YAZI
"Sino ka!?"
"Yazi!!", I saw his eyes. I saw him.
"Z-zach?", nanghihina kong saad sa lalaking ngayon ay nasa aking harapan.
"How are you? Are you okay? Ayos kana ba? Maysakit kaba?", sunod- sunod nitong tanong sa akin.
Mababakasan ng labis na pag- aalala ang kanyang boses. Hindi ako makapaniwala, nandito siya! Nandito si Zach sa aking harapan!
Imbes na sumagot ay hinawakan ko ang pisngi niya. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang marahang hinahaplos ang bawat parte ng kanyang mukha.
Mula sa kanyang nangungusap na mga mata, sa kanyang malaperpektong hugis na ilong hanggang sa kanyang mapula- pula at manipis na labi.
"Zach-- buhay ka", batid ang kasiyahang nadarama ko sa mga sandaling ito.
Hinawakan niya ang kamay ko atsaka ito ibinaba. Tumitig pa ito lalo na siyang sinabayan ko.
"Yazi, hindi ako si Zach", sa aking narinig ay nanlaki ang mga mata ko.
Ipinikit ko ang mga ito at pilit na ipinapanalangin na sana.. na sana ay mali ang aking narinig.
"Please Zach, wag mo naman akong saktang muli. Araw- araw kitang napapanaginipan. Walang sandali na hindi ka nawala sa aking isipan. Z-zach-- 'wag mong gawin sa akin ito", pagmamakaawa kong saad at bumuhos nang muli ang aking mga luha.
"Ipikit mong muli ang iyong mga mata Yazi. Nagsasabi ako sayo ng totoo, hindi ako si Zach", patuloy na pagtanggi parin nito.
Sinunod ko ang kanyang sinabi at naghintay ng ilang segundo bago ko imulat ang aking mga mata.
Sa pagmulat nito'y labis na kalungkutan ang aking naramdaman. Wari nawasak nanamang muli ang aking puso.
"Zeus?", mahinang banggit ko na umabot parin sa kanyang pandinig.
Nagtataka niya akong tinitigan kapagkuwan ay iniiwas nito ang kanyang tingin.
"Pakiusap,'wag mo na ulit akong tatawagin sa ganyang pangalan", nasambit nito at mababakas sa kanyang boses ang lungkot at pangungulila.Pinilit kong makaupo mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa aking ulo nang medyo umikot ang paligid.
"Yazi, kung hindi pa maayos ang iyong kalagayan ay mas mainam na magpahinga kana lang muna dito", saad niya sa akin.
Inilibot ko ang aking tingin sa kinaroroonan namin. Lahat nang makikita ay kulay puti. Mula sa pinturang ginamit sa pader at sa mga kagamitang nandito sa loob.
"N-nasaan tayo? Nasa'n ang iba?", tanong ko rito.
"Nasa silid- pahingahan tayo Yazi. At malamang ay kanina pa nagsimula ang pag- eensayo ng iba. Malamang ay malapit narin silang matapos. Ako at ikaw lamang ang nandito sapagkat kailangan na nilang mag- umpisa sa pagsasanay. Akin lamang kitang binantayan", paliwanag niya.
Hindi pwede, bakit ba kasi ito nangyari sa akin? Kailangan na kailangan kong makita ang bawat kilos ng iba pa, kung papaano sila makipaglaban, kung papaano sila mag- isip sa gitna ng laban. Lalong lalo na ang grupo ng mga pinakamagigiting sa paaralang ito. Ang TSS.
"Tara na Zeu- Zion. Ayaw kong matapos ang araw na itong hindi tayo nakakapagsanay", sabi ko at tumayo na.
Sinubukan niya akong alalayan pero sinabi ko sa kanyang kaya ko. Nauna itong naglakad at ako'y sumunod na lamang sa kanya kung kaya't aking napagmasdan ang matipuno nitong likuran.
YOU ARE READING
Feohtan High
Teen FictionEverything takes place around death and life. It talks about blood, trust, reasons, unity, hope, betrayal, tragedy and love. Yazi Shin Hainam was the Great Lady Empress of the Hainam Royal family. She was known for being hard- headed, straight forw...