"BABE HAPPY VALENTINES"

196 11 0
                                    

"Bro okay na ba?" Kinakabahan kong wika.

Tiningnan naman ako ng kaibigan ko at bahagya itong natawa.

"Relax, mukha kang natatae e haha."

"Gago!"

"Kuya andiyan na si ate Cherry!" Wika ng kapatid kong hingal na hingal galing sa labas.

Isinukbit ko na ang gitara ko at kinakabahang lumabas ng room.

Bakas ang gulat sa mukha ni Cherry nang makita ako. Magkaiba kasi kami ng school at nakiusap lang talaga ako sa guard nila na papasukin ako tutal dito din naman nag-aaral ang kapatid ko.

Ngumiti ako sa girlfriend ko at nagsimulang mag-strum ng gitara. Ganun din si Kyle, si john naman ay pa-snap-snap lang ng kamay. Gago talaga.

Ngumiti muna ulit ako kay Cherry bago nagsimulang kumanta.

"Naniniwala na 'ko sa forever
Magmula nung nakilala kita
E kaya nga di ako sumu-render, ano man ang sinasabi nila~"

Matapos ang kanta ay bigla nalang akong itinulak ni John.

"Putsa g*go!" Tinawanan lang ako nito. Sinamaan ko siya ng tingin bago lumapit kay Cherry.

"Happy Valentines Day babe," nakangiti kong wika.

Ngumiti rin siya pero halata mong peke.

"M-may problema ba? Ilang araw ko pa naman pinagpraktisan 'yung kanta," kamot-batok kong wika.

Lumapit naman sa akin ang kapatid ko at iniabot ang bulaklak na binili ko kanina.

"Para sa'yo. Sing-ganda mo ang mga rosas na iyan. " Inabot ko ito sa girlfriend pero hindi niya ito tinanggap.

"Diba ito ang paborito mo?" Hindi siya sumagot at yumuko lang. Hinawakan ko ang balikat niya at bigla nalang itong nagtaas-baba. Nagsimula naring kumawala ang mga hikbi sa bibig niya.

"B-babe..." Dahan-dahan kong iniangat ang mukha niya at nakitang puno na ito ng luha.

"Bro alis na muna kami." Hindi ko na sinagot pa sina John at hinayaan nalang sila.

"K-Kenz...I'm s-sorry," umiiyak niyang wika. Pinahid ko ang mga luha sa kaniyang mga mata at isinukbit sa tainga niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda niyang mukha.

"Kung may nagawa ka mang kasalanan, alam kung hindi mo 'yun sinasadya," saad ko.

Kinabahan ako nang dahan-dahan at sunod-sunod ang naging pag-iling niya.

"S-sorry... Kenz h-hindi ko sinasadya---h-hindi ko sinasadyang ma-fall k-kay Clarence," wika nito na unti-unting ikinaawang ng bibig ko. Bahagya akong napalayo sa kaniya.

"B-babe V-valentines prank ba 'to? Kasi kung oo, p-please, stop it! Hindi nakakatuwa."

Umiling na naman siya.

"I'm sorry...na---natakot akong iwan mo ako nung una kasi a-akala ko hindi matatanggap ng kuya mo 'yung dinadala ko."

Fvck?

"B-buntis ka?" Hindi makapaniwala kong wika.

"O-oo, at a-alam na 'to ng kuya mo. K-kanina niya lang nalaman, and he's v-very happy. I'm very sorry Kenz. M-magbreak na tayo, I loved you."

Umalis na siya. Parang nanghina ang tuhod ko matapos marinig lahat iyon sa babaeng mahal ko. Sa babaeng una kong seneryoso---pero ginago ako.

Tangina happy Valentines day self. Ngayon alam mo na ang feeling ng maloko.

Ito na ata ang karma ko sa mga panloloko ko.

END

One Shot Story (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon