"Ang panget mo." Mataman lamang akong ngumiti sa kaniya.
"Ang putla mo na nga, nagkalat pa ang mga tigyawat sa mukha mo."
"Kailan ka ba puputi?" Nanatili lamang akong nakangiti.
"Hindi ka magugustuhan ng taong gusto mo, huwag ka ng umasa pa." Pinanatili ko parin ang ngiti sa aking labi kahit unti-unti nang nagsisituluan ang mga luha mula sa aking mga mata.
"Walang magmamahal sa'yo!"
Napatawa ako ng bahagya.
"E bakit lumuluha ka rin?" saad ko. Unti-unti kong iniangat ang kamay ko hanggang sa maramdaman ang isang malamig at matigas na bagay---bubog.
"Umiiyak ka na naman self, tama na." Pinahid ko ang luha niya ngunit hindi ito mapalis.
Naka harap pala ako sa salamin.
Nilalait ang sarili gaya ng ginagawa ng marami. Sanay na ako, sanay nang laging ganito---hindi pa pala.
Kailan ba sila titigil sa mga panlalait nila?
Pagod na ako. Pagod na pagod na, gusto ko ng matulog...
...at hindi na magising pa.
END
BINABASA MO ANG
One Shot Story (COMPILATION)
Short StoryOne Shot Story Compilation (English,tagalog,taglish) by: Cheli_Minki HIGHEST RANK: #1 MOST IMPRESSIVE RANK: #1