SHAWN
"FUCK! WHAT HAPPENED?!", malakas at kinakabahang tanong ko nang makitang tinamaan ng lumiliyab na palaso ang pakpak ng babaeng kasalukuyang sumisigaw sa sakit na idinulot ng palasong bumutas sa kanyang mahiwagang pakpak.
"Damn Alcantara! Stop that fucking illusion!", sigaw rin ni Zion at tuluyan na itong napatayo. Nakakuyom ang kamao nito at halata sa kanyang mata ang nag- aapoy na galit.
Sa kabila ng pag- aalala at kabang aking nararamdaman ay nagawa pang mangunot ng aking noo dahil sa pagtataka. Hindi naman masamang mag- alala ni Zion, ngunit ang labis na galit na kasama ng kanyang pag- aalala ay hindi ko mabatid kung ano ang ipinapahiwatig.
"Just wait feohters... the real challenge just got started", nananabik at makapanindig balahibong tugon ng gurong ito.
Walang pag- aalinlangang sinugod ko ito at hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit. Sa aming lahat na nandito, siya lang ang hindi nagbago ng kasuotan.
Tinitigan ko siya mata sa mata upang iparating na kaunting sandali na lang ay sasabog na ako sa pagtitimpi. Alam kong may binabalak siyang masama.
"TELL. ME.", matigas na utos ko rito. Ngumisi lamang siya at sinabayan ang init ng aking pagtitig. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung inaangasan ako.
Akmang susuntukin ko na ito nang biglang marinig ko ang boses ng babaeng pinakamamahal ko na ngayon ay labis na hirap ang dinadanas sa loob ng illusion room.
"Zach??", mahinang sambit nito.
No. It can't be happening.
"Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Mahal ko?".
Napakuyom ang aking kamao sa realisasyon. Tanginang Alcantara ito!
Itinuloy ko ang pagsuntok sa mukha niya na siyang nagpatumba sa kaniya mula sa pagkakatayo. Pinunasan nito ang dugong nagmula sa kaniyang bibig dulot ng ginawa kong pagsuntok sa kanya.
Serves you right, damn.
"WHAT ARE YOU DOING MR. GONZALES!!?", malakas na tanong nito habang nakahandusay parin sa sahig.
Nilapitan ng chosens ang hinayupak na guro at lumapit naman sa akin ang TSS.
"Bakit mo ginawa'to?..", mariin ang bawat salitang ibinigkas ko.
Tumayo muna ito bago niya ako sinagot sa makahulugan na mga salita.
"Kung sino'ng pinakamasakit na naging parte ng nakaraan mo, ay siyang magpapakita bilang kalaban mo", saad niya at itinuong muli ang titig sa Illusion Room.
Humupa ang galit na namuo sa loob ko at napalitan ito ng labis na pag- aalala. Nag- aalala ako sa kapatid ko.
"Yazi...", tanging nasambit ko na lamang nang makitang nabitawan ng kapatid ko ang hawak nitong espada.
Makikita sa mata niya ang pagkasabik ngunit labis ring nasasaktan ngayon ang puso niya.
Labis itong nasasaktan dahil ang lalaking pinakamamahal niya ay muling nagpakita at ngayo'y may hawak na sandata na handang ubusin ang dugo niya ng walang pag-aalinlangan.

YOU ARE READING
Feohtan High
Teen FictionEverything takes place around death and life. It talks about blood, trust, reasons, unity, hope, betrayal, tragedy and love. Yazi Shin Hainam was the Great Lady Empress of the Hainam Royal family. She was known for being hard- headed, straight forw...