"Bayad"

524 13 0
                                    

Kanina mag-isa akong nagcommute, pumara ako ng jeep tapos sumakay. Pagkaupo ko palang nagbayad na ako. Potek, kabado ako no'n kasi nga hindi ako sanay magcommute, feeling ko ililigaw kami ng driver tulad sa mga pelikula, HAHA gano'n.

After I think 20 minutes, nadatnan ko nalang na tatlo kami sa jeep, isang babaeng around 40 years old tapos isang lalaki mga 26? Basta 'yon.

Nakatingin lang ako sa labas no'n nang biglang magsalita yung driver. "Ineng, bayad mo," sabi niya.

Ako naman takang-taka kasi pagkaupo ko palang kanina nagbayad na ako.

"Nagbayad na po ako kanina manong," magalang na sagot ko.

"Ako ba niloloko mo?" tanong niya.

"Totoo po, nagbayad na ako," dipensa ko naman.

"Nagbayad na siya kanina," sabi nung ale.

"O sige ganito nalang, magbabayad ka o bababa ka?"

Pagkarinig ko no'n mas lalo akong kinabahan kaya wala akong nagawa kundi paLaYaiN kA Na :>

END

VOTE AND COMMENT

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon