"PAGKUKUNWARI"

127 10 1
                                    

Tiningnan ko ang kasama ko ngayon. He's looking above the sky habang may mga naggagandahang fireworks ang nagpuputukan dito. Sana ganito nalang kami palagi.

Napatungo ako at napabuga ng hangin. One of these days, iiwan n'ya na rin ulit ako.

"Are you okay? " Hinarap ko s'ya amd nodded my head while smiling as an answer to his question. Nginitian n'ya rin ako.

"Ang ganda ng mga fireworks," sambit ko habang nakatingala sa kalangitan.

"Pero mas maganda ka." I rolled my eyes on him.

"Bolahin mo lelang mo!"

"Pfft, totoo naman e." Nagulat ako ng bigla n'ya akong akbayan.

"Che!"

"Ang sungit naman haha." Napatingin ako sa kan'ya nang tumahimik s'ya, nakatitig na pala s'ya sa'kin.

"A-anong tinitingin mo d'yan?"

"I can't imagine my self without you, hindi ko kayang mawala ka," wika n'ya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. Shit! 'Wag kang iiyak self, pigilan mo!

"Magsabi ka kung iiwan mo na 'ko, para maging handa ako," dagdag n'ya pa.

"W-why are you s-saying that? Hindi kita iiwan." Sinungaling ka self! Iniwan mo na nga s'ya e.

Pero...sinungaling rin s'ya, he can live without me.

"Sana nga," wika n'ya at pinisil ang ilong ko. Lumapit s'ya sa'kin at mabilis na hinalikan ang noo ko. Hindi na ako nakaiwas, namalayan ko nalang na nakatayo na s'ya.

"Tara na?" Tinanggap ko ang kamay n'ya at dahan-dahang tumayo sa pagkakaupo.

Pababa na sana kami ng rooftop nang muntikan na s'yang matumba.

"Are you okay?" Inalalayan ko s'ya.

"O-oo...parang m-may nagflashback lang na memory," litanya n'ya na bahagyang ikinalaki ng mga mata ko.

Natigilan ako. Biglang nanginig ang mga kamay ko. It's starting.

"Ikaw ayos ka lang? Bakit nanginginig ka? jane?" Agad akong umayos dahil sa sunod-sunod na tanong niya.

Ngumiti ako, "Ah, wala ito," sabi ko at nauna nang maglakad para hindi niya na ako tanungin.

Ano nang mangyayari? I fear the events that is about to happen.

Buong biyahe, tahimik lang ako. Ni hindi ko magawang kausapin siya ng matino.

"Jane, hindi ko alam kung anong iniisip mo. Tahimik ka buong biyahe. Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Zach.

"Ah, h-hindi bigla lang sumakit ang ulo ko," pagsisinungaling ko.

Alam kong hindi siya naniniwala at ayaw kong sagutin pa tanong niya kaya nagpaalam na ako at pumasok sa loob ng bahay.

Nagkulong agad ako sa kwarto ko. All I can feel was fear, loneliness. Natatakot akong maiwan, natatakot akong maging malungkot ulit. My thoughts was cut by a ring. I immediately pick up the phone. It's Zach's mom.

"Hello po Tita," I kindly answer.

"Jane, Zach was rushed to the hospital. Nahimatay siya kanina dahil sa sakit ng ulo niya, but I can feel that his memories are coming back," masayang sabi ni Tita. My tears fell.

"Tita, can I go there?" I asked. I'm worried and at the same time, afraid.

"You can, but if you have something to do then there's no need. Marami naman kaming nandito ngayon and Yra is here," sabi ni Tita. I sadly smiled.

"Hindi po ako magtatagal. Kukumustahin ko lang po si Zach," sabi ko.

"Sige, ingat ka sa biyahe Jane."

Agad akong nagpaalam at nagpahatid sa hospital. Habang papalapit kami nado-doble ang kaba ko.

I quickly go to his room.

"Jane buti nandito ka na!" masayang sabi ni Tita. Maluha-luha pa siya.

"Si Zach po Tita?" tanong ko agad.

"Bumalik na alaala niya Jane! Nasa loob siya kasama ni Yra." Bumigat pakiramdam ko.

Sumilip ako sa loob only to see them hugging each other. My tears fell again.

Zach was my ex, iniwan ko siya dati. But after that I realize that I need him and I still love him. Sinubukan kong kunin muli ang loob niya, but I'm too late iba na ang mahal niya. Yes, gusto kong bawiin pa siya pero mas gusto kong palayain siya. Ako naman kasi ang may kasalanan. Not until his accident, ilang araw siyang kritikal and noong gumising siya he can't even remember Yra, and everytime he sees her sumasakit ang ulo niya that's why, lumayo si Yra. Binisita ko siya minsan, nag-alala ako ng sobra and I'm shocked cause he still treat me as his girlfriend. Hindi niya maalalang iniwan ko. Pinakiusapan ako ng magulang niya kung pwede bang mag-stay muna ako. For the past two months I was happy. Yes, I'm happy, but after those months I can feel that his memories are going back. That scared me. Sinampal din sa akin na, oo nga pala, pansamantala lang. Oo nga pala, hanggang maalala niya lang 'yung totoong mahal niya. At ito 'yung araw na matatapos na ang pagkukunwari ko.

END

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon