Papaakyat pa lamang ako sa hagdan nang makita ko si Nixon na nasa ika-apat na baitang na ng hagdan.
Bakit kaya ang laki ng pwet ng lalaking 'to? Parang ang sarap kurutin o 'di kaya'y hampasin!
Papatakbo akong nagtungo sa hagdan at hinampas ang kaniyang pwetan.
"Sorry Sinadya! Hahaha!" sigaw ko at mabilis na tumakbo patungo sa dapat kong patutunguhan.
Buti walang ibang tao muahahaha.
-
Habang naglalakad ay nakita ko si Nixon sa isang bench habang may sinusulat---o iginuguhit ata?Ang ganda ng ayos ng buhok niya ngayon at ang shiny pa!
Waaah sana lahat!
Dahan dahan akong nagtungo palapit sa kaniya at natanawan ko ang kaniyang iginuguhit, bakit parang kamukha ko?
Titingnan ko na sana ng maayos ang iginuguhit niya nang ibinaligtad niya ang papel. Hindi ko na tuloy ito nasilayan ng maayos.
"Uy patingin naman! Ano bayan!" wika ko at lumapit sa kanya ng tuluyan.
"Ah wala 'to."
"Eh? Patingin na kasi!"
"Wala nga." Wala daw tss.
"Damot naman hmp!"
Agad na ginulo ko ang buhok nito at tatawa-tawang tumakbo palayo.
"SORRY SINADYA HAHAHA DAMOT MO KASI BLEH!"
Umuusok na naman ang ilong n'on sa galit for sure! Pfft.
-
Naglalakad ako papunta sa locker ko nang makita ko si Nixon 'di kalayuan kung nasaan ang locker ko.Aba plantsadong-plantsado ang uniform ah?
Hmm.
Patalon-talon akong naglakad patungo sa kanya.
Tumigil ako sa harapan niya at akmang aabutin na ang polo niya upang gusutin ng mahagip niya agad ang kamay ko.
Ngumisi ito na nakapagpakaba sa akin.
Hinapit niya ang bewang ko at inilapit ako sa kaniya.
"It's pay back time Allison," nakangisi nitong wika.
"Bitawan mo nga ako!" singhal ko.
Sa halip na sundin ay mas inilapit niya pa ako sa kanya. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko at ginulo-gulo ang buhok ko.
Ano ng itsura ko neto? Aaah!
"Sorry sinadya hahaha," nakangiti netong wika habang pisil ng isang kamay ang mga pisngi ko. Hindi tuloy ako makapagsalita waah! At parang nakanguso pa ako hmp!
"Maganda ka parin talaga sa paningin ko kahit magkaganan pa ang itsura mo." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang itinuran.
Gamit ang isa pa netong kamay ay pinisil niya ang ilong ko.
Nang ialis niya ang mga kamay ko sa ilong at sa pagkakapisil ng pisngi ko inilipat niya ang mga ito sa magkabilang pisngi ko at sinapo ito. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Shit! Allison galaw galaw baka pumanaw!
Para akong nabato sa kinatatayuan ko nang unti-unti kong maramdaman ang malalambot niyang labi na dumampi sa labi ko.
Nang makarecover ay agad kong nasampal ni Nixon.
"B-bakit mo ako h-hinalikan?"
"Because I love you." Agad na namilog ang mga mata ko at napatakip ako ng kamay sa aking labi.
Putahamnida ang puso ko! Ang bilis ng tibok nito, parang mga kabayong nagkakarera.
"M-magpinsan tayo. Magkadugo---"
Hinila niya ako palapit sa kanya at muling hinalikan. Pagkatapos ay niyakap niya ako.
Di ko magawang magpumiglas, ang higpit ng yakap niya. Tumulo na ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
Mahal ko rin siya.
"Allison...ampon ka."
A-ano?
BINABASA MO ANG
One Shot Story (COMPILATION)
Cerita PendekOne Shot Story Compilation (English,tagalog,taglish) by: Cheli_Minki HIGHEST RANK: #1 MOST IMPRESSIVE RANK: #1