"STAY SINGLE"

148 7 0
                                    

Naghuhugas ako ng plato nang bigla akong makarinig ng ingay mula sa labas ng bahay namin. Agad akong naghugas ng kamay at tiningnan kung ano ang nangyayari sa labas.

"K-karl?" Nasa harapan ko ngayon ang ultimate crush ko kasama ang mga kaibigan n'ya.

May hawak s'yang gitara habang nakangiti sa 'kin. Omg!

"T-tapos na ang pasko ah?" Alanganin kong wika.

"Pfft, hindi naman kami mangangaroling," wika n'ya.

"Manghaharana ako." Whaaaat!? Omg! Wala namang ibang babae dito sa bahay kundi ako lang, shet haharanahin ako ng crush ko? Waaaaah!

'Avin May kalma, self kalma!'

Nagsimula na s'yang mag-strum ng gitara n'ya nang may umakbay sa 'kin. Si kuya lang pala.

"Ikaw na
Ang pinakamaganda na babae
Sa 'king mata~" Kahit 'yung boses n'ya ang gwapo argh!

Hanggang sa matapos ang kanta ay nakangiti lang s'ya at nakatingin sa akin.

"I think it's the right time para magconfess ako sa'yo. Sakto nandito pa ang kapatid mo." Napatingin ako kay kuya, nakangiti s'ya. So he's happy for me? Aw, akala ko maghihigpit s'ya at papaalisin sila Karl e.

Kinabahan naman ako nang lumabas na din si mama at papa na kanina ay nasa kwarto. Wala naman ang iba ko pang kuya dito sa bahay kasi nasa trabaho.

"Ano'ng meron?" Tanong ni papa.

Humarap sa kaniya si Karl, "Tito, magpapaalam lang po sana akong ligawan ang anak n'yo," wika n'ya. Gosh! Ang tapang ng baby ko! Pero dapat tinodo n'ya na, papa na agad dapat ang itinawag n'ya kay daddy hahaha.

"Sigurado ka na ba sa anak ko?" Tanong ni papa na ikinairap ko. Grabe lang e!

"Haha opo. Seryoso po ako sa kan'ya." Maiihi na ata ako sa sobrang kilig.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan 'yan."

"Makakaasa po kayong hindi ko sasaktan si Jeffrey." Humarap s'ya sa amin at ngumiti ng todo.

Hindi n'ya daw--wait, what!?

"J-jeffrey?"

"Iho sino ba ang gusto mong ligawan?" Tanong naman ni mama.

"Si Jeffrey po," wika ni Karl at tumingin sa kuya ko.

Napatingin naman ako kay kuya na ngiting-ngiti rin, kilig na kilig?

"Akala ko pinagtitripan mo lang ako e."

"Seryoso kaya ako, akala mo por que laging may joke 'yung mga banat ko 'di na totoo?"

T-tangina? Akala ko ako e, 'yung kuya ko pala. Akala ko talaga e, o baka naging masyado lang akong assuming? Huhu.

"Mas maganda pa pala sa'yo ang kuya mo Avin," bulong ni mama na ikinanguso ko.

Huhuhuhuhu 2020 na ss parin. Stay single!

END

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon