"Manunulat"

441 16 0
                                    

"pa-accept po!"

Dahil sa ngayon lang ako nagkatime na ma-check ang mga nagco-comment sa mga stories ko, napansin kong may isang lalaki ang kinukulit ako na i-accept ko siya.

Dahil sa pangungulit niya ay inaccept ko na siya.

"Thank you sa pag-accept!"

Isang message ang nag-pop up. Galing siya kay Jodanell, yung matagal ko ng reader.

"You're welcome." I replied. Dahil sa sobrang paghanga niya sa akin nagsend siya ng handwritten calligraphy ng name ko.

"OMG! Thank you, Jodanell!"

Nagreply naman sya kaagad. "You're welcome crush!" Nagulat ako sa nireply niya

I replied "What crush!? You mean may gusto ka sa'kin!?"

"Yeah dati pa talaga sa tuwing update mo ng story mo lagi ako nakaka relate napaka galing mong writer at napaka ganda mo pa! Actually naging interesado lang ako maging reader simula nung naka basa ako ng story mo."
Dahil sa sinabi niya mas namotivate akong magsulat at mag-update araw-araw.

"Crush alam mo ba?"

"Hindi"

"Ay pilosopo ka, crush! Alam mo ba? Para kang redhorse!"

"Bakit naman?" Nagtaka ako sa reply nito but I still managed to reply. Nakakatuwa s'ya para sa'kin at mukhang babanat pa ata ang loko.

"Kase malakas ang tama ko sa'yo, pero 'di ako nawasak. Binuo mo pa nga ako, e! Binuo mo ang puso kong winasak, ang araw kong malungkot, at ako, ang buo kong pagkatao."

Napaamang ako sa huling mensahe nito para sa'kin. I didn't reply after reading his reply instead, I logged out. Ewan ko ba. Bigla akong nakaramdam ng kaba at 'di mapaliwanag na feelings nang mabasa ko ang reply n'ya. My heart just beats fast, at pakiramdam ko ay may mga paru-parung nagliliparan sa may bandang tyan ko. Anong nangyayari sa'kin?

Days past and still we manage to chat everyday, I started to know him. He is also a writer pero ni isang story ay wala pa siyang naipopost sa timeline niya. Siguro nahihiya.

I feel guilty sa nararamdaman niya sa'kin. May gusto 'tong reader ko sa'kin habang ako may gusto sa isang sikat na manunulat na imposibleng gustohin rin ako.

Isang araw habang nagsoscroll ako, may bagong post ang pinakahinahangaan kong writer. It's a thread about sa crush niya. Dahil bored naman ako no'n, binasa ko nalang kahit alam ko sa huli masasaktan ako.

After a few minutes, cinomment na niya ang last clue about sa crush niya and unexpectedly, he mentioned my name. My heart started to beat fast, hindi lang talaga ako makapaniwala na gusto rin ako nito. Mamaya-maya may nagpop-up sa cp ko, it's a messege from him.

"Tanda mo pa si Jodanell? That's also me"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang manunulat pala na hinahangaan ko ay hinahangaan rin ako.

"Kaya sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita, starting tomorrow. Good night, mi amore"

END

VOTE AND COMMENTS

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon