"Si Aizeah ka ba? Kasi binanatan kalang nahulog kana boom!"
"Aizeah madungis~"
Napairap nalang ako nang marinig ang pang-aasar sa akin ng kaibigan kong ugok,agang mambwisit pisti! Dumiretso nalang ako sa upuan ko at naglagay ng earphones sa tenga.
'Nobody love me like you
And I can't love nobody back
You remind me of the--'"Ano bang problema mo!?" Asik ko kay Ryan, hinila n'ya kasi ang earphone sa tenga ko.
"Ikaw," seryoso netong wika.
"Pa'nong ako? Ikaw nga--"
"Hindi ka ba naturuan ng GMRC?" Kumunot naman ang noo ko, naiinis na 'ko sa ulok na 'to, kanina pa e.
"Naturuan ako 'no," wika ko.
Ibabalik ko na sana ang earphone sa tenga ko nang magsalita s'ya ulit.
"Hindi...hindi mo alam 'yung good manners and right crush back e."
"YUN OH!"
"NAYS ONE RYAN!"Tsk, mga chismoso't chismosa.
"Nag-aadik ka ba?"
"Oo," nakangiti n'yang wika na ikinairap ko.
"Isa lang naman ang kinaadikan ko e," dagdag n'ya pa. Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Ikaw lang naman Aizeah." Nginitian n'ya 'ko ulit, 'yung pamatay. Ba't sobrang gwapo ng ugok na 'to pag ngumiti? Tsk.
"'Wag ako Ryan, iba nalang. Huwag mo akong pagtripan."
"AWWWW!
"PA'NO 'YUNG PAGTRIPAN?" Sinamaan ko ng tingin ang nagsabi no'n."Sa tingin mo ba trip lang 'to? Minsan na nga lang magseryoso e," wika neto. I bited my lips. Hindi ko maikakailang kinikilig ako sa mga banat ng ulok na 'to.
"Gago ba't ba lagi mo nalang akong pinagtitripan?"
"Trip lang ba 'to sa'yo?Ang sabihin mo manhid ka. Hindi mo ba nahahalata na nagseselos ako sa iba mo pang crush," litanya n'ya.
"What do you mean by iba ko pang crush?"
"Aminin mo na gusto mo rin ako."
"Wow ah!" Ang hangin n'ya period. Or gano'n na ba kahalatang gusto ko s'ya? Err.
"AYIEEEE PAKIPOT SI ATENG."
"Pfft so tayo na?" Tanong n'ya na ikinangisi ko at tumayo sa aking upuan.
"Okay na?"
"Aizeah naman e!"
"What? Hindi sapat na gusto kita para maging tayo agad tss. Kung hindi ka marunong maghintay bahala ka sa buhay mo!" Masungit kong wika.
"Whoa whoa!--So gusto mo rin nga ako?" Ngising aso ito. Inirapan ko lang ulit siya.
Lumapit siya sa 'kin at inakbayan ako. "Hahaha sabi ko nga e liligawan muna kita. Sapat na siguro 'yung isang araw para mapasagot kita no?" Wika nito at hinimas-himas pa ang baba n'ya.
Sinuntok ko naman siya sa braso. "Aray!---I was just kidding, ang pikon mo hahaha." Sinamaan ko nalang s'ya ng tingin.
"Ang cute mong mapikon." Agad namang namula ang pisngi ko. Lagi n'ya 'kong inaasar pero kinikilig talaga ako sa once in a blue moon na pampupuri n'ya sa'kin.
"AYIEEEEE"
"SANA OLLLLL!"
"WALANG FOREVEEEER!"
"CHINA OIL!"Humarap naman s'ya sa mga kaklase namin. "TURUAN N'YO KASI NG GMRC 'YUNG MGA CRUSH N'YO!" Sigaw niya na ikinatawa ko ng malakas ganon din ng aming mga kaklase.
END
BINABASA MO ANG
One Shot Story (COMPILATION)
Historia CortaOne Shot Story Compilation (English,tagalog,taglish) by: Cheli_Minki HIGHEST RANK: #1 MOST IMPRESSIVE RANK: #1