"RUINED PRANK"

165 11 0
                                    


It's February 14 today, this day is very special to the both of us---to me and to my boyfriend. It's our first anniversary at birthday din niya ngayon.

With the help of my bestfriend, I decided to prank him. I dialed his number para tawagan siya.

"Happy birthday!" Masiglang bati ko nang sagutin niya ang tawag.

"Thank you love. By the way, i'm on my way there. Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

"Ahm...p'wede bang huwag na tayong lumabas? Dito nalang tayo sa bahay, I already prepared a dinner for the both of us."

"Wala ba d'yan sila tita?"

"Yes love, solong-solo natin 'yung bahay." Ginawa kong medyo seductive ang pagkakabigkas ng mga salitang iyon bago nangingiting in-end ang call.

"Tulungan mo na 'ko, malapit na 'yun. Ihanda mo na 'yung drinks!" Utos ko sa kaibigan ko habang ako naman ay nagtungo na sa kwarto para magbihis.

-

I bited my bottom lip as I stared at my reflection in the mirror. I'm now wearing a red seducing night gown.

Nabaling naman ang paningin ko sa pintuan nang may kumatok.

Agad akong nagtungo sa pinto at pinagbuksan ang kung sino man ang kumakatok.

Nang mabuksan ang pinto ay tumambad sa akin ang boyfriend ko na may dalang isang boquet ng flowers sa kaniyang kanang kamay. Habang isang cute na teddy bear naman sa kaliwa niyang kamay.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at pansin ko rin ang paggalaw ng adams apple niya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago ibigay sa akin ang dala niya. Tapos ay agaran niyang hinubad ang jacket na suot niya at ibinalot ito sa akin na bahagya kong ikinagulat.

"Damn baby, what are you wearing?"

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi ba bagay sa 'kin? Pangit ba?" Disappointed kong wika. Hinarap niya naman ako at marahang hinaplos ang kanang pisngi ko.

He shook his head. "Bagay na bagay sayo...pero..."

"Pero?"

Narinig ko ang mahinang pagmumura niya bago lumayo sa akin ng bahagya.

"Lalaki ako love."

"And?" Inilibot niya ang paningin niya at nadako ang paningin niya sa table na ni-set up ko kanina para sa dinner date namin.

"Love I love you so much, you know that." Muli siyang bumaling sa akin.

"Pero mahina rin ako pagdating sa mga ganito. I'm sorry, akala ko gusto mo ring sa kasal pa natin gawin ang bagay na iyon," dagdag niya.

Napakurap-kurap ako.

"Hindi mo kailangang iregalo agad-agad sa akin 'yun love. Handa akong maghintay sa araw ng kasal natin. I'm sorry. Aalis na ako, happy anniversary." Mabilis niya akong hinagkan sa pisngi na ikinatulala ko.

"I love you."

Palabas na sana siya nang matauhan ako kaya agad-agad ko siyang hinabol at niyakap.

"L-love..."

"I'm sorry. I-i'm sorry if I doubted your love for me. I planned to seduce and prank you that I already want to have a baby. I'm sorry." Inalis niya ang mga kamay kong nakapulupot sa katawan niya at humarap sa akin.

"Paano kung hindi ako nakapagpigil?"

Napanguso na lamang ako.

"Stop pouting, nakaka-attempt kaya."

Agad akong umayos, "sorry."

"Pfft alam mo bang napaka-cute mo?" Bahagya lang akong ngumiti at inismidan siya.

"I'm really sorry...b-buti nalang hindi ka tulad nung ibang lalaki," saad ko.

Hinawakan niya ang baba ko at pinakatitigan ako sa mga mata na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Sigurado ka bang hindi ako katulad nila?" He smirked. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Nataranta naman ako at agad na inilayo ang mukha niya sa mukha ko.

"Hahaha 'yan! Plano-planong mang-prank tapos gana'n."

"Sorry na nga e," naiinis kong wika. Siya naman ang pinagtitripan ako ngayon. Tss!

Nagulat naman ako ng hagkan niya ang noo ko.

"Para saan naman 'yun?"

"Bilang respeto sa kagalang-galangang paliparan." Agad ko siyang nahampas sa braso dahil sa itinuran niya pero tinawanan niya lang ako.

"I was just kidding." I rolled my eyes on him.

"But love...seriously, I love you so much. Please don't doubt my love for you, mas pure pa 'to sa mineral water n'yo." Itinaas-baba niya ang kilay niya na bahagya kong ikinatawa pagkatapos ay sunod-sunod na tumango.

"I love you and I respect you, huwag ka na ulit gagawa ng mga ganitong bagay. Gusto kong maging especial 'yung first night natin, at pagkatapos lang ng kasal magiging especial 'yun." Agad na nagtuluan ang maiinit na likido sa aking mga mata kahit na nakangiti ako. Dinamba ko ang boyfriend ko at mahigpit siyang niyakap.

"Ang swerte ko sa'yo," saad ko.

"No, mas maswerte ako sa'yo."

"Hindi talaga magpapatalo?" Natatawa kong wika na ikinatawa niya rin.

Saan ko ba nakuha 'tong boyfriend ko? Sa wattpad ata e pffff

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon