyo?"
Lahat kami napasigaw ng marinig yung boses na yun mula sa likuran namin. Pagharap namin yung lalaking nakita ko nga yun. Paano siya nakapasok dito sa loob?
"Manong bakit po kayo nandito!? Pano kayo nakapasok!? Bakit po kayo nambibigla?" Tanong ni Carl.
"May karapatan ako kung anong gusto kong gawin sa bahay ko." Seryosong sagot nung lalaki.
"Ba.. bahay nyo? Kayo po ang may ari nito? Paano po kayo nakapasok?" Tanong ni Reign
"Oo bahay ko to. At dahil ako ang may ari, alam ko ang pasikot sikot dito. Pumasok ako sa bintana ng kusina." Sagot nung lalaki.
Dahil doon napilitan kaming tawagin yung mga kaibigan namin na nagsipunta sa kani kanilang kwarto. Nung kumpleto na kaming lahat sinimulan na ni Louise magpaliwanag.
"Ahhh, manong.. pasensya na po kayo kung pumasok kami sa bahay nyo ng walang permiso. Wala na po talaga kaming choice kasi pagdating po namin ay pagod na pagod na po kami. Sakto naman po na hindi nakalock yung pinto kaya nakapasok po kami. Wala naman po kaming balak tumakas o hindi magbayad sa katunayan eh hinihintay lang po naming may dumating na tao at maningil po samin." Sabi ni Louise.
"Naiintindihan ko."
Ang tangi niyang sagot. Hindi siya nakatingin sa amin. Nakayuko siya.
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy kahit na pumasok na po kami ng walang pahintulot nyo." Sabi ni Prince.
"Wala na yun.. ang importante, babayaran nyo rin yun bago kayo umalis dito." Sagot nito tapos tumayo.
Naglakad siya papuntang pinto mukhang aalis na ata.
"Ah, saglit lang po. Bakit hindi nyo na po kami singilin ngayon?" Tanong ni Liam.
Napahinto siya sa paglalakad.
"Wag kayong magalala... babalik ako para singilin ang kabayaran." Sagot nito tapos tuluyan ng lumabas ng pinto.
Nagkatinginan kaming lahat. Sobrang creepy niya. Pero wala naman siyang ginawa samin kaya wala naman kami sigurong dapat ipangamba.
"See guys?? Wala lang yung mga pangamba nyo. Kaya kalma na tayo okaaaaay?" Sabi ni Liam.
"Iba parin yung pakiramdam ko sa mga sinasabi nung lalaking yun. Para bang.. parang bang may laman." Sabi ni Jazel.
"Jaze, wag ka ng mangamba. Sama sama naman tayo dito eh." Sabi ko.
"Hindi naman mawawala samin yung pangamba eh. Hindi natin kilala yun. Pero alang alang sa ikaaayos ng lahat, isasantabi muna namin yun." Sabi ni Reign.
"Yown! Edi okay na ang lahat! Kasiyahan na ulit guys!!" Sigaw ni Carl.
Pagkatapos nun eh nagkaroon nga kami ng kasiyahan. Lumabas kami tapos naglaro ng mga pambatang larong kalye kahit mga binata't dalaga na kami. Inabot kami ng hapon sa paglalaro bago kami pumasok ulit sa loob ng bahay para magluto at maghanda ng makakain namin. At nung nasa hapag kainan na kami, kumakain kami habang nagkukwentuhan.
"Ang saya maglaro no? Parang bumalik tayo sa pagkabata?" Sabi ni Margaux.
"Bata pa naman tayo ah?" Sagot naman ni Prince.
"Syempre di yun ang ibig kong sabihin naku!" Sagot naman ni Margaux.
"Pero honestly, masaya nga talaga guys." Sabi ko.
"Oo nga eh. Sana palagi nalang ganun diba?" Sabi naman ni Natasha.
"Sana.. pero hindi ganun ang buhay eh. May mga pagkakataon talaga na malungkot at hindi okay. Well, kaylangan yun eh! Para natututo tayo." Sabi naman ni Louise.
Kung magsalita talaga siya para siyang nanay namin. Pero si Louise, siya yung matalino sa amin kaya natututo kami sa mga sinasabi niya. Matapos magsalita ni Louise tahimik nalang ang lahat tapos inubos nalang ang kani kanilang mga pagkain.

BINABASA MO ANG
Into The Forest
Misterio / SuspensoThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...