"NAKIKI-KALAN DI NAMAN KAMI CLOSE!" Wika ko. Tinawanan naman ako nang kaibigan ko.
"Haha yaan mo na 'yun Kahlan," wika neto.
"Naiinis ako e, feeling close." Ang tinutukoy ko ay 'yung pinsan ng kaibigan ko na tinawag akong Kalan matapos marinig na ito ang itinawag sa'kin ni Yrah.
"'Wag mo na kadibdibin 'yun, wala ka naman no'n hahaha," wika ni Yrah kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.
Natigil kaming dalawa nang biglang may nagsalita sa likuran.
"Baby pahiram nga ng notebook mo sa Math," wika neto.
"Huh? Pinagsasabi mo Kenz?"
"Sabi ko baby pahiram ng notebook sa math," nakangiti netong wika. Ang gwapo potek!
"He! Ba't baby?"
"Diba absent ako kahapon, kokopya ako ng pinasulat sa inyo kahapon," sagot n'ya.
"Ah I-I mean bakit b-baby tawag mo sa'kin," nauutal kong wika. Namumula na ata ang pisngi ko e.
"Hindi kasi tayo close," wika niya na ikinakunot ng noo ko.
"Waw ah! Ang tagal na nating magkakaklase--" hindi naituloy ni Yrah ang sasabibin n'ya nang muling magsalita si Kenz.
"Bagay kasi kami," wika neto at muling ngumiti sa akin.
"N-nilalagnat ka parin ata Kenz."
"Okay na 'ko, lalo pa't nakita ko na ang baby ko," litanya neto na ikinaawang ng labi ko. Fohk!
"Bes ikaw maid of honor ah," bulong ko kay Yrah bago muling humarap kay Kenz.
Kinuha ko ang math notebook ko at iniabot ito sa kaniya.
"'Yan na baby," nakangiti kong wika.
"Thanks baby," nakangising wika ni Kenz.
"Bastos! Dito pa talaga sa harap ko? Taena n'yo walang forever!" Napakabitter talaga ng gaga.
END
BINABASA MO ANG
One Shot Story (COMPILATION)
Truyện NgắnOne Shot Story Compilation (English,tagalog,taglish) by: Cheli_Minki HIGHEST RANK: #1 MOST IMPRESSIVE RANK: #1