It's already 10 in the evening, kanina pa ako tapos kumain habang ang boyfriend ko ay abala sa paglalaro ng mobile legends.
Naiinis na nagtungo ako sa kaniya.
"Kumain kana." Kanina ko pa s'yang pinapakain pero puro s'ya tanggi. Mas mahal pa ata neto ang ml kesa sa buhay n'ya e, takte.
"Tatapusin ko lang 'to." Argh! Sana malowbat na phone n'ya.
"Eric naman..."
Hindi n'ya ako pinansin. I sighed. Umupo ako sa tabi n'ya at inakbayan s'ya.
'Ayaw mo talagang kumain ah.'
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga n'ya, "eat or else...i'll eat you," bulong ko. Nakita ko ang pagtigil n'ya at dahan-dahang humarap sa akin.
"W-what d-did you just say?" I smirked.
"Ako ang kakain sa'yo pag 'di kapa kumain." Nakita ko naman ang pagtaas ng isang sulok ng labi n'ya na ikinakunot ng noo ko. Akala siguro neto nagj-juk lang ako.
Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa 'kin at nakangising tiningnan ako sa mata. "Sige hindi nalang ako kakain kung gan'on pala." Inilapit n'ya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, "sige, kainin mo na 'ko." Napangisi ako.
"Your wish is my command." Idinampi ko muna ang labi ko sa leeg n'ya bago inalabas ang pangil ko. Kakagatin ko na sana ang leeg n'ya nang kumilos s'ya at hinarap ako.
"Babe--b-babe?" Rumihistro ang takot sa mga mata n'ya nang makita ang mukha ko.
"P-prank lang 'to right? A-ano 'yan, saan mo nabili ang pangil-pangilan na 'yan?" Tumawa s'ya na halata namang peke. Mas lalo akong ginanahang kainin s'ya dahil sa takot na nararamdaman n'ya.
"Bakit hindi natin subukan sa leeg mo kung peke nga ito?" Nginitian ko s'ya ng pagkatamis-tamis.
Papalapit ako ng papalapit hababg siya ay papahiga ng papahiga sa sofa. Wala ka ng magagawa pa.
"K-kakain na 'ko babe...w-wag mo lang akong kainin," nauutal niyang wika.
"Tsk tsk tsk. Kanina pa kita pinapakain e, naubusan na ako ng pasenya Eric."
"B-babe don't do this--aaaah!" Tuluyan ko ng kinagat ang leeg n'ya.
"Masarap ka nga tulad ng inaasahan ko."
Hmm sino kaya ang susunod kong bibiktimahin?
Ikaw ba hindi pa kumakain? *smirk*
END
BINABASA MO ANG
One Shot Story (COMPILATION)
Короткий рассказOne Shot Story Compilation (English,tagalog,taglish) by: Cheli_Minki HIGHEST RANK: #1 MOST IMPRESSIVE RANK: #1