Skl yung nangyari kanina sa mall.
So yun, pumunta kaming mall mga magpipinsan, bibilhin raw nina tita yung mga gusto namin. Sabi ko gusto ko ng airpods kaya pumunta kami sa cyberzone. Yung mga pinsan kong mga maliliit nagsiiyakan na, gusto na raw bumili ng laruan kaya iniwan nalang nila ako tapos binigyan ng pera, kita-kits nalang raw sa Toy Kingdom.
Edi yun na nga, nilibot ko na ata lahat pero puro sold out raw yung airpods na yun tapos pumunta ako dun sa pinaka unang store nakita ko dun yung kahera may hawak na box ng airpods, dali-dali akong lumapit.
"Ate, bilhin ko na 'yan" sabi ko agad.
"Ay sorry miss, nabili na po ni kuya 'to" chaka siya tumingin sa isang lalaking nakatalikod. Nabwisit ako kasi gustong-gusto ko na talaga ng airpods huhu.
Nung bababa na sana ako biglang may kumalabit sa'kin---yung bumili ng airpods. Potek kahawig niya si Sunwoo, ang gwaaaapoo.
"Oh, bilhin mo na," tapos inabot niya yung box sa'kin. Ngumiti ako sa kanya tapos akma ko na sanang kukunin nang biglang nagsalita siya ulit.
"In one condition. Ano muna pangalan mo sa FB?"
At yun ang aking hapitot.XD
END
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
One Shot Story (COMPILATION)
Short StoryOne Shot Story Compilation (English,tagalog,taglish) by: Cheli_Minki HIGHEST RANK: #1 MOST IMPRESSIVE RANK: #1