YAZI
'Are you coming back into my arms to love me again, I love you, I miss you, I need you now
More than ever, more than words can say
I love you, I miss you, I need you more today..~'
Guitar. Napakagandang pakinggan ng boses nya. Para akong nakalutang sa langit. Napakagaan sa pakiramdam at nais ko itong pakinggan ng paulit- ulit. Ang galing nya pa maggitara. Damang- dama nya talaga ang pagkanta.'You're all I ever need
You're all I ever wanted
Even if you pretend please love me again..~'Sana dina matapos ang sandaling ito. Mga sandaling boses nya lamang ang naririnig ko. Malayo sa gulo, malayo sa sakit at mapanakit na mundo.
'Are you coming back into my arms to love me again, I love you, I miss you, I need you now
More than ever, more than words can say
I love you, I miss you, I need you more today..~'Ohhhh ang sarap talaga sa pakiramdam. Gusto ko pa ng isa. Isang kanta! Tapos naba? Pe- pero teka nga, na-nananaginip ba a-ako? Kaninong boses nga ba yun?
Kinapa ko ng pasimple ang malambot na kinahihigaan ko. Hindi ko muna iminulat ang aking mga mata dahil baka mamaya ay mabigla nanaman ako. Patuloy lamang ako sa pagkapa nang biglang may humawak sa kamay ko. At dahil dito, tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata.
"Si- sino ka?", dalawang salita at kung tinotopak nga naman ay nauutal ko pang tanong.
Hindi sya kumibo sa tanong ko at patuloy parin syang nakatitig sakin. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa pagkabigla. Maya- maya pa ay unti- unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hell!? What is he trying to do now?! Umatras ako ngunit oo nga pala at nakahiga parin ako. Itutulak ko na sana sya pero hawak nya pala ang kamay ko, at hindi lang iisa kundi magkabilaang kamay. Ngayon, sobrang weird na talaga ng itsura namin.
Konti nalang talaga. Akala ko ay mas lalapit pa sya ngunit huminto ito at mayroon na lamang kaming isang dangkal na pagitan. Yes, isang dangkal ng sanggol. So it means na SOBRANG LAPIT NG MGA MUKHA NAMIN SA ISA'T ISA! Deym!
Mala- rosas na kulay ng labi, perpektong tangos ng ilong, mahahabang pilik- mata, maayos at makapal na kilay, mapupungay na mga mata, nakakaakit ang itsura ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Wari'y maamong tupa ang itsura na makakabihag ng maraming kababaihan. Ngunit nang titigan ko ng mabuti ang kanyang mga mata ay dun ko nakita ang tunay na sya. Alam ko sa pagkakataon na ito ay wala na akong kakaibang enerhiya. Ngunit ramdam ko parin ang taglay na lakas at katapangang loob meron ang lalaking ito.
"Naririnig kita kanina habang nakapikit ka. Nakakatuwa dahil ang kyut mo habang sinasabi na magandang pakinggan ang boses ko. Haha, gusto mo bang kantahan pa kita ng isa pang kanta?", anlamig ng boses nya. Napakalambot at magaan pakinggan. Yung boses na hahanap- hanapin mo araw- araw.
But wait? Di ba sinabi ko lang ang mga yun sa sarili ko? Ganun naba ako kalakas mag- isip at naririnig pa rin nya? Geez, ang tanga ko. NAKAKAHIYA!
"Hahaha namumula ka. Huwag mong sabihin na akala mo panaginip mo lang ang boses ko?", his smiles, it melting me. HUWAT? Umayos ka nga Yazi!
Hindi ko na lamang pinansin ang pinagsasasabi nito bagkus ay nilakasan ko ang loob kong magsalita para makaalis na sya sa harapan ko. Hindi ba sya na-o awkwardan sa posisyon namin? Haler! Para na kaming may ginagawa ditong hindi kaaya- aya sa paningin ng iba!
YOU ARE READING
Feohtan High
Fiksi RemajaEverything takes place around death and life. It talks about blood, trust, reasons, unity, hope, betrayal, tragedy and love. Yazi Shin Hainam was the Great Lady Empress of the Hainam Royal family. She was known for being hard- headed, straight forw...