"SA MGA KAMAY NI AMA"

343 6 0
                                    

Naglalakad ako sa gilid ng isang madilim na daanan nang may tatlong lalaki ang humarang sa akin. Amoy na amoy alak sa mga ito, halatang lango sa alak.

"Miss samahan mo naman kami," wika ng isa. May dala pa itong bote ng alak na kakaunti na ang laman.

"Sandali lang 'to miss," wika ng isa pa at sabay-sabay silang tumawa. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng takot. Madilim sa lugar at hindi pa gaanong nadadaanan ng tao.

Nanlaki ang mata ko nang isang iglap ay hawak na ako ng isa sa kanila. Nagpumiglas ako pero mas malakas ito, hanggang sa mahawakan na ako ng isa pa.

"Tulong!! Tulungan n'yo 'ko!" Sigaw ko, nagbabakasakaling may makakarinig sa akin at matulungan ako.

"Kapag hindi ka tumahimik makakatikim ka sa akin," wika ng lalaking may hawak ng bote.

"Maawa na po kayo..." nagsimula nang mag-agusan ang masasaganang luha sa aking mga mata.

"Magugustuhan mo rin naman 'to." Sabay-sabay ulit silang tumawa na mas lalo kong ikinahagulhol.

"Tulong! Tulu---Ahh!" dumapo sa tiyan ko ang kamao ng lalaking may hawak ng bote kaya hindi ko naituloy ang pagsigaw ko.

Nag-iwan ng matinding sakit ang ginawa niyang pagsuntok sa sikmura ko.

"Sinabihan na kita." Hinawakan ng isa ang pisngi ko at iniangat ang mukha ko.

"Pare ang kinis talaga neto, jackpot tayo," wika niya.

"M-mga h-hayop kayo," nanghihina kong usal.

Iniangat nung isa ang kamay niya at akmang sasampalin ako nang may magsalita mula sa likuran.

"Hoy anong ginagawa n'yo!?"

Napamura ang dalawang lasing at unti-unti akong binitawan. Napaupo na lamang ako sa malamig na kalsada.

"Habulin n'yo 'yun!"

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napasinghap ako.

"T-tama na..."

"Ssssh. Okay na, wala na sila." Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang pamilyar na mukha.

"B-buti dumating po k-kayo," wika ko.

"Mabuti nga at nakita namin kayo," saad nito. Napagtanto kong isa ito ang tanod ng aming barangay.

"Iuuwi na kita sa inyo," dagdag niya pa.

Muli akong napayuko at napangiti ng mapakla.

Wala akong kawala.

Mas demonyo ang naglalagi sa bahay namin---ang tatay ko.

Ang tatay kong paulit-ulit akong pinagsamantalahan. Sa akin siya gumaganti sa pag-iwan sa amin ng nanay ko.

Akala ko ay ligtas na ako, ngunit kahit kailan ay hindi pala ako nakaligtas. Kahit kailan ay hindi ako nakaligtas sa kamay ng mismong ama ko.

END

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon