"SCANDAL"

286 10 0
                                    

I was maneuvering my car when my phone suddenly rang. I immediately answered it.

: Hello who's this?
: Dre!
: Cael? Oh napatawag ka?
: I think...you have to see this.
: Huh? A-alin?
Nagulat ako nang magsend s'ya sa 'kin ng video.

Hindi ko pa sana panunuorin ang video pagkat nagmamaneho ako pero when I saw my girlfriend's face agad ko itong pinanuod.

"Shit!" There I saw my girlfriend kissing other guy, they're both naked!

"Damn!" Kilala ko ang kasama n'ya sa video, he's my twin, wth!?

Muntik pa akong mabangga dahil sa galit at inis. Kaya ipreneno ko muna ang sasakyan mo at mariing hinilot ang aking sentido. How could they do this to me?! Ilang linggo lang ako nawala dahil sa business trip e.

Muli kong pinatakbo ang sasakyan, binilisan ko ang pagmamaneho upang makarating agad sa pupuntahan ko.

-

Nakailang katok palang ako nang magbukas na ang pinto. Bumungad sa akin ang gulat na mukha ng girlfriend ko.

Napangisi ako. "Disappointed huh? May iba ka pa bang hinihintay?"

"W-wala. D-dumating kana pala babe, ke-kelan pa?" She's stuterring. Nakita ko pa ang pamumutla ng labi n'ya. Tangina, guilty ba s'ya?

Sasaraduhan n'ya na sana ang pinto ng kabigin ko ang kamay n'ya. I harshly pinned her on the wall and kissed her.

"Hmmpk--V-vynn...ano­ ba!"
Tinigilan ko na s'ya at mapaklang napatawa.

"Bakit sinong gusto mong kahalikan? 'Yung kapatid ko!?"

"N-napanuod mo na? V-vynn let me explain. H-hindi 'yun ganun..." She's crying now pero wala akong pakealam.

"Halos dalawang linggo lang akong nawala inakala mo na, na ako 'yung kapatid ko!?" My jaw clenched.

"Vynn--"

"'Wag mo ng subukang itangge, sikat na sikat na kayo ngayon. Viral 'yung scandal n'yo!" Mariin kong wika, pinipigilan kong 'wag s'yang murahin.

"I respected you, hindi ko nga hilingin na gawin natin ang 'bagay' na'yon pero gusto mo pala kaya pinatulan mo si Viel, 'yun ba? O baka s'ya talaga ang gusto mo?" Lumapit s'ya sa akin at sinubukang hawakan ang braso ko pero inilayo ko ito sa kaniya.

"Kung hindi naman pala ako 'yung gusto mo ba't ako 'yung jinowa mo?" I bited my lower lip.

"Mag-isip ka, kung ako ba talaga ang mahal mo o naguguluhan kalang. X-xhein...mabuti pa sigurong...magbreak na muna tayo." Lalabas na sana ako sa condo n'ya ng yakapin n'ya ako mula sa likod.

"Vynn I'm sorry...l-let me explain please. Vynn m-mali ang iniisip mo, p-pakinggan m-mo naman muna ako please.Ikaw ang mahal ko--" Inalis ko ang mga bisig n'ya na nakayakap sa akin.

"Sige, hindi muna ako makikipagbreak sa'yo. Pero...t-tyaka­ nalang tayo mag-usap. Gusto ko munang mahimasmasan." Then I finally left her.

-

"Vynn?" Napaharap ako sa gawi ng tumawag sa pangalan ko.

"Mariel." Kaibigan s'ya ni Xhein.

"H-hindi mo pa ba alam?"

"Huh? Alin?" Nagulat ako nang biglang tumulo ang luha sa pisngi n'ya. Napatingin ako sa paligid, ang daming tao dito sa café, baka akalain kung ano pang ginawa ko dito.

"Maupo ka," wika ko. Sumunod naman s'ya at umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.

"B-bakit ka ba umiiyak?"

"Ang tanga mo!" May bahid ng galit at inis ang boses n'ya.

"Hey, ano'ng ginawa ko sa'yo!?"

"How dare you! Ni hindi mo man lang pinagpaliwanag si Xhein. Hindi mo ba alam na itinakwil na s'ya ng mga magulang n'ya. Pinalayas s'ya sa kanila at walang malapitan kundi ako, p-pero...hindi s'ya pinayagan ni mommy na makituloy sa'min. Baka daw mahawaan pa ako ng kalandian n'ya, pero hindi naman s'ya malandi e. H-hindi pinakikinggan ni mommy ang mga sinasabi ko," Nagulat ako sa sinabi n'ya at biglang kumirot ang puso ko. Pinalayas si Xhein sa kanila?

"I-I was just mad that time Mariel. S-sabi ko naman sa kan'ya bibigyan ko s'ya ng oras magpaliwanag e. Kinabukasan sana kakausapin ko na s'ya kasi hindi ko din naman s'ya matiis kaso may pinagawa sa'kin 'yung boss ko," litanya ko.

"Dapat pinagpaliwanag mo s'ya agad e! Hirap kasi sa inyong mga lalaki, napakalaki ng ego n'yo. H-hindi naman n'ya ginusto 'yun e." Nakita kong ikinuyom ni Mariel ang mga kamao n'ya.

"W-what do you mean?"

"Viel--that asshole! I think nilagyan n'ya ng kung ano 'yung pinainom n'yang alak kay Xhein kaya nangyari 'yun, tapos vinideo n'ya pa pala. Hayop s'ya!" Nanlaki ang mata ko sa narinig. What the hell?

"Akala ko...gago talaga ang Viel na 'yun, iba ang sinabi n'ya sa akin--"

"Puro ka kasi akala! Hindi porke crush na crush dati ni Xhein ang kakambal mo kung ano-ano ng inisip mo! Pinangunahan ka ng galit, hindi mo man lang s'ya pinagpaliwanag...h-h­indi na n'ya alam ang gagawin no'n, hindi n'ya kinaya." Bigla akong kinabahan at nanginginig ang kamay na hinawakan ang braso ni Mariel.

"S-sabihin mo sa 'kin...a-anong nangyari? Asa'n na s'ya ngayon? Kakausapin ko s'ya."

" Vynn...s-she's already dead. T-tumawag s'ya sa'kin kagabi. Hirap na hirap na daw s'ya, duming-dumi s'ya sa sarili n'ya. Ang daming nanghuhusga sa kan'ya.Tapos s-sabi n'ya pa sabihin ko sa'yong mahal na mahal ka n'ya. Then pinuntahan ko s'ya sa inuupahan n'yang apartment..p-pero hindi ko na s'ya inabutang buhay." Nang marinig iyon ay naramdaman ko na lamang ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko. Tila tumigil ang pagpintig ng puso ko. Para akong sinaksak ng paulit-ulit.

"A-ang tanga-tanga ko." I clenched my fist.

-

"Baby...I'm sorry." Pinahid ko ang isang butil ng luha na dumaloy sa pisngi ko. Umiiyak na naman ako, but I don't care. Wala na 'kong pakealam kung mukha akong bakla at may makakita sa'kin, ang alam ko lang kailangan ko 'to, kailangan kong umiyak.

"I'm sorry hindi ako nakapunta nung burol mo." Sinunson ko ang pangalan ni Xhein na nakaukit sa lapida n'ya.

"Your parents are really mad at me--I deserve it anyway. Xhein...S-sana mapatawad mo 'ko. S-sana kasi pinagpaliwanag kita agad e." Tumingala ako sa langit.

"Hindi parin namin nahahanap si Viel, ang gago nagtago."

'I'm sorry at mas naniwala ako sa kaniya kaysa sa'yo.'

"I love you....I'm sorry for doubting your love for me. Pinangunahan ako ng galit ko. That day--I did the biggest mistake in my life. I'm sorry for hurting you, alam kong nasaktan ka ng husto sa mga sinabi ko. Napakasama ko, hinusgahan agad kita...I-I'm really sorry baby." Ibinalik ko ang tingin ko sa lapida ni Xhein at muli itong hinaplos.

'Kung naibabalik lang ang oras, itatama ko lahat ng pagkakamali ko. Pero ngayon, hindi ko na hahayaan pang pangunahan ako ng galit ko.'

"Goodbye Xhein, p'wede ka ng magpahinga ngayon sa nakakapagod na mundo. Rest in peace baby, i love you so much."

END

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon